NCAA SEASON 95 MEN’S BASKETBALL: OFTANA, MVP; ROY SI ARANA

SINA Calvin Oftana ng San Beda Universtiy at Justin Arana ng Arellano University ang tinanghal na NCAA Season 95 men’s basketball Most Valuable Player at Rookie of the Year, ayon sa pagkakasunod.

Nakuha ng bona fide star ng Red Lions na si Oftana ang MVP plum matapos magposte ng 15.6 points, 8.2 rebounds, at 2.7 assists sa halos 25 minutes per game na paglalaro. Nakakolekta siya ng kabuuang 51.56 Player Average Value (PAV) sa buong tournament.

Huling nagkaroon ng MVP ang Red Lion noong 2010 nang makopo ito ni Sudan Daniel.

Kasama ni Oftana sa Mythical Team ang kanyang teammates na tinaguriang “Bandana Brothers” na sina Evan Nelle at James Canlas, Allyn Bulanadi ng San Sebastian College, at Jaycee Marcelino ng Lyceum of the Philippines University.

Si Nelle ay nakapagtala ng 45.39 PAVs at may average 10.2 points, 6.7 assists, at 4.5 rebounds per game; habang may 14.1 points, 5.6 rebounds, at 2.0 assists per game para sa 45.33 PAVs si Canlas.

Nagrehistro naman si Bulanadi ng 45.28 PAVs na may scoring average 20.0 points, 5.1 rebounds at 4.3 assists per game, samantalang ang former Rookie of the Year na si Marcelino ay may 18.6 points, 5.1 rebounds, at 2.8 assists per game.

Nagtala naman ng 35.5 PAVs ang ROY ngayong taon na si Arana, na nakakuha rin ng Defensive Player of the Year honors.

Kasama ni Arana sa All-Defensive team sina Oftana, University of Perpetual Help’s Ben Adamos, Emilio Aguinaldo College’s JP Maguliano, at San Sebastian’s JM Calma.

Hinirang naman na Most Improved Player si Fran Yu ng Colegio de San Juan de Letran nang mula sa 93rd place ay tumalon ito sa 19th sa PAV race.

Pinarangalan din ng liga ang dalawang foreign student-athletes sa kanilang huling taon na paglalaro sa NCAA.
Si Donald Tankoua ng San Beda ang Best Foreign Player matapos kumolekta ng 45.28 PAVs at mag-averaged ng 13.3 points at 7.5 rebounds per game.

Si Mike Nzeusseu ng Lyceum naman ang tinanghal na Defensive Foreign Player para sa taong ito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment