2 MALALAKAS NA AFTERSHOCK TUMAMA SA DAVAO DEL SUR

(NI DONDON DINOY)

MAGSAYSAY, Davao del Sur — Dalawang malalakas na lindol na naman ang tumama dito sa lalawigan ng Davao del Sur, Miyerkoles ng umaga.

Nagulantang ang mga dumalo sa Simbang Gabi matapos biglang maramdaman ang malakas na pagyanig.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isang magnitude 5.3 aftershock ang tumama sa Davao del Sur at mga karatig lalawigan dakong alas 4:18 ng umaga.

Naitala ang episentro ng lindol mga 28-kilometros southeast sa bayan ng Padada, may siyam na kilometrong lalim at tectonic ang origin.

Naramdaman naman ang Intensity IV sa Digos City at General Santos City.

Ayon sa Phivocs isa ito sa mga aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Mindanao noong Disyembre 15.

Dakong alas 8:22 ng umaga naman ng tumama ang magnitude 4.8 na aftershocks dito sa bayan, kung saan ang episentro ay naitala mga 2 kilometro southwest ng Magsaysay at may lalim na 7-kilometro at tectonic pa rin ang origin.

Naramdaman din sa ibang lugar ang pagyanig:

Intensity IV- Bansalan at Digos City sa Davao del Sur

Naitala ang mga instrumental intensities:

Intensity II- Davao City

Intesnity IV- Malungon, Sarangani

Intensity II- Kidapawan City, Cotabato; Davao City, Koronadal City, at Tupi, South Cotabato

Intensity I- Alabel, Sarangani

Wala namang inaasahang pinsala ngunit patuloy na mararamdaman ang mga aftershocks.

Ang Magsaysay ay kalapit lang sa bayan ng Matanao, kung saan namatay ang 81-anyos na lola matapos atakehin sa puso at 2-anyos na batang babae matapos madaganan ng gumuhong pader sa kanilang bahay.

Nangyari ang malalakas na aftershocks, apat na araw matapos tumama ang mapaminsalang lindol sa Mindanao.

Una ng sinabi ng Phivolcs na nakapagtala na sila ng 700 aftershocks matapos ang magnitude 6.9 na lindol kung saan 70 nito ang naramdaman.

 

 

Read More

450 AFTERSCHOCKS NAITALA SA DAVAO DEL SUR

(NI ABBY MENDOZA)

NASA 450 aftershocks na ang naitala sa Mindanao matapos ang 6.9 magnitude quake na tumama sa Matanao, Davao del Sur at marami pang aftershocks ang maaaring maramdaman sa loob ng susunod na tatlong  araw subalit mas magiging mahina na ito.

Ayon sa Philippine Institute Volcanology and Seismology (Phivolcs) maliban sa aftershocks ay kanilang pinag iingat ang mga residente sa posible pang dagdag na pinsala dahil sa nakakaramdam pa rin ng bahagyag malalakas na aftershocks.

Inaalam pa ng Phivolcs kung magkadugtong ang nangyaring lindol noong Oktubre at ang huling pagyanig, sa inisyal na report ng ahensya, ang 6.9 quake ay sanhi ng  Tangbulan Fault, Digos Fault at Makilala-Malungon Fault.

Sinabi ni Phivolcs Senior Science Research Specialist Dr. Rommel Grutas na ang gumalaw na Tangbulan Fault  ay may kapasidad na hanggang 7.2 magnitude quake kaya hindi na nakapagtataka na may kalakasan ang naganap na pagyanig.

 

Read More

294 AFTERSHOCKS NAITALA SA TULUNAN, COTABATO — PHIVOLCS

earthquake12

(NI ABBY MENDOZA)

UMABOT na sa 294 ang naranasang aftershocks sa bayan ng Talunan, North Cotabato matapos ang tumamang 6.6 magnitude earthquake kung saan 5 ang nasawi at may 8,000 residente mula sa bayan ng Kidapawan, M’lang at Tulunan ang apektado.

Pinapayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) ang mga residente na maging mahinahon at maging alerto dahil asahan pa na magpapatuloy na makakaramdan ng mga aftershocks sa mga susunod na araw.

Ayon sa Phivolcs, 66 sa mga aftershocks ay may lakas na 3 magnitude pataas kung saan ang  pinakamataas na aftershocks na naramdaman kahapon ay magnitude 5 na tumama alas 5:22 ng umaga, tectonic ang pinagmulan nito at dahil may kalakasan ay naramdaman din ito sa Kidapawan City na nasa Intensity V, Intensity II sa Malungon, Sarangani at Intensity I sa Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Koronadal City.

Nakapagtala rin ng 4.4 magnitude quake sa Kidapawan City.

Sinabi ng Phivolcs na hindi magdudulot ng pinsala ang mga nararanasang aftershocks.

 

Read More

BATANES ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Batanes dahil sa serye ng pagyanig na nag-iwan ng siyam na patay at higit 60 sugatan sa bayan ng Itbayat.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, takot pa rin na magsibalikan ang mga residente sa kani-kanilang bahay dahil sa mga nararamdaman pang aftershocks.

“Ang unang ginagawa ngayon ay yung assessment ng mga bahay. Ang report lang namin dito na nasirang bahay ay 15, so merong assessment na gagawin na pangungunahan ‘yan ng DPWH (Department of Public Works and Highways) para mai-check yung safety ng mga bahay (kung) alin doon ang mga hindi puwedeng balikan at ano pang puwede nang balikan,” sabi ni Jalad.

“Para naman makapagbawas doon sa mga agam-agam na may mga natatakot silang bumalik dahil may nararamdaman pang mga aftershock. Siyempre nakakatakot ‘yun talaga at nakikita natin na nararamdaman natin na gumagalaw yung mga bahay,” dagdag pa nito.

Nakapagtala na ng 230 aftershocks mula Sabado ng umaga hanggang Martes ng umaga.

Nasa 2,000 residente ang nananatili sa mga tent sa mga parke at gym sa takot na gumuho ang kanilang bahay.

“Ang magandang tulong dito ay tulong pinansyal para sa mga kababayan na nasiraan ng bahay,” sabi pa ni Jalad. “Para maitayo nila ang bahay bna matibay at hindi basta-bastang mapinsala ng lindol.”

 

Read More

AFTERSHOCKS PATULOY SA 5.3 LINDOL SA N. COTABATO

lindol22

(NI KIKO CUETO)

NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang North Cotabato kaninang alas 8:56 ng umaga. Ito ay matapos ang lindol na intensity 5.3  na tumama ng Martes ng gabi.

Naramdaman ang intensity V sa Kidapawan City na nakaranas naman ng lindol kagabi na may Magnitude 5.3.

Suspendido ang mga klase ngayong araw sa Kidapawan City pati sa ibang bayan na apektado ng lindol.

Sinabi ng Phivolcs na tectonic ito in origin.

May lalim ito na 21 kilometers, ayon sa Phivolcs.

Naramdaman ang Intensity V sa Kidapawan City.

Habang ramdam ang instrumental intensities sa:

Intensity V – Kidapawan City

Intensity II – Tupi, South Cotabato

Intensity I – Alabel, Sarangani; Cagayan de Oro City

Hindi naman inaasahan ang anumang damage sa aftershocks.

Sinunspinde ngayong Miyerkoles ang klase sa Makilala town sa Kidapawan City at ilan pang paaralan na nakitaan ng pinsala.

 

Read More

AFTERSHOCKS PATULOY NA NARARAMDAMAN

phivolcs

(NI JEDI PIA REYES)

NAKARARAMDAM pa rin ng aftershocks sa mga malalakas na lindol na naranasan sa ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Hanggang alas-8:00 ng Linggo ng umaga, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 883 aftershocks ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nuong Lunes. Mula sa nasabing bilang, 111 ang plotted habang 11 ang may intensity o naramdaman.

Nakapagtala rin ng aftershocks sa magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar na umabot na nitong Linggo ng 158 kung saan ay 33 ang plotted at anim ang naramdaman.

Aabot naman sa 481 ang aftershocks ang namonitor ng Phivolcs dahil sa malakas na lindol sa General Luna, Surigao del Norte. Nasa 173 ang plotted habang tatlo ang may intensity.

Samantala, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroon pa ring limang indibidwal na nawawala sa Region 3 matapos ang lindol sa Castillejos, Zambales.

Sa huling situational report ng NDRRMC, 3,632 pamilya o katumbas ng mahigit 17,410 na indibidwal ang apektado sa 41 barangay sa nasabing rehiyon.

Naitala rin ang 1,549 na bahay na napinsala sa Bataan at Pampanga habang mayruon pang 334 istruktura at gusali ang nasira sa Region 1, 3, National Capital Region at Calabarzon.

Nasa mahigit P505 milyon na ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga eskuwelahan, kalsada at tulay sa Region 1, 3, Calabazon at NCR.

Read More

143 AFTERSHOCKS NAITALA SA DAVAO ORIENTAL

davao500

(NI ARDEE DELLOMAS) UMABOT sa mahigit 140 aftershocks ang naitala kasunod ng magnitude 7.2 na lindol sa Davao Oriental kahapon ng tanghali.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) director Renato Solidum,143 aftershocks na ang kabuuang bilang na kanilang naitatala hanggang kaninang als-6:00 ng umaga.

Sa naturang bilang karamihan umano ay hindi naramdaman.

Kabilang sa naitalang aftershocks ay magnitude 5.6 lindol na yumanig sa coastal area ng Davao Oriental dakong 5:13 pm kahapon.

Ayon kay Solidum, ang nangyaring malakas na lindol ay bunsod ng downward movement sa tail-end ng Philippine Trench sa Philippine Sea. Ang paggalaw na ito ay nagdulot nang paggalaw pataas ng converging boundaries sa naturang area. Kaya agad naglabas sila ng tsunami advisories at hindi warning o panawagan na mag-evacuate ang mga residenteng malapit sa lugar, dahil hindi umano inaasahan na tataas sa isang metro ang inaasahang tsunami.

 

Read More