PACQUIAO VIA 10TH ROUND KO – ERIK MORALES

erikpac12

(NI VT ROMANO)

SINEGUNDAHAN ni Mexican boxing legend Erik Morales si Hall of Fame trainer Freddie Roach sa prediksyong mana-knockout ni Manny Pacquiao si Keith Thurman.

Una nang sinabi ni Roach na gutom sa knockout win si Pacquiao, kaya’t halos patayin nito ang sarili sa ensayo.

Para naman kay Morales, matutulog si Thurman sa 10th round.

Sa panayam ng EsNews kung saan kasama ng 42-anyos na si Morales ang anak na lalaki, na siyang naging translator nito, sinabi nitong angat si Pacquiao kay Thurman sa ‘ring experience.’ At sa tingin niya’y madaling tatalunin ng Pambansang Kamao ang mas batang si Thurman.

Sina Pacquiao at Morales ay tatlong beses naglaban, kung saan nanaig ang Mehikano sa unang laban, habang binawian siya ng Pinoy ring icon sa ikalawa at ikatlo.

Maging si Amir Khan, dating sparring mate ni Pacquiao, ay nagsabing tatalunin ng Pinoy boxer si Thurman, na magpapataas sa posibilidad na mai-setup ang kanilang laban.

“End of this year, early next year, I want to make a big name world title challenge and there’s a strong possibility it could be here in Saudi Arabia against Pacquiao,” lahad ni Khan sa Boxingscene.com.

83

Related posts

Leave a Comment