TIGRESSES, LADY SPIKERS SWAK NA SA FINAL FOUR

0

(PHOTO BY MJ ROMERO)

PINORMALISA ng defending three-time women’s titlist University of Santo Tomas at De La Salle ang pagpasok sa Final Four matapos magsipagwagi kahapon sa UAAP Season 82 Beach Volleyball Tournament sa Sands SM By The Bay.

Tinuhog nina Babylova Barbon at Gen Eslapor ang ikalimang sunod na panalo ng Golden Tigresses matapos talunin ang tambalan nina Sheena Gallentes at Shiela Mae Kiseo ng Far Eastern University, 21-11, 21-15, habang sina Lady Spikers’ Tin Tiamzon at Justin Jazareno ay umangat din sa 5-0 kasunod ng 21-11, 21-9 win kina Lyen Ritual at Juliet Catindig ng University of the East.

“Yung goal po namin is ma-defend ‘yung crown para din kay ate Sisi [Rondina], kasi ilang seasons din na nag-champion siya. Ayaw namin na mabigo siya,” lahad ni Barbon matapos kunin ang Final Four slot.

PInalakas naman ng Ateneo Lady Eagles ang semis bid nito nang sina Ponggay Gaston at Roma Mae Doromal ay magtala ng 20-22, 21-16, 15-12 win laban kina Rosie Rosier at Euri Eslapot ng University of the Philippines.

Ang Lady Eagles ay katabla na ngayon ng Lady Tams, 3-2.

Nanaig naman ang Adamson laban sa National U, 21-2, 21-9. Ikalimang sunod na kabiguan ito ng Lady Bulldogs.  Habang ang Lady Warriors at Lady Maroons ay nalaglag sa 1-4.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment