MAGNOLIA NAGLISTA ULIT NG WAGI

pba12

(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO)

INILISTA ng Magnolia Hotshots ang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Columbian Dyip, 110-103 sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumalas ang Hotshots sa third quarter nang magsanib-pwersa sina Ian Sangalang at Paul Lee, upang ituloy ang pamamayagpag ng Magnolia makaraan ang panimulang 0-2.

Matapos naman ang malamyang galaw sa huling dalawang laro, nakitaan na ng improvement ang import ng Magnolia na si James Farr, nang mag-ambag ito ng 22 points at 11 rebounds.

Si Sangalang ay nagsumite rin ng 22 points, habang may 21 markers si Lee.

Ito naman ang ikaapat na talo ng Dyip matapos ang limang laro, sa kabila ng pagpapalit ng import sa katauhan ni Lester Prosper, na umiskor ng 26 points.

Naghahabol pa ang Hotshots, 62-58 sa third period nang makaipon ng lakas para umatake ng 18-0 run sa pangunguna nina Sangalang, Lee at Farr, tungo sa 14-point lead para siguruhin ang panalo ng Magnolia.

Tumulong din si Jio Jalalon, na nagbigay ng double-double na 17 points, 12 rebounds at seven assists.

Habang sa panig ng Dyip, si CJ Perez ay may 18 points at 14 naman mula kay Glenn Khobuntin.

ANG ISKOR:

Magnolia 110 – Farr 22, Sangalang 22, Lee 21, Jalalon 17, Barroca 9, Brondial 8, Melton 3, Simon 2, Herndon 2, Ramos 2, Dela Rosa 2, Pascual 0.

Columbian 103 – Prosper 26, Perez 18, Khobuntin 14, McCarthy 11, Corpuz 10, Calvo 6, Celda 4, Escoto 4, Cahilig 3, Camson 3, Reyes 2, King 2, Faundo 0.

Quarters: 34-28; 52-52; 85-73; 110-103.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment