1st MANILA INTERNATIONAL PERFORMING ARTS SUMMIT GAGANAPIN SA CCP

Masami Shigeta

Inaasahan na ang gaganaping first Manila International Performing Arts Summit (MIPAS) sa Setyembre 19 hanggang 22, 2019 at ito ay iho-host ng Cultural Center of the Philippines.

Sa pagsasama-sama ng arts at business sectors mula sa Asia Pacific at iba pang bahagi ng mundo, ang multi-platform summit na ito ay naglalayon na impluwensyahan pa ang excellent performing arts pro-ductions at talents sa bansa at sa Asia Pacific Region, gayundin na maiangat ang kaalaman at lawakan ang market nito sa labas ng bansa.

Sa summit na ito, magkakaroon ng tatlong flagship events – ang Federation of Asian Cultural Promo-tions (FACP) Conference; Association of Asia Pacific Performing Arts Centre (AAPPAC) Conference at ang Manila International Performing Arts Market (MIPAM) + CREATE Philippines.

Mula sa Setyembre 19 hanggang 20, pag-iisahin ng FACP Conference ang content providers at art stakeholders mula sa Asian region. Ang FACP na itinatag noong 1981 ay naglalayong ipakilala ang intra-Asian cultural exchanges at sumuporta sa international touring ng artist.

Ang conference na ito ay magbibigay ng isang platform para sa mga miyembro ng FACP upang magpalitan ng kaalaman at mapag-usapan ang mga isyu na may kinalaman sa entertainment at arts in-dustries sa Asia Pacific region. Ito rin ang paraan para higit pang lumikha ng kooperasyon mula sa mga miyembro.

Samantala, ang MIPAM + CREATE Philippines, na isang global platform para sa performances at busi-ness-to-business exchanges, ay magaganap naman sa Setyembre 19 hanggang 21, 2019.

Sa pakikiisa ng DTI-CITEM, ang naturang platform ay nag-aanyaya sa international performing groups at festival organizers, gayundin sa local at international promoters, producers at agents mula sa FACP, AAPPAC at CREATE Philippines.

Sa Setyembre 20 hanggang 22, ang AAPPAC Conference ay pagsasama-samahin ang management ex-ecutives at presenters mula sa leading performing arts venues sa Asia Pacific region upang i-monitor ang strategies na magpo-promote upang mas magustuhan ito ng publiko fostering greater public appreciation at mag-demand sa performing arts.

Ang resource speakers at panelists, na experts sa kanilang mga hanay, ay tatalakayin ang mga paksa hinggil sa cultural diplomacy, arts philanthropy, smart technology, partnerships sa pagitan ng academe at performing arts centers, ang pag-angat ng small, independent performing arts spaces at pag-angat ng arts and culture districts at kung paano nito bubuhayin ang city economies sa gaganaping three-day conference.

Ang MIPAS ay nabuo sa pakikipag-ugnayan ng Department of Trade and Industry – Center for International Trade Expositions and Missions, Department of Tourism, Tourism Promotions Board, the National Commission for Culture and the Arts, at CNN Philippines.

Please follow and like us:
Read More