LADY EAGLES VS LADY SHUTTLERS; NATIONAL U KONTRA ATENEO

SISIMULAN ng magkaribal na Ateneo at De La Salle, gayundin ng defending five-peat champion NU at Ateneo ang kani-kanilang best-of-three finals ng UAAP Season 82 Women’s Badminton Tournament ngayon sa Centro Atletico Badminton Center.

Ang reigning champions Lady Eagles ay nangailangan ng tatlong match para dispatsahin ang National University at siguruhin ang kanilang ikalawang sunod na championship appearance.

Si last year’s co-Most Valuable Players Chanelle Lunod at Geva de Vera ay binalewala ang hamon nina Gwen Desacola at Jeya Pinlac sa doubles match, 21-18, 21-16 para kunin ang panalo.

Una rito, nanalo mula si Lunod kay rookie Kate Amigable, 21-7, 21-17 para simulan ang sweep. Sinundan ng panalo ni Mika de Guzman kay NU captain Jiselle Capillo, 21-14, 21-5.

Ang La Salle Lady Shuttlers nama’y pumasok sa finals matapos ang 3-1 win laban sa University of the Philippines, sa pangunguna nina rookie Palma Cruz at Shaynne Boloron, na nanaig kina Andrea Abalos at Marie Lopez, 21-10, 21-9.

Wagi rin ang skipper na si Iyah Sevilla sa singles match, at nagtamba sila ni Kanna Baba para talunin sina Jaja Andres at Trica Opon sa doubles.

Habang ang NU Bulldogs ay tinalo ang UP, 3-2 at ang Blue Eagles ay namayani laban sa De La Salle Green Shuttlers, 3-1, para isaayos ang kanilang showdown.

85

Related posts

Leave a Comment