Magdamagang MPBL Lakan All-Star: SOUTH WAGI vs NORTH

SINIMULAN ng Huwebes ng gabi at natapos ng Biyernes ng madaling araw ang Chooks-to-Go MPBL Lakan Season All-Star Extravaganza sa MOA Arena, kung saan nagtala ang South ng 126-122 overtime win kontra North team.

Si Batangas City Athletics guard Jeff Viernes ay kumamada ng pitong puntos, kasama ang huling apat para pangunahang muli ang Southerners laban sa Northerners, na kanila ring tinalo noong nakaraang taon, 109-84.

Tinapos ni Viernes ang laro na may 28 points, six rebounds, six assists at two steals para hiranging MVP na may kaakibat na P50,000. Ito rin ang ikalawang sunod na taong naibulsa niya ang MVP plum.

Nagsimula ang laro na parang nagkakatuwaan lamang, pero pagsapit ng second half ay naging seryoso ang lahat nang tila mapag-isip-isip ang nakalaang P500,000 ipagkakaloob sa mananalong koponan.

Si Viernes ay tinulungan ni Alvin Pasaol ng Bataan na may 19 points at nine boards, habang nag-ambag si Will McAloney ng Cebu ng 16 points at four rebounds.

Kahit natalo ang North team, nakita nina Pampanga Giant Lanterns owner Cong. Dong Gonzales at Nueva Ecija Rice Vanguards owner Bong Cuevas ang ipinamalas na laro nito, kaya’t naisipang maglabas ng tig-P250,000 at ipinagkaloob sa mga miyembro ng koponan.

“The (all-star) players showed that given the centerstage they would shine and deliver,” lahad ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes.

ALVAREZ 3-PT SHOOTHOUT WINNER, CARLOS SLAM KING

Tinaghal namang best sharpshooter si Lester Alvarez at best dunker si David Carlos sa side events ng All-Star Extravaganza.

Walang mintis sa third rack, si Alvarez ng Bulacan Kuyas ay nagsumite ng 24 points sa final shootout para tanghaling bagong 3-point king.

Tinalo ni Alvarez sina James Martinez ng Nueva Ecija (20 points) at Bicol’s Jherome Garcia (17 points).

Muli namang pinahanga ng 5-foot-9 na si Carlos ang manonood sa kanyang ‘leaping prowess.’

Nakakuha si Carlos ng perfect 50 points sa kanyang one-handed jam kung saan tinalunan niya ang apat na tao kabilang si MPBL founder at CEO Sen. Manny Pacquiao at anak nitong si Jimuel.

Tumanggap si Carlos ng P100,000 sa panalo. (VT ROMANO)

Related posts

Leave a Comment