SOLO-LIDERATO ITATAYA NG NLEX vs MAGNOLIA

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

ITATAYA ng NLEX Road Warriors ang solo lideratong posisyon sa pagsagupa nito sa nagtatanggol na kampeong Magnolia Hotshots sa tampok na laro sa 2019 PBA Governor’s Cup elimination round sa Ynares Center-Antipolo.

Bago ang alas-6:45 ng gabing game sa pagitan ng Hoshots at Warriors ay magsasalpukan muna sa alas-4:30 ng hapon ang Meralco Bolts at NorthPort Batang Pier.

Nasolo ng NLEX ang liderato sa 7-1 panalo-talong kartada makaraang matalo ang dating katabla nila na TNT Katropa kontra Barangay Ginebra, 93-96, noong Biyernes.

Dalawang sunod na panalo naman ang naitala ng defending champion Magnolia, pinakahuli nilang tinalo ay Phoenix Pulse, 97-81, na nagpatatag sa kanilang puwesto sa kabuuang 5-4 record.

Samantala, kaabang-abang din ang sagupaan ng Bolts at Batang Pier, na inaasahang gagawin ang lahat ng makakaya upang makaabante sa playoffs round.

Nabigo ang NorthPort sa huling laban nito kontra Alaska Aces, 106-99, na nagpasikip sa daan ng koponan patungo sa susunod na round.

Sa ngayon ay nasa ikawalong puwesto ang Batang Pier (3-5) sa likod ng Columbian Dyip (4-6) at half-a-game lang ang lamang sa Aces (3-6).

Nabatid na ang seven-point differential, dagdag pa ang 114-08 panalo ng Dyip kontra NorthPort sa kanilang nakaraang laban ay magiging malaking paktor sakaling mag-triple tie ang tatlong nasa hulihang teams.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment