SASABAK SA 31st SEAG ONLINE TRAINING MUNA

0

MANANATILI sa online training ang mga atletang sasabak sa Southeast Asian Games ngayong taon sa ­Vietnam.

Tanging ang mga Filipino athletes na naghahanda sa ­Tokyo Olympics ang nasa bubble ­training sa Calamba, Laguna.

Sa PSA Forum videocon kahapon, sinabi ni National training director Mark Velasco, nilalakad pa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa AITF na mabigyan ng clearance na makapag-face-to-face training na rin ang SEA Games-bound athletes.

“We need the IATF ­clearance for that. (PSC) Commissioner Ramon Fernandez (SEA Games chef de mission) is working on that,” lahad ni Velasco.

Mga qualified at mga sasalang sa qualifiers ang binigyan ng clearance ng AITF sa bubble training sa Inspire Sports Academy.

Sina Olympic-bound ­athletes gymnast Caloy Yulo, pole vaulter EJ Obiena, boxer Eumir Marcial ay pawang nasa abroad. Habang si weightlifter Hidilyn Diaz ay nasa Malaysia at doon naghahanda.

Ayon kay Velasco, halos 60 katao ang mananatili sa Calamba bubble, kasama na ang mga atleta at coach ng boxing, karatedo at taekwondo, na pawang naghahanda para sa Olympic qualifiers hanggang Hunyo.

“We have to prioritize the safety of everybody. I think everybody (SEA Games rivals) is in the same situation. Health is our primary concern. November may still be far but for an athlete preparing

for the SEA Games that’s near,” komento naman ni Richard Lim, president ng Karate Pilipinas Inc. na panauhin din sa forum na suportado ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Idinadag ni Velasco, pagdating ng vaccines ay papayagan na ring mag-open training ang mga atletang kakatawan sa Pilipinas sa biennial meet sa Hanoi.

At dahil wala ring ­international exposures ang mga atleta, mas mahabang ­preparasyon ang kinakailangan para maidepensa ang SEA Games crown.

“That’s why we are planning the best timetable for them. With no foreign exposure we need longer training cycles,” pagtatapos ni Velasco.

Related posts

Leave a Comment