PAG-RESIGN NI ABAYALDE, FAKE NEWS – PNP

albayalde

(NI AMIHAN SABILLO) ITINANGGI ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nagbitiw na sa pwesto ang hepe ng pulisya matapos na madawit sa umnaoy maanomalyang 2013 Pampanga raid ng mga tinaguriang ‘ninja cops’. Sa opisyal na pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde, na inilabas ng public information office (PIO), sinabi na isa lamang umanong smear campaign o paninira ang pagkalat ng text message na siya ay naghain ng resignation sa Pangulo. Ilan sa pahayag ni Albayalde “I question the timing of this attack and smear campaign against me.…

Read More

GRAFT NAKAAMBA KAY ALBAYALDE

albayalde

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUMBINSIDO ang ilang senador na malinaw ang pananagutan ni PNP chief Oscar Albayalde sa pagtatangka na pagtakpan ang pananagutan ng kanyang mga dating tauhan hinggil sa drug raid sa Pampanga. Ito ay kasunod ng pagharap ni dating Police Regional Office 3 Director, Retired General Rudy Lacadin sa pagdinig ng Senado at sinabing tinawagan siya ni Albayalde upang harangin ang imbestigasyon laban sa grupo nina Major Rodney Raymundo Louie Baloyo IV. Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, malinaw na ang mga circumstantial evidence laban kay Albayalde. “To…

Read More

KAPALIT NI ALBAYALDE SINASALA NA NG PANGULO

bong go55

(NI NOEL ABUEL) MALAKING hamon sa susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) bilang kapalit ni PNP chief Police Director Oscar Albayalde na magreretiro sa susunod na buwan na maibangon ang imahe ng Pambansang Pulisya. Dahil dito, sinasala na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng kapalit ni Albayalde para punan ang iniwan nitong gusot sa hanay ng PNP. Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence Go kung saan tinitimbang nang mabuti aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sinu-sino sa mga umuugong na kapalit ni Albayalde ang magpapatuloy sa…

Read More

MAGALONG BIBIGYAN NG SEGURIDAD NI ALBAYALDE

(NI AMIHAN SABILLO) HANDANG pagkalooban ng seguridad ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Oscar Albayalde si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung nag-aalala ito na may panganib sa kanyang buhay. Ayon kay Albayalde, kontrolado ni Mayor Magalong ang buong Baguio City Police, pero kung gusto niya ng sariling security detail ay maari naman itong mag request sa Police Security Protection Group o sa kanya mismo. Sinabi pa ni Albayalde, alang-alang sa pagmamahal sa bansa at bilang isang professional soldier, ay handa siyang pagbigyan si Magalong kung hihingi ito ng…

Read More

‘DI MAGBIBITIW; TERMINO TATAPUSIN NI ALBAYALDE

albayalde12

(NI AMIHAN SABILLO) “WHETHER you like it or not, I will retire ” Paninindigan ito ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa gitna ng mga panawagan na magbitiw siya sa pwesto dahil sa isyu ng ninja cops noong panahon na nakatalaga ito sa lalawigan ng Pampanga. Anya, tatapusin niya ang kanyang termino hanggang Nobyembre dahil nananatili umano ang tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Iginiit nito na hanggang sa mga oras na ito, ay wala pang napipiling susunod na Chief PNP ang Pangulo kaya itutuloy nya lang ang…

Read More

LACSON KAY ALBAYALDE: NINJA COPS SIBAKIN!

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) HINAMON ni Senador Panfilo Lacson si Philippine National Police (PNP) chief Police Director Oscar Albayalde na patunayan na wala itong kinalaman sa ginawa ng tinaguriang 13 ninja cops na sangkot sa pagre-recylce ng ipinagbabawal na gamot. “Ang pinakamagandang pruweba para maipakita niyang talagang hindi niya pinoprotektahan sina Baloyo, madaliin niya bago siya mag-retire. Madaliin niya ang pag-review ng kaso at pag-reinvestigate at bigyan ng karampatang parusa ang katulad sa binigay ng parusa sa original decision na dismissal at may criminal case na dapat harapin na talagang hinaharap…

Read More

AQUINO NANINDIGAN; ALBAYALDE ‘PADRINO’ NG NINJA COPS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INAMIN ni Philippine Drug Enforcement Agency  Director General Aaron Aquino na matinding pressure ang nararamdaman niya sa gitna ng pagdinig sa isyu ng ninja cops makaraang makatanggap ng pagbabanta sa buhay ng kanyang pamilya. Sa gitna nito, nilinaw niya ang kanyang pahayag hinggil sa pagtawag sa kanya ni PNP chief Oscar Albayalde hinggil sa status ng dismissal order laban sa 13 nitong tauhan. “I  wish to explain that my statement yesterday that General Albayalde called me up to know the status of the case of Baloyo and…

Read More

ALBAYALDE IDINIIN NI MAGALONG SA NINJA COPS

(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD) ISINANGKOT ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong si PNP chief, Police General Oscar Albayalde sa pagbibigay proteksyon at mistulang pang-iimpluwensya upang hindi maipatupad ang dismissal ng mga tinaguriang ninja cops. Sa kanyang paunang pagsasalita sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Magalong na nang maganap ang tinutukoy nitong insidente sa Pampanga, si Albayalde ang Provincial Police Director dahilan kaya’t ito ay ni-relieve ni dating Central Luzon Regional Police Director Raul Petrasanta. “During that time the provincial director was the incumbent chief PNP, General Oscar Albayalde,” …

Read More

PAGBAWI NG SECURITY DETAIL NI AQUINO ‘DI DAHIL SA ‘NINJA COPS’

(NI AMIHAN SABILLO) PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde na walang kinalaman ang pag-pull out ng PNP security detail ni PDEA Director General Aaron Aquino, ukol sa pagbubunyag sa Senado ng PDEA tungkol sa “ninja cops”. Sinabi ng PNP Chief, ipinaliwanag na ni PRO3 Regional Director PBgen Joel Napoleon Coronel na ang pag-pull out sa 15 security ni Aquino na pawang mga miyembro ng PRO3 Regional Mobile Group ay dahil kailangan ng PRO 3 ang kanilang mga tauhan sa idaraos na SEA games. Hindi umano…

Read More