POC ELECTIONS INIHIRIT

romasanta12

(NI JEAN MALANUM)

HINDI pa tapos ang krisis sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) na pansamantalang pinamumunuan ni Jose Romasanta, matapos magbitiw sa puwesto si Ricky Vargas noong nakaraang linggo.

Si Vargas ang pumalit kay Peping Cojuangco sa eleksyon noong nakaraang taon lang.

Sa isinagawang pulong kahapon sa GSIS gymnasium, sa pangunguna ni POC chairman Abraham “Bambol” Tolentino,  isang special election ang inihirit, kung saan pormal na ihahalal ang kapalit ni Vargas.

Si Tolentino ay boluntaryong nagbitiw  kasama ni first vice president Romasanta, auditor Jonne Go, treasurer Julian Camacho at board members Clint Aranas at Cynthia Carrion.

Tumawag ng special election si Tolentino matapos ipaliwanag na sina Romasanta at second vice president Antonio Tamayo ay hindi kuwalipikadong pumalit kay Vargas base sa POC by-laws, kung saan nakasaad na dapat ay isang Olympic sport ang pangulo ng isang NSA.

Si Romasanta ay vice president ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc., habang si Tamayo ay pangulo ng soft tennis na hindi naman Olympic sport.

Si Frank Elizalde, former International Olympic Committee (IOC) representative sa Pilipinas, ang naatasang maging Commission on Election chairman.

Ang eleksiyon ay gaganapin sa July 5, alas-11:30 ng umaga sa Golden Bay Restautant sa Pasay City.

74

Related posts

Leave a Comment