WORLD TITLE DEDEPENSAHAN NI YULO

0

PUNTIRYA ni 2020 +1 Tokyo Olympian Carlos Yulo na mapanatili ang kanyang paghahari sa floor exercise sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships.

Nasa Kitakyushu, Japan si Yulo at puspusang naghahanda sa naturang torneo na gaganapin ang qualification round at all-around apparatus finals sa Oktubre 18-24.

Wagi ang Pinoy gymnast sa floor exercise noong 2019 World Championships sa Germany, kaya asam niya na ma-panatili ang kanyang titulo.

Matapos ang kabiguan sa nakaraang Tokyo Games, agad bumawi si Yulo noong nakaraang buwan at nakapagbulsa ng isang ginto at isang tansong medalya sa 2021 All Japan Senior and Masters Gymnastics Championships sa Yamagata, Japan.

Naka-gold siya sa paborito niyang floor ­exercise nang magtala ng 15.300 score, at bronze sa vault event makaraang makakuha ng 15.000 score. (ANN ENCARNACION)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment