PISTONS SILAW SA SUNS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

UMISKOR si Devin Booker ng 30 points sa 30 minutes, inakay ang Phoenix Suns sa 135-108 pagdurog sa Detroit Pistons, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Michigan.

Nakapagtala si Booker ng 11-of-18 shooting sa field at naupo na sa fourth quarter. Nagdagdag naman si Cameron Payne ng 20 points, five rebounds at five assists, habang ang kapwa reserve na si JaVale McGee ay umiskor ng 20 points buhat sa 9-of-10 shooting sa field, bukod sa six rebounds.

Maging si Landry Shamet ay nagsumite rin ng 11 points, habang si Chris Paul naman – 10 points, six rebounds at six assists. Si Mikal Bridges, 10 points para sa Suns, hawak ang league’s best record at nakakaanim na panalo sa pitong laro.

Si Detroit’s Cade Cunningham, top pick sa 2021 draft, ay ejected sa third quarter matapos ang dalawang technicals. Matapos niyang mag-dunk, nag-gesture sya ng panunuya habang nakaturo sa isang Suns player, dahilan para bigyan siya ng ikalawang T. Bago pinatalsik sa laro, si Cunningham ay may 21 puntos sa 25 minuto.

May 21 points din si Cory Joseph at seven assists, habang si Trey Lyles, nakapag-ambag ng 18 points at six rebounds.

Hindi naman nagtagal sa laro si Suns center Deandre Ayton, nang first quarter pa lang ay kinailangang lumabas sanhi ng right ankle sprain.

Nagpasabog si Booker ng 21 points, 9-of-11 shooting nang kunin ng Suns ang 64-54 halftime lead. Malaking bagay rin si Payne, nag-contribute ng 12 points sa nasabing period.

Habang pinilit naman ni Cunningham na manatili sa aksyon ang Pistons, sa kanyang 13 points.

Naglista si Booker ng 15 points sa wild opening quarter na nagtapos sa 39-35 lead ng Phoenix. Ang Suns ay kumamada pa ng 10-4 run sa huling 3:13 ng second quarter, kabilang ang dalawang tres ni Payne.

Nag-tig isang basket sina Paul at McGee sa pagbubukas ng third quarter at napanatili ng Phoenix ang double-digit lead. Sinundan ito ng 6-0 spurt ng Suns, kasama ang tig-3 puntos nina Paul at McGee tungo sa 79-60 count.

Dinagdagan ni Booker ang lamang ng Suns, 87-67 na dalawang free throws, limang minuto sa quarter. Hinablot niya ang ika-30 puntos, 3:28 sa third. At itinuloy ng Suns ang pag-arangkada hanggang 103-82 papasok sa fourth, iniskor pa ang unang lima sa final quarter habang nasa bench na si Booker.

NUGGETS PINAGPAG NG JAZZ

SA kanyang pagbabalik, nagsumite si Rudy Gobert ng 18 points at 19 rebounds, habang may 31 points si Donovan Mitchell nang talunin ng Utah Jazz ang Denver Nuggets, 125-102 sa Denver.

Tumulong din si Bojan Bogdanovic, 21 points para wakasan ang four-game skid ng Jazz.

Absent si Gobert sa limang laro ng Jazz matapos magpositibo sa COVID-19.

Tinalo muna ng Utah ang Denver sa unang larong wala si Gobert, pero natalo na sa sumunod na apat nitong laro.

Tinalo ng Jazz sa tatlong meeting ang Nuggets ngayong season, kabilang ang dalawang road games.

Tumapos si Nikola Jokic na may 25 points, 15 rebounds at 14 assists para sa kanyang ikalawang triple-double sa dalawang araw na laro ng Denver. Katabla niya si Russell Westbrook sa dami ng triple-double performance ngayong season sa itina­lang siyam at 66 sa kabuuan ng kanyang career.

Nag-ambag din si Aaron Gordon ng 20 points at 16 mula kay Will Barton para sa Nuggets, na nag-averaged ng 136.5 points sa huling dalawang laro, pero 14 lang ang iniskor sa fourth quarter laban sa Jazz.

Umarangkada ang Jazz gamit ang 15-2 run sa first at second quarters at nagtala ng 13-point lead sa third. Humabol ang Denver at kinuha ang 81-80 lead mula sa three-point play ni Barton, pero nabawi ng Utah ang driver’s seat, 91-88 papasok sa fourth.

Sinamantala ng Jazz ang pagkakaupo ni Jokic sa panimula ng final quarter. Iniskor ang ­unang 11 points sa 15-0 run tungo sa 102-88 lead.

Nagawang mailapit ni ­Jokic ang Nuggets, 103-93, subalit ­nagliyab si Mitchell at sinimulan

ang 10-2 run na tumapos sa ­paghahabol ng Denver.

Sa ibang laro, tinalo ng ­Houston Rockets ang Sacramento Kings, 118-112 at bagsak din ang Golden State Warriors sa kamay ng Minnesota Timberwolves, 119-99.

DURANT INALIS SA
LINEUP NG NETS

INIHAYAG ng Brooklyn Nets na mawawala sa lineup si Kevin Durant, makaraang lisanin ang laro kontra New Orleans Pelicans (Sabado ng gabi) bunga ng sprained MCL sa kaliwang tuhod.

“Following an MRI this ­morning, Kevin Durant was ­diagnosed with a sprained medial collateral of the left knee,” official na ­pahayag ng Nets. “The injury occurred during the second quarter of Saturday’s game vs. New Orleans. Durant is expected to return to full strength following a period of rehabilitation. Updates regarding his return will be provided as appropriate.”

Bitin ang nasabing pahayag ng management. Hindi binanggit kung gaano ba kabigat ang sprain ni Durant. Walang banggit kung kailan inaasahang makababalik o kung makababalik pa sa season ang player.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto sa East ­Conference ang Nets matapos ang 42 games. ­Habang nasa unahan nito ang Chicago Bulls.

Related posts

Leave a Comment