BAWAL BA ANG CELLPHONE CAMERA SA ‘STRIP PARTY’ NA SUHESTIYON NI ALDEN

0

VIS A VIS copy.jpgKabilang si Alden Richards sa katrabahong grupo na nagpaplano para sa gaganaping pagtitipon na mala-cast party.

Hindi na iba sa Kapuso actor ang kanyang mga kasama sa meeting as most of them ay nakatrabaho na niya in the past. Nakasanayan na nilang mag-bonding sa tuwing magpapaalam na sa ere ang kanilang programa.

Natural na nag-uumapaw ang mga suggestions sa kung paano nila idaraos ang party.

Came Alden’s turn na ikinagulat ng mga katrabahong seryosong nakikinig what he had to say.

“Para maiba naman,” simula raw ni Alden, “maghubad tayo!”

Wala raw sa tono ni Alden ang nagbibiro o nagpapatawa. Seryoso raw ang mukha nito na talagang pinandidigang “strip party” ang nais niyang kalabasan ng isang gabing gimik.

ALDEN RICHARDS IN HIS NAKED GLORY

Ikina-shock ‘yon ng kanyang mga kamiting dahil taliwas ‘yon sa image ni Alden, na hindi makabasag-pinggan tapos ay gustong mag-all the way as in his birthday suit?

Kung saka-sakali bang matuloy ‘yon, mahigpit kayang ipagbawal ni Alden ang pagdadala ng cellphone para hindi siya makunan in his naked glory?

 

 

NAGDARAHOP ANG MAHILIG SA HIGH LIFE

Problemado umano ngayon sa pananalapi ang isang sikat na gay celebrity.

Isa siyang salon owner whose shop ay nakatirik somewhere within the Scout area in Quezon City. Ang dating nagmamay-ari ng property na ‘yon ay isa ring tanyag na singer-actress pero naipagbili na niya ito.

Malapit ang salon owner sa aktres, na baka nga noong time na sa kanya siya nagbabayad ng buwanang upa ay okey lang kung atrasado ito.

“Hindi lang ‘yon, ang sabihin mo, baka may special discount pa ang salon owner since they’re close,” ayon sa aming source.

Since iba na nga ang may-ari nito, nag-iba na rin siyempre ang presyo ng upa.

 HIRAP SA BAYARIN SI SALON OWNER-ACTOR-ENDORSER

For sure, mas tumaas pa ito kaysa dati making it hard for the gay salon owner to meet.

Hindi rin daw kasi marami ang kanyang mga kliyente, both showbiz and non-showbiz.

Good thing, hindi lang ‘yon ang kanyang bread and butter. Manaka-naka ay nakagagawa ng mga pelikula ang salon owner, on the side ay may pasulput-sulpot din siyang commercial endorsements.

It’s such a pity nga lang that life has become a bit too hard for him.

“Nag-lifestyle din kasi siya, eh,” tsika ng aming source. By lifestyle, he means na nakipagsabayan din daw ito sa high living ng kanyang mga celebrity friends.

Pero nasaan na ngayon ang mga ito, when they’re supposed to be around for him sa ganitong mga panahon?

“Well, ‘yung isa, may regular show nga pero since siya ang bumubuhay sa pamilya niya, siyempre, hindi ‘yon sapat. Eh, balita pa ngang ‘papatayin’ na ang karakter niya sa kuwento,” pagti-tip pa nito.

We feel for the salon owner, na minsan na ring pinuri sa kanyang pagganap sa isang pelikulang tumatalakay sa namuong pag-iibigan sa pagitan ng isang beki at isang preso.

 

Read More

THE GIFT NI ALDEN RICHARDS NAKABABAWI NA

0

ronnie(NI RONNIE CARRASCO III)

MEDYO nakakabawi na ang “The Gift” ni Alden Richards from its first few airing nights na nagsimula sa puro kalungkutan at kamalasang nangyayari sa mga pangunahing tauhan nito.

As the plot thickens ay balitang sina Elizabeth Oropesa at Jo Berry — na siyang kumakalinga kay Sep (played by Alden)—ang siyang nagdadala ng kuwento sa matino’t kapani-paniwalang direksyon nito.

Ang panalangin lang ng ilang mga tagasubaybay ng “The Gift”, harinawa’y timplahin ng mga bumubuo ng creative pool nito ang mga sangkap ng kuwento at huwag gawing isang sapilitang tearjerker.

Gumamit pa ng pun o play on words ang aming critic-source para maitawid ang kanyang mensahe sa mga writers nito: stick to the title at huwag itong gawing “The Grief.”

In fairness, sa teleser­yeng ito’y kapansin-pansin ang malaking in-improve ni Alden in the acting department.

That in itself is a gift.

SINO ANG ‘PUMATAY’ KINA GERALD AT BAMBOO?

A tale of two cyber deaths.

Ilang araw lang ang pagitan, FB had recently seen two successive showbiz deaths na kinapalooban nina Gerald Anderson at Bamboo (Mañalac).

Bagama’t hindi nakasaad ang cause of “death” ni Bamboo ay ginawang parang totoo ang balita. Buti na lang, hindi ito sinakyan ng mga netizens who brazenly labeled the news as fake.

Mas matindi ang “pagkamatay” ni Gerald. It was reported he perished in a car accident, at namili pa ang walang-magawa-sa-buhay na may pakana nito ng accompanying photo of a wrecked vehicle at may inset na picture ng aktor.

To lend credence to the story ay ginamit pa ng walang-kaluluwang imbentor ang GMA newshen na si Maki Pulido na siyang naghatid ng ulat.

Again, binansagang peke ng mga nag-comment ang balita, even slamming the fake news purveyor na tiyak na may karmang nariyan lang just waiting to happen.

Immediately, wala kang posibleng maiisip na ibang taong may kakayahang mangwalanghiya kina Gerald at Bamboo sa pamamagitan ng “cyber murder”.

In all probability, maaa­ring maka-Bea Alonzo ang “pumatay” kay Gerald. Posible ring isang miyembro ng pamilya na dumaan at ‘di pinalad makapasa sa “The Voice” ang rumesbak kay Bamboo, isa sa mga hurado roon.

We can only come up with theories. Pero hindi na mahalaga ang finger-pointing. Ang mas importante’y mai-address ng FB admin ang practice na ito before the entire cyber space turns into a massive obituary.

Pero tulad ng nagkakaisang opinyon ng mga commenters, this is an un-Christian deed. Maliban na lang kung sagad-sa-buto ang kasamaan ng isang tao, he won’t wish death to come upon another person not in the way that is tragic.

 

Read More

EXAGGERATED NAMAN ANG TITULO NI ALDEN!

0

ronnie(RONNIE CARRASCO III)

WHAT’S in a title? Following the unequaled box office success of Hello, Love, Goodbye ay may nakakabit nang titulo kay Alden Richards: “Asia’s Box Office King.”

Suportado naman ito ng mga figures. More than P800 million ang iniakyat nitong kita sa Star Cinema.

Parang nahihiya naman kami para kay Kathryn Bernardo who deserves half of the credit. Pero wala ka­ming narinig na binansagan siyang Asia’s Box Office Queen after the showing.

Exagg para sa amin ang inilundag ng titulong i­ginawad kay Alden samantalang in the past ay hindi pa siya nagbida in a full-length movie.

Talagang ikinabit pa ang “Asia” sa kanyang titulo as if naman ay sakop ng Pinas ang Asya when it’s geographically the other way around.

At tayo lang ba ang may mataas na output sa paggawa ng mga pelikula? There’s Bollywood in India.

Huwag din nating sabihing walang mga Asian actors whose movies don’t make money.

May mga siguradong mag-aapela in relation to the case of other local celebrities na may “Asia” ring nakadikit sa kanilang mga moniker: Songbird (Regine Velasquez), Nightingale (Lani Misalucha), and yes, how can we forget Queen of Songs (Ms. Pilita Corrales)?

Excuse me, but none one of them has earned her title overnight. It didn’t come after one hit single or one LP album or one show/concert.

Eh, si Alden? May pinagbidahan na ba siyang pelikula bukod sa Hello, Love, Goodbye, or at least a movie of his own?

Please drop the “Asia” to this title. Box Office King naman talaga siya this year but for the word “Asia” to be connected to his title ay bumilang muna si Alden ng string of box office hits.

For now, he has the Pambansang Bae tag to contend with.

###

Tampok dito ang dalawang magkaibigan: isang male TV host at isang sikat na propesyonal cum businesswoman.

Years ago, it was the TV host who broached the idea na isang wise investment na bilhin ng kanyang female friend ang isang property in the eastern part of Metro Manila. Gustuhin man ng TV host to acquire it for himself ay hindi aabot ang kanyang nakatabing pera to be able to meet the P50 million value of the assessed property.

Dahil interesado rin naman ang businesswoman, she had to withdraw from her dollar savings katumbas ng halaga in peso. Nagkataon namang sumadsad ang palitan ng dolyar against the peso kung kaya’t kung tutuusi’y nakabuti pa ang pagwi-withdraw niya.

Nabili niya ito kung saan nakatirik ang kanyang negosyong popular sa mga artista.

Years later, nang i-assess na ang value ng property ay dumoble na ito, from P50M to a whopping P100M! Part of the property ay pinauupahan niya sa isang sikat na bangko at P600,000 a month.

In short, may dapat ipagpasalamat ang businesswoman sa male TV host.

 

Read More

ALDEN CHARMS SOUTH KOREAN PRESS, NETIZENS

alden66
0

NANG  magpunta si Alden Richards sa South Korea noong Miyerkoles, Agosto 28, para tanggapin ang Asian Star Prize, nabighani niya ang South Korean press at mga netizens kaya’t nag-trending agad ang Pambansang Bae sa bansang iyon.

Makisig at elegant ang suit na designed by Rob Ortega, maraming Koreans ang humanga sa binata.

Matapos ang awards night, na-feature siya sa headlines tulad ng: “Alden Richards, Philippines’ National Actor Hand Wave,” “Alden Richards, Sweet Visuals,” “Alden Richards, Classy Pose,” atbp.

Pinuri rin nila ang kanyang kaguwapuhan, ngiti, pati ang kanyang pagkaway.

Read More

ALDEN: NANANAHIMIK PERO TINITIRA PA RIN NG BASHERS

alden55
0

(NI RK VILLACORTA)

HINDI pala lahat ng mga fans ng AlDub (Alden Richards and Maine Mendoza) ay solid sa kanilang tandem.

What I mean is, hindi lahat ng mga fans ni Maine ay gusto si Alden and vice versa.

Ayaw ng mga solid Maine fans na parang niloloko lang ni Alden ang idol nila. Nililinaw din nila na hindi din sila maka-Arjo Atayde na boyfie ngayon ng dalaga.

Nagulat ako na ang isang kakilalang solid Maine Mendoza fan ay ayaw kay Alden. “Di ba kuwan daw siya?”

Anong kuwan? Naitanong ko. Sagot niya: “’Yung iba ang gusto. Alam namin na hindi naman siya seryoso kay Maine. Alam naming hindi naman totoo ang pinapakita niya.

“Daig pa niya ang magaling na artista. Showbiz na showbiz na kunwari nai-in love siya kay Meng (tawag ng mga fans kay Maine),” dagdag nito.
Mayroon palang mga grupong maka-Maine na naniniwala sa tsismis na kumakalat about Alden’s sexuality na basehan nilang rason kaya until now ay wala pa ring girlfriend ang binata.

Para sa akin, I don’t easily make conclusions dahil lang sa walang girlfriend ang isang binata. Meron nga kaming mga kilala na may girlfriend; may asawa at mga anak pero on the side iba rin ang tripping kapag “kinati” ang kaluluwa ng pagkabeki sa katauhan nila.

Opinyon ng solid Maine fan sa isyu: “I don’t believe na career lang talaga ang focus niya (Alden) para i-set aside muna ang kanyang lovelife. Sa edad niya, just like any other guy, hindi maiiwasan na may magustuhan siyang girl na pwedeng ligawan at maging girlfriend niya. Kay Alden, parang hindi ganun ang nangyayari.”

Kaya tuloy, usapan sa isang chatroom ng mga solid KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) fans si Alden. Kaya daw secured si Daniel sa estado niya sa puso at buhay ng girlfriend niya kahit magka-partner man sina Kath at Alden sa pelikula ay dahil nothing to worry si DJ.

I pity Alden. Nananahimik ang binata sa ginagawa pero tuloy pa rin ang pamba-bash sa kanya sa isyung walang kamatayan at paulit-ulit na lang.

Read More

ALDEN PINALITAN NA NGA BA SI DINGDONG?

alden43
0

(NI PETER LEDESMA)

AMONG  the Kapuso actors na kinuha ng Star Cinema para sa kanilang projects ay most pampered itong si Alden Richards.

Yes, ginagastusan talaga nang todo ng nasabing movie outfit ang promo ng first movie sa kanila ni Alden na “Hello, Love, Goodbye,” katambal si Kathryn Bernardo.

Never pa yatang ginawa ng Star Cinema top executives sa kanilang mga past projects na ultimo official poster ng pelikula nina Alden at Kathryn ay kailangan pang i-promote sa ABS-CBN Studio ng Star Cinema.

Siguro kung walang existing na contract si Alden sa GMA-7 ay agad-agad itong bibigyan ng Kapamilya Network ng TV show.

Puro papuri ang maririnig mo sa mga taga-ABS-CBN sa Kapuso actor na sobrang bait raw at very professional.

Naku, mukhang goodbye Dingdong Dantes na ba sa Star Cinema dahil ang favorite actor nila ngayon ay si Alden?

Ni hindi pa nga naipalalabas ang Hello, Love, Goodbye ay may follow-up project na agad si Alden sa Star Cinema at isang sikat na Kapamilya aktres ulit ang makakatambal nito!

Di ba, bongga?

Read More

MAINE AND CARLO MOVIE? NOT A GOOD IDEA!

maine12
0

(NI RONNIE CARRASCO III)

DEEMED as ambitious project ang pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards in a Star Cinema project.

Coming from two different worlds, matagumpay silang napagsama with either of them setting aside his/her long-time partner: si Daniel Padilla kay Kathryn, si Maine Mendoza kay Alden.

Ang suntok-sa-buwang pagsasama nina Kat at Alden ay isa nang realidad not even their respective fans perhaps have ever imagined.

Ewan kung magandang senyales ito para tuluyan nang matuldukan ang kompetisyon sa pagitan ng mga istasyong kinabibilangan nina Kat (ABS-CBN) at Alden (GMA).

But as if to further narrow the existing network gap ay under way na ang pelikula starring Maine Mendoza and Carlo Aquino.

But fact is, unlike the Kat-Alden tandem ay walang gaanong dating ang kina Maine at Carlo.

Let’s face it, status-wise ay hindi isang napakalaking pangalan si Carlo compared to actors his age mula sa ABS-CBN. Mahusay kung mahusay na aktor si Carlo, no doubt, pero hindi siya gaanong bankable unlike Daniel Padilla, James Reid, Joshua Garcia or Enrique Gil.

If it’s any consolation, Carlo’s acting is at par with Joshua’s kundi mas angat siya nang konti.

Kung kinuha rin lang ng Star Cinema ang serbisyo ni Maine, it might as well find a leading man na kalibre ni Alden plucked from ABS-CBN.

Matatandaang isa sa mga huling pelikula ni Carlo had him reunited with his ex-girlfriend Angelica Panganiban. Ginamit pa ngang publicity slant ang kunu-kunong pagmamabutihan nilang muli, but sadly, it didn’t make the producer laugh his way to the bank.

How much more ang partnership nina Carlo at Maine na mukhang imposib­leng magkadebelopan in real life?

If we were Star Cinema, Arjo Atayde ang kinuha namin as Maine’s leading man. Their real-life romance is in itself a pre-sold publicity angle.

Or baka naman ang line of thinking ng film arm ng ABS-CBN is patterned after the mindset ng mga nag-produce ng pelikulang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy.

Such odd partnership ay literal na suntok sa buwan as it had the elements of a potential flopchina. Pero nakatsamba ang producers nito.

‘Yun nga lang, ang mu­ling pagtatambal nina Alex at Empoy recently was a box-office nightmare.

Same thing with another odd tandem sa katauhan nina Jake Cuenca at Kris Bernal na mahirap hanapan ng spark. Ang ending, ang kanilang KontrAdiksyon ay kumontra sa dapat sana’y magandang kapalarang sinapit nito sa takilya.

Its fate might just rub off on the Carlo-Maine film.

 

Read More

ALDEN NAKI-MEET SA ABS-CBN EXECUTIVE

alden121
0

NITONG Martes, June 25, tumuntong ang Kapuso actor na si Alden Richards sa bakuran ng kalabang Kapamilya Network, ang ABS-CBN Compound sa Quezon City.

Sinamahan siya rito ng leading lady niya sa kanyang latest movie, si Kathryn Bernardo. “Welcome to ABS-CBN,” pagbati ng Kapamilya aktres kay Alden. Hindi man ito ang kanyang unang pagtuntong sa naturang compound, nasambit pa rin ni Alden na, “Medyo surreal na nandito ako ngayon. Nandito kami ni Kath to shoot ng mga video plugs and ‘yung mga digital shoot.”

Isinama ni Kathryn si Alden sa opisina ng Star Cinema kung saan sila binasbasan ng isang pari, at para na rin ipagdasal ang success ng upcoming movie nila na Hello, Love, Goodbye. Nag-lunch din ang dalawa kasama ang Star Cinema managing director na si Olivia M. Lamasan.

Tapos ay naki-meet si Alden kay Carlo Katigbak (ABS-CBN president and CEO) at kay ABS-CBN chairman Mark Lopez. Ang Hello, Love, Goodbye ay ipalalabas sa July 31.

 

Read More

SA FLOP NA PINOY MOVIES: KAT-ALDEN MOVIE GIGIBA SA TAKILYA

0

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD RAFER)

HINDI rin naisalba ni Ai-Ai delas Alas ang movie niya with the X Batallion, ang Sons of Sabel, dahil hindi rin ito sinuwerte sa takilya. May mga sinehan pa na may 2 at 3 screenings lang. Sa Megamall, may isang araw daw na 30 tickets lang ang nabili.

Just imagine, pinilahan din ang mga pelikula ng komedyana gaya ng Tanging Ina series, pero ngayon, gaya ng ibang Pinoy movies na ipinalabas mula nung pumasok ang taon, lahat flop!

Kasabay din nila ang Man and Wife na hindi rin pinalad. Hindi sinuwerte ang Jodi Santamaria-Gabby Concepcion tandem. Flop din.

Dahil dito, todo ang promo ng Kuwaresma ni Sharon Cuneta at Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto na malapit na rin ang showing. May pagbabanta lang sa movie nina Gerald at Julia dahil hindi raw susuportahan ng mga JoshLia dahil hindi nga si Joshua Garcia ang kapartner ng dalaga.

Kalokah, huh!

Well, ang sure na sure na gigiba sa takilya ay ang movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng Star Cinema na Hello, Love, Goodbye. Ngayon pa lang ay inaabangan na ito ng mga fans nila. Nagsabi na ang mga fans ni Alden na susuportahan nila ang pelikula 100% at dedma na sila kung walang suporta mula sa fans ni Maine Mendoza na dating ka-loveteam ng idolo nila.

“Buwag na ang AlDub noh! Kaya kay Alden lang kami. Ewan lang namin kung may manonood pa sa kanya (Maine) kapag iba na ang kapareha niya!” pagtataray pa ng mga supporters ni Alden.

Tsuk!

 

Read More