MULTA SA MAGBEBENTA NG YOSI, ALAK SA MINORS

yosi

SAKALING maisabatas ang panukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, pagmumultahin ng P500,000 at makukulong ng hanggang 12 taon ang sinomang mapatutunayan na nagbebenta ng sigarilyo, alak at vape products sa menor de edad.

Sa pahayag, sinabi ni Recto na nakapaloob ito sa Senate Bill No. 1208 na kikilalanin bilang Protection of Minors from Sin Products Act, upang protektahan pa ang mga bata sa hazards ng alcohol at produktong tabako kabilang ang vapor products.

Ayon kay Recto, kahit may umiiral na batas tulad ng Tobacco Regulation Act of 2003 at pagbubuwis na namamahala sa paggamit, pagdadala at pagbebenta ng mga produktong ito, hindi ito nagiging epektibo sa pagkonsumo ng alak at sigarilyo.

Sa ilalim ng panukala, sinomang tao o establisimyento na lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng P100,000 pero hindi hihigit sa P500,000 at makukulong ng hindi bababa sa anim na taon at hindi hihigit sa 12 taon.

Kung lumabag ang establisimyento, makukulong ang manager, kinatawan, director, ahente o empleyado nito.

Bukod dito, babawiin ang lisensiya o permit sa mga susunod na paglabag para sa mga negosyo o business establishment.  Estong Reyes

Read More

YOSI, ALAK, VAPE MAY DAGDAG BUWIS NA  

(NI ESTONG REYES)

INAPRUBAHAN ng   Bicameral Conference Committee ang panukalang dagdagan muli ng panibagong buwis ang sigarilyo, alak at e-cigarette o vape upang makakalap ng sapat ng pondo ang pamahalaan para sa Universal Health Care (UHC).

Sa magkahiwalay na panayam, sinabi ni Senador Pia Cayetano, chairman ng Senate committee on ways and means; at Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means na nagkasundo ang dalawang kapulungan na dagdagan muli ang buwis sa naturang produkto matapos ang mahabang diskusyon na ginanap sa Senado.

Anila, nagkasundo ang bicam  na patawan ng  karagdagang buwis ang distilled alcohol o hard drinks tulad ng brandy, whisky, vodka at iba pa ng P42 kada litro simula sa susunod na taon 2020, P47 sa 2021, P52 sa 2022, P59 sa 2023 at P66 sa 2024.

Papatawan naman ng karagdagang buwis ang fermented alcohol tulad ng beer ng P35 kada litro simula 2020, P37 sa 2021, P39 sa 2022, P41 sa 2023, at  P43  sa 2024.

Nakatakda rin na patawan ng karagdagang buwis ang sigarilyo ng P25 kada kaha sa loob ng limang taon.

Ang e-cigarettes o vape na nahahati sa dalawang klase na ang freebase ay papatawan ng buwis na P45 per 10 milliliter at ang nicsalt ay papatawan ng P37 per 10 milliliter.

Ayon kina   Cayetano at  Salceda,  makakakolekta ang gobyerno ng P24.9 bilyon sa 2020 upang pondohan ang Universal Health Care, Philhealth, Health Facilities Enhancement Program ( HFEP) at para sa outpatient program.

Ayon kay Cayetano, isinama nila ang outpatient program upang maaga pa lamang ay maagapan na ang sakit ng mga pasyente kung may sapat na pondo para sa mga outpatient sa mga hospital.

Napagkasunduan din ng dalawang kapulungan ng kongreso na 21 years old pataas ang dapat na bentahan ng e-cigarettes at kailangan na naninigarilyo.

Ipinagbabawal din na bentahan ng vape ang hindi naninigarilyo.

Aminado naman si Senadora Cayetano na bilang health advocates hindi siya kuntento sa napagkasunduan na karagdagang buwis sa alak, sigarilyo at e-cigarettes para mas mabigyan ng sapat na pondo ang kalusugan.

Matapos na ratipikihan agad ito na isusumite sa palasyo ng Malakanyang para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Read More

HEALTH WARNING SA ALAK ISINUSULONG SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

BUKOD sa sigarilyo kailangan din na malagyan ng health warning ang mga inuming nakalalasing para magsilbing babala sa masamang epekto ng alak.

Sa House Bill 4059 na inihain ni Muntinlupa Rep. Rufino Biazon inoobliga  ang mga gumagawa ng alak na maglagay ng health warning label sa kanilang  produkto.

Sakop din ang mga establisyimentong nagbebenta ng mixed alcohol beverages tulad ng cocktails na ilalagay ang warning sa kanilang menu.

Tinukoy ni Biazon ang datos ng  World Health Organization na nagsasabing tatlong milyon kada taon sa buong mundo ang namamatay dahil sa masamang epekto ng alak, may 200 klase ng sakit ang makukuha sa sobrang pag-inom ng alak.

Dahil addicting ang alak ay malaki rin ang koneksyon nito sa mental at behavioral disorders gayundin sa  pagkakaroon infectious diseases gaya ng tuberculosis at HIV/AIDS.

Hindi tulad ng sigarilyo na ang naaapektuhan lang ay ang mga smoker at ang nakasisinghot ng usok na malapit sa kanila, ang alak ay puwedeng makadisgrasya o makapatay ng iba kung sa kalasingan ay nakadisgrasya o nakagawa ng krimen.

“Government must be consistent in how it deals with what is determined to be harmful to people. So if we have placed health warnings on cigarettes, so should we do the same for alcohol,”giit ni Biazon.

Sa oras na maisabatas ang mga lalabag ay maaaring maharap sa multang P1 milyon sa unang paglabag; P2 milyon sa ikalawa at P3 milyon sa ikatlong paglabag bukod pa sa pagbawi sa kanilang lisensya.

 

Read More

VAPE ISINAMA SA DAGDAG-BUWIS, ALAK, PASADO NA SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

TILA wala nang urungan ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga nakakalasing na inumin matapos pagtibayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukalang batas.

Sa botong 184 yes vote, 3 ang no vote at isang abstention, pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 1026 na magtataas ng buwis sa mga lahat ng alak sa bansa.

Tanging ang bersyon na lamang ng Senado ang hinihintay para tuluyang maging batas ang panukalang ito at maipatupad sa susunod na taon o sa 2020 kung saan gagamitin umano ang malilikom na pondo sa kalusugan ng mamamayang Filipino.

Sa ilalim ng nasabing panukala, simula Enero 2020, ay magiging 22% ad valorem tax ng mga alcohol product at specific tax na P30 per proof liter kung saan hindi pa kasama dito ang value added tax (VAT).

Sa 2021 ay magiging P40 ang specific tax per proof liter ng mga alak at magiging P45 sa 2022 habang mula 2023 ay madagdagan ng 7% ang ad valorem tax at specific tax.

Maging ang sparkling wine ay magiging 15% na ang ad valorem tax ng mga ito bawat litro at specific tax na P656 per liter at madaragdagan din ng 7% sa mga susunod na taon.

Sa mga distilled at  carbonated wines, magiging  P60 per liter ang sisingilin buwis  sa 2020 at 7% dagdag kada taon simula 2021  habang ang mga fermented liquors at  alcopops ay magiging  P32 per liter ang buwis  sa  2020, P34 sa  2021 at P36 sa  2022 at 7% dagdag mula 2023.

Kasama rin sa panukala ang pagpapataw ng buwis sa vape na usong-uso ngayon sa bansa kapalit ng sigarilyo.

Read More

PAGPASA SA SIN TAX MAMADALIIN SA SENADO

sin tax law12

(NI NOEL ABUEL)

BABRASUHIN ng Senado ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong dagdagan ang nakokolektang buwis sa alak at sigarilyo bago pa man matapos ang 17th  Congress ngayong buwan.

Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon, ngayon Lunes isasagawa ang pagdinig sa nasabing panukalang batas para maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa at tuluyang ipasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kumpiyansa naman si Drilon na sasang-ayunan ng mga Kongresista ang bersyon ng Senado upang agad na maihabol bago pa matapos ang 17th  Congress at pagbubukas ng 18th Congress.

“Sa Lunes po, ang usapan ay mag-introduce lang kami ng amendments at pagkatapos, dahil ito ay certified urgent, we can pass it on second and third reading, tapos ito ay ipapadala sa Kongreso at titingnan nila sa Martes kung papayag sila sa aming version at kung pumapayag sila, i-adopt na lang nila dahil wala ng panahon para mag-bicam,” ayon pa kay Drilon.

Wala na rin umanong hadlang sa panig ng iba pang senador upang mabitin ang pagpasa sa nasabing panukala.

“Nag-usap na kami sa caucus. Sa akin, ako’y sang-ayon na taasan ang buwis sa sigarilyo at alak dahil ito’y isang measure para sa kalusugan ng ating mga kababayan at nang bumaba ang bilang ng mga naninigarilyo, lalo na sa mga mahihirap dahil malaki ang gastos dulot ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo; at para mapondohan ‘yung Universal health care,” aniya pa.

Read More

DAGDAG-BUWIS SA ALAK, YOSI MINAMADALI NI DU30

yosi

(NI LILIBETH JULIAN)

PURSIGIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad na sa lalong madaling panahon ang panukalang batas para sa pagpapataw ng dagdag-buwis sa alak at sigarilyo.

Sa talumpati ng Pangulo sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City kahapon, binigyan diin nito ang masamang epekto sa kalusugan ng labis na paninigarilyo at pag inom ng alak.

Ayon sa Pangulo, walang ibang maidudulot ang sigarilyo at alak kungdi ay ang pagkakaroon ng karamdaman gaya ng cancer o pneumonia.

“Gaya ng aking ama, maagang pumanaw dahil sa labis na paninigarilyo. Wala talaga magandang dulot ang sigarilyo at alak,” pahayag ng Pangulo.

Idinagdag pa nito na gaya rin ng kanyang kamag anak na si dating Congressman Boy Nograles na namatay matapos manatili  sa intensive care unit ng ilang panahon dahil sa pneumonia.

“Pati ako rin nagkaroon ako ng sakit sa lalamunan dahil matindi ako uminom ng alak nung kabataan ko,” ayon pa sa Pangulo.

Read More