UP UNGOS SA NU GA-BUHOK!

(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO)

NAKATAKAS na naman ang University of the Philippines Fighting Maroons sa isa pang dikitang laro. Habang nagpatuloy naman ang kabiguan sa panig ng National University.

Kahapon, umiskor ang UP ng 80-79 win laban sa NU sa pagpapatuloy ng aksyon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nabitiwan ng Fighting Maroons ang 14-point second quarter advantage at ang 78-71 lead sa huling 2:13, at nangailangan ng swerte sa dulo para hablutin ang panalo.

Sinikap ni Dave Ildefonso na ibalik ang Bulldogs nang bumato ng trey sa huling 11.6 seconds. Kasunod ang sablay ni David Murell sa free throw, na nagbigay daan sa NU na makahirit pa, subalit kinapos ang 15-foot jumper ni John Lloyd Clemente sabay sa pagtunog ng buzzer.

“We need to learn how to close out games as a team. That’s a process,” komento ni coach Bo Perasol matapos ang laro.

Si Kobe Paras ang namuno sa UP sa itinalang 25 points, six rebounds at two assists para sa ikatlong panalo sa apat na laro.

Nagdagdag naman si Bright Akhuetie ng 19 points at 12 rebounds, habang si Javi Gomez de Liano ay may 17 points mula sa 50-f-7 shooting sa 3-point arc.

Wasak na naman ang puso ng Bulldogs sa ikaapat na sunod nilang talo.

Nabalewala rin ang 25 points, five rebounds at two assist ni Ildefonso.

Naisahan naman ng Adamson University ang UST Tigers, 78-71 sa isa pang men’s game.

 

Ang iskor:

UP 80 — Paras 25, Akhuetie 19, Ja. Gomez de Liano 17, Tungcab 6, Manzo 4, Rivero 4, Longa 3, Murrell 2, Ju. Gomez de Liano 0, Gozum 0, Jaboneta 0, Prado 0, Spencer 0.

NU 79 — D. Ildefonso 25, Gaye 13, S. Ildefonso 13, Gallego 9, Joson 8, Minerva 7, Clemente 2, Mosqueda 2, Diputado 0, Galinato 0, Malonzo 0, Oczon 0, Tibayan 0, Yu 0.

Quarterscores: 18-23, 44-36, 67-59, 80-79. 

87

Related posts

Leave a Comment