WRESTLER NALUNOD

0

NATAGPUAN na ang katawan ng nawawalang wrestler mula sa World Wrestling Entertainment (WWE) na naunang ini-report na nawawala dahil sa malakas na alon.

Huling nakita si Shad Gaspard, na kilala sa WWE na bahagi ng tag-team na Cryme Time kasama si JTG, na lumalangoy sa Venice Beach sa Los Angeles. Natagpuan ang labi niya sa dalampasigan.

Sinabi ng mga lifeguard na si Gaspard, 39, ay tinangay ng malalakas na alon. Sinagip niya ang 10-taong gulang na anak noon at sinabihan ang rescuers na unahin ang kanyang anak. Nang balikan siya ay hindi na siya nakita.

“When last seen by the lifeguard, a wave had crashed over Mr. Shad Gaspard and he was swept out to sea,” sinabi ng pulis.

Natagpuan ang kanyang katawan malapit sa Venice Pier.

Nagretiro si Gaspard noong 2010 at itinuloy ang entertainment career sa TV at mga pelikula. KIKO CUETO

Related posts

Leave a Comment