BRGY, SK ELECTIONS SA 2022, APRUB NA SA KAMARA

0

(NI ABBY MENDOZA)

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang ipagpaliban ang May 2020 Barangay at Sangguninang Kabataan (SK) elections sa December 5, 2022.

Sa botong 194 na pabor at 6 na No ay aprubado na ang House Bill (HB) No. 4933.

Ang nasabing House Bill ay hindi na idadaan sa bicameral conference committee dahil ang nasabing bersyon ay kahalintulad din ng bersyon ng Senado na naipasa noong Setyembre.

Nangangahulugan na diretso nang ipadadala sa Malacanang para sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala.

Dahil sa postponement ay awtomatiko na extended ang termino ng mga incumbent na barangay officials na nanalo noong May 2018.

Matatandaan na sa kanyang State of the Nation Addrress (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na nais nitong ipagpaliban ang barangay at SK election.

Nauna na ring na-reallign ng Kongreso  ang P5.7B budget na gugugulin sana dito sa pagpasa ng 2020 national budget.

 

Read More

21-0; PAGPAPALIBAN SA BRGY, SK ELECTIONS LUSOT SA SENADO

BRGY-SK-TERM
0

(NI NOEL ABUEL)

LUMUSOT na sa Senado ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa botong 21-0, inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukala na nagsusulong na itakda ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa December 5, 2022.

Isinasaad din sa panukala na isasagawa ang Barangay at SK elections kada tatlong taon.

Ang ipinasang Senate Bill No. 1043 ay pinagsama-samang limang panukala na nakapaloob sa Committee Report No. 4 at inisponsoran ni Senador Imee Marcos, bilang chairperson ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation.

Sakaling tuluyang maging batas, dalawang eleksyon ang magaganap sa 2022 kasama ang presidential election sa Mayo at ang Barangay at SK Elections sa December ng naturang taon.

“We have given six and a half months which they consider as sufficient time. It is manual, it is not hybrid…So six and a half months or so apparently is a short period, Comelec will be pressed for time but they claim that they can do it without undue failure of elections and other problems,” paliwanag ni Marcos.

Read More

P1B SA GAMOT NG HIV VICTIMS GAGASTUSIN NG GOBYERNO SA 2022 

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL parami nang parami ang mga biktima ng human immunodeficiency virus (HIV), gagastos ang gobyerno ng hanggang P1 billion para sa gamot ng mga ito pagdating ng taong 2022.

Ito ang pagtatayang ginawa ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor dahil higit 10,000 ang naidaragdag na HIV patients kada taon kung ang datos mula 2015 hanggang 2018 ang pagbabasehan.

Ang DOH ay nakapagtala na  ng  5,366 bagong biktima ng HIV mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kaya nangangamba ang mambabatas na lalagpas din sa 10,000 ang maidaragdag sa listahan ngayong 2019.

Ayon kay Defensor, sa ngayon ay gumagastos ang Department of Health (DOH) ng P478 Million kada taon para pambili ng antiretroviral therapy (ART) upang humaba ang buhay ng mga HIV patients.

“The amount is likely to balloon to P1 billion annually by 2022, as more Filipinos living with HIV emerge and seek treatment,” anang mambabatas para sa 38,279  biktima.

Katumbas pa lamang ito ng 57% sa  67,395 cases na nasa listahan ng National HIV and AIDS Registry mula 1984 hanggang Mayo 2019.

Kahit 90% lamang umano sa mga naidaragdag na biktima ng HIV kada taon ang magpapatulong sa DOH para makakuha ng nasabing gamot ay aabutin aniya ng P1 Billion ang gagastusin ng gobyerno para sa mga ito.

“Congress is absolutely committed to find ways to help the DOH achieve its 90-90-90 target in fighting HIV,” ani Defensor na ang tinutukoy ay 90% sa mga biktima malaman ng gobyerno;  90% sa mga ito ay hindi nakapanghawa pa at 90% naman ang matulungan.

“We would also urge not just the DOH but also provincial, city and municipal health offices in regions with high HIV concentrations to invest more aggressively in preventive programs,” ani Defensor.

Read More

KRIS NAGPAPARAMDAM SA 2022; 5 PLATAPORMA IBINIGAY

kris12
0

MAY nakapansing si Lea Salonga at hindi na si Kris Aquino ang endorser ng Ariel. May nagtanong kay Kris tungkol dito sa kanyang socmed account.

Sagot niya noong Huwebes, “Back to work on Friday & a couple of shoots next week.” May mga nag-bash din sa kanya na ginagawa niya raw na isyu ang allergy niya, eh, common naman daw ito. May pagka-sarcastic ang sagot ng actress-host, part of which reads: “Severe allergies can KILL. Maybe before you judge, Google anaphylactic shock.”

At napunta ang sagutan sa politika: “Common sense, ha, the longer I stay unhealthy, the less likely ang 2022. Pero kung papasukin, handang-handa, may 5 platforms personally experienced & survived: healthcare as a patient, taxation from 32 years of honest payments, education from a mother’s perspective, the justice system & the family code (gets n’yo na), and smaller scale entrepreneurship,” sabi ni Kris.

 

Read More