SMB-TNT DO-OR-DIE NA!

0

SADYANG walang tulak-kabigin sa tapatang Talk N’ Text at San Miguel Beer. Nitong Biyernes ay nakapwersa ng decider Game 7 ang SMB makaraang muling magwagi laban sa TNT, 103-90.

Dahil sa panalo ng Beermen ay nagtabla sila sa ikatlong pagkakataon ng Tropang Giga, sa Game 6 ng 2021 PBA Philippine Cup Semifinals sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Nakaungos sa Game 1 ang TNT, ngunit agad bumawi ang SMB sa Game 2. Muling lumamang ng Tropang Giga sa Game 3, ngunit maagap na nakabalikwas ang Beermen sa Game 4.

Kinuha ng tropa ni coach Chot Reyes ang ikatlong panalo noong Miyerkoles, subalit Biyernes ay itinablang muli ng mga bata ni coach Leo Austria ang serye sa 3-3.

Muling bumida para sa Beermen si big man Mo Tautuaa na umiskor ng team-high 24 points sa Game 6.

Bumawi naman si Marcio Lassiter sa kanyang disappointing Game 5 performance at kumamada ng 19 puntos kabilang ang three consecutive triples sa first quarter nq nagbigay sa SMB ng double digit lead, 14-4, at mula rito ay hindi na nakahabol ang TNT.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment