PILIPINAS 3X3, WORLD TOUR MANILA MASTERS KINANSEL

NAGDESISYON ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 at International Basketball Federation (FIBA) na i-postpone ang 2020 President’s Cup.

Kanselado na rin ang World Tour Manila Masters dahil pa rin sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
“We have decided to move the opening of our first conference to a later date because of the on-going COVID-19 pandemic,” sabi ni Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas.

“As Filipinos, the health and safety of our players, officials, staff, and, most importantly, our fans are the most important thing to us,” dagdag niya.

Ang anim na leg na President’s Cup ay magsisimula sana sa March 29 sa events center sa SM Fairview. Tampok sa liga ang 12 koponan, siyam ay galing sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Samantalang ang Chooks-to-Go FIBA 3X3 World Tour Manila Masters ay nakatakda sana sa Mayo 2-3, 2020 sa SM Megamall fashion hall.

Inilipat ang Manila Masters sa Agosto 15-16 sa parehong lugar.

Ang Manila Masters ay isang maximum-level FIBA 3×3 event na tampok ang mga pambansang koponan at mga pinakamahuhusay na clubs sa buong mundo.

Ang iba pang FIBA 3×3 events na na-postpone ay ang Olympic Qualifying Tournament na dapat gagawin sana sa Marso 18-22 sa Bengaluru, India, at Asia Cup sa Mayo 13-17 sa China.

Hindi pa naitatakda ang araw para sa OQT subalit ayon sa FIBA, kailangan itong agad na maisagawa bago ang Universality OQT sa Abril 24-26 sa Budapest, Hungary. Ang Asia Cup ay gaganapin na sa Setyembre 9-13.

“We at Chooks-to-Go Pilipinas are closely monitoring the situation on a daily basis. But for now, we are calling on everyone to make personal safety as the utmost priority,” sabi pa ni Mascarinas. (ANN ENCARNACION)

Related posts

Leave a Comment