MARIEL DE LEON, BONGGA ANG CAREER SA NEW YORK

0

lolitISA ako sa natutuwa sa bumobonggang career ngayon ni Mariel de Leon sa New York.

Pinag-uusapan nga ng mga kabadingan na kasama pala siya sa fashion show ni Kim Kardashian sa New York Fashion week.

Nasa Instagram account niya ang ilang kuha doon sa fashion show na ibang-iba ang dating at aura niya.

Noon pa naman gusto na talaga ni Mariel na pasukin ang modeling.

Tamang-tama naman doon nag-migrate ang kuya niyang si Gabriel kaya may kasama naman siya roon.

Noong nakaraang Pasko nga doon sa Amerika si Sandy Andolong nagbakasyon at medyo nagtagal siya roon para makasama ang mga anak niya.

Nakatutuwa na lumaking mabait at napaka-independent ng mga anak nina Boyet at Sandy. Madasalin pa silang mag-asawa kaya naman blessed silang pamilya.

Ito nga ang isang blessing na dumating sa kanila, kinuha ng Beautederm si Boyet para sa kanilang men’s line. Next week na ang contract signing niya at siyempre ang saya-saya ko dahil iri-renew rin ng Beautederm si Lorna Tolentino. Kaya thank you Lord talaga at salamat siyempre kay Rhea Tan na napakabait sa amin.

ALDEN ‘DI NAGPA-CHRISTMAS PARTY SA PRESS

Nagtataka pala ako bakit hindi nagpa-Christmas party si Alden Richards sa press?

Naku ha? Ang dami niyang blessings noong 2019 at tuluy-tuloy pang bumobongga ang career niya ngayong 2020. Kaya dapat magpa-thanksgiving siya sa media at movie press ‘di ba?

Pero mabait kasi talaga si Alden, kaya happy pa rin kaming lahat sa magagandang blessings na dumating sa buhay niya at sa career.

Katatapos lang ng taping niya sa The Gift at ngayon nakasalang na naman siya sa bagong show na ibang-iba raw ito sa lahat na nagawa niya.

Siya ang host ng bagong musical competition na Centerstage.

Mga bata muna ngayon ang mga kasali, edad mula 7 hanggang 12.

Ibang konsepto ito na sabi nga niya, ibang challenge din ito sa kanya bilang host.

“I’m very proud of this show kasi it’s an original concept of GMA. So, talagang pinag-isipan ito nang masinsinan para mabigyan po ng bagong flavor ‘yung singing contest.

“Now po, ‘yung unang roster po ng constestants na ipapakita natin is for the kids. Pero not necessary po na we’re limiting the contestants sa mga bata,” pahayag ni Alden.

Kasama niya rito si Betong Sumaya na co-host niya at ang judges ay sina Pops Fernandes, Mel Villena at Aicelle Santos.

Nagkaroon sila ng mediacon noong nakaraang Huwebes at isa sa napag-usapan doon ay ang pagsasama nila ni Bea Alonzo sa isang project.

Nakita silang magkasama dumating sa Bangkok, Thailand kamakailan lang para mag-shoot doon.

Hindi lang muna niya puwedeng sabihin kung ano ito. Basta abangan na lang daw.

Nakatutuwa raw na ngayon kasama niya sa isang project si Bea.

“Magaan siyang kasama. Sobrang fan po ako ng ‘One More Chance’, alam ni Bea ‘yun.

“Nung nakita ko sila ni John Lloyd parang first time ko na-starstruck. Pero ngayon parang ang sarap sa feeling na idol mo lang dati, ngayon katrabaho mo na ngayon. Ang sarap lang ng experience,” saad ni Alden.

Anyway, abangan na lang natin itong Centerstage niya na magsisimula na sa February 16, Linggo, pagkatapos ng ‘Daig Kayo ng Lola Ko’.

 

Read More

PROTEKSYON SA AUDIO-VISUAL WORKERS PIRMADO NA

0

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK:  Natuloy na rin ang pagpirma ng Joint Memorandum Circular ng Department of Labor ang Employment o DOLE at ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.

Pinangunahan nina DOLE Secretary Silvestre Bello III at FDCP Chairperson Liza Diño ang nagpirma ng naturang memorandum circular noong nakaraang Biyernes na ginanap sa DOLE, at sinaksihan nina Ice Seguerra, Leo Martinez at Rez Cortez.

Sabi ni Liza nang nakapanayam sa radio program naming sa DZRH noong nakaraang Huwebes, halos tatlong taon daw nila itong trinabaho kasama ang Actors Guild, Directors Guild at  filmmakers sa kanilang consultative meetings. Ngayon ay natuloy na rin habang dinidinig naman ang Eddie Garcia Law sa Kongreso.

Maraming guidelines na nakapaloob dito na magbibigay proteksyon sa audio-visual workers.

Kapag hindi raw ito susundin ng producers, mapi-penalize daw sila.

“May karampayang penalties…100 thousand per worker, per hour. So, talagang medyo mabigat din yung enforcement nila.

“Hindi man siya criminalize, pero malaki rin ‘yung penalty sa bwat paglabag,” saad ni Liza Diño-Seguerra.

MARCELITO POMOY NAKULANGAN  SA PERFORMANCE NIYA

 

MARCELITO POMOYSEE: Medyo nakulangan pala si Marcelito Pomoy sa performance niya sa America’s Got Talent dahil hindi raw siya kumportable sa suot niya.

Kuwento ni Marcelito nang umuwi siya sa bansa pagkatapos ng semi-finals, parang hirap daw siyang bumirit noong kinanta niya ang Time to Say Goodbye dahil ang sikip-sikip daw ng suot niya.

Parang hirap daw siyang huminga kaya medyo nakulangan daw siya noong mag-soprano na siya sa boses girl na pagkanta.

Ayaw pa munang i-reveal nina Marcelito kung ano ang kakantahin niya sa grand finals ng AGT. Pero talagang kinakarir na niya at ini-ensayo na niya dahil natsa-challenge siya sa komento ni Simon Cowell na dapat maganda ang performance niya dahil wala na raw ‘yung surprise niya na pagkanta ng dalawang boses.

 

ALDEN FOCUS MUNA SA HOSTING

alden55SWAK: Ngayong tapos na ang The Gift ni Alden Richards, hindi raw muna siya gagawa ng drama series.

Mag-focus daw muna siya sa hosting ng bagong programa niyang Centerstage na magsisimula na sa February 16.

Ngayong hindi na siya gaanong mangangarag sa halos araw-araw na taping, puwede na raw niyang bigyan ng panahon ang lovelife.

Dapat this 2020 ay may lovelife na raw siya.

Naniniwala naman siyang darating ang babaeng para sa kanya kung talagang ipag-adya na ng Diyos.

Pero puwede na raw siya ngayon makipag-date.

AKTRES-AKTRESAN NAWALAN  NG RAKET DAHIL SA ATTITUDE

SEE: Nawalan pala ng isang endorsement itong aktres-aktresan na ito dahil sa mabusisi raw sa mga  detalye na tinatanong sa kliyente.

Ang sabi ng aming source, isang kilalanag supermarket daw dapat ang i-endorse nito, at maganda pa naman ang offer.

Pero ang dami raw tanong. Ang dami raw kundisyones na hindi naman daw ito hinihingi ng ibang artistang mas sikat di hamak sa kanya.

Ang OA pa raw ng itinuring na presyo ng talent fee, kaya umatras na ang may-ari ng sikat na supermarket na ito.

Kaya ang kinuha nila ay ang sikat ding male TV personality na ang dali naman daw kausap at napakabait.

Maganda raw ang resulta ng endorsement ni male TV personality, kaya ang laking tuwa ng may-ari na hindi sila natuloy kay aktres-aktresan na lagi rin daw nag-a-attitude sa set ng programang pinagbidahan nito.

 

 

Read More

PANGARAP NA MAGING PILOTO NI ALDEN NAUDLOT DAHIL SA SHOWBIZ

0

ANG maging isang piloto ang pangarap noon ni Alden Richards. Kaya lang naudlot ito simula noong pasukin na niya ang showbiz.

“Piloto talaga, is always been a dream,” deklara pa niya. “Pero now, na my field of work is acting, medyo I’m looking also at the possibility of directing as well.

“Kasi parang I’ve lived my 10 years in showbiz acting in front (of the camera). I’m doing my job in front of the camera, so parang it’s a very interesting angle also to do things behind the camera,” dugtong pa ni Alden.

Nagbigay rin ng dahilan ang Kapuso hunk actor na bida ng teleseryeng The Gift ng GMA-7 kung bakit gusto niyang pasukin ang pagdidirek.

“I’d like to know how is it working with an actor, with the staff, with your team. And parang the writer writes the story, visualize and creates the concept of the story but the director gives life to the story along with the actors,” lahad ni Alden.

Nakangiting patuloy ng aktor, “Parang nai-imagine ko minsan ‘yung ako yung magse-set-up, I call the shots, I motivate actors, kasi I’m so inlove with the craft, I’m so in love with acting and I want to share it to a lot of people  at do’n sa mga tao na  really wanted to do acting  as well.

“Parang mas mabibigyan lang ako ng authority to coach someone of I’m a director and not a co-actor coz I don’t usually give instructions to people specially ‘pag we’re on the same level – actor to actor. But if you’re a director, that’s a different story. ‘Pag director to actor conversation, you can give advice, pointers and instructions to them.”

Nagbigay rin ng tips si Alden kung paano niya hina-handle ang pressure.

“All of us have jobs everyday. All of us deal with lot of pressure everyday, stress and parang ang tip ko lang is really to enjoy what you’re doing. Find the joy within what you’re doing kasi minsan, hindi naman lahat, pero ‘yung ilan sa atin that’s what we lack, eh, to find something beautiful in what we do.

“So para hindi ma-pressure at para ma-enjoy natin yung mga bagay na ginagawa natin araw-araw it’s always about looking at the beautiful side of it – the beauty within what we’re doing and being relax about all the situations  that’s coming our way,” pagbabahagi ng aktor.

Dapat din daw na i-enjoy lang natin ang buhay dahil maigsi lang ito.

“Let’s enjoy life kasi sobrang igsi ng buhay and life is very  unexpected. Today masaya ka, kinabukasan you’re devastated and dapat walang room for negative thinking sa buhay. Parang hindi dapat ini-encourage ‘yon kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari the next days, weeks or years to come.

“Hindi masyadong nag-iisip ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Huwag din masyadong pessimistic. I-enjoy ang buhay dahil napakasarap mabuhay, napakasayang mabuhay,” sambit pa ng aktor.

Si Alden ang celebrity endorser ng Embassy Whisky na nagkaroon ng launching kamakailan lang. Tinanggap ng aktor ang maging liquor endorser bilang bahagi ng kanyang pagbabagong image.

“Well, of course, I’m of age naman na rin, I’m 28 na and parang it’s alright to be  an ambassador of a liquor as long as you promote drinking in a moderate manner naman.

“Hindi na rin talaga ako nagdalawang isip to say yes to  a liquor endorsement this year kasi hindi naman tayo pabata. And at the same time, I’m also a whisky drinker whenever I have parties, ganyan. It’s really for something new na rin for me this 2020. I’m always looking forward din to be part of new families that’s why I said yes to this,” rason pa ng aktor

 

Read More

MARCELITO POMOY, NABAGO ANG BUHAY DAHIL SA KAKAIBANG BOSES

0

NGAYONG pasok na sa grand finals ng “America’s Got Talent: The Champions” ang Filipino singer na may split voice na si Marcelito Pomoy, umaasa ang apat na judges ng AGT na sina Simon Cowell, Howie Mandel, Heidi Klum at Alesha Dixon at ang kanyang mga kababayan na siya ang magiging kauna-unahang grand winner ng AGT: The Champions kung saan ang mga kalahok ay mga champion ng iba’t ibang competitions na nagmula sa iba’t ibang bansa.

Malakas ang laban ni Marcelino against his co-grand finalist dahil bukod sa namumukod tangi ang kanyang kakaibang talent, malakas din ang suporta sa kanya ng studio audience maging sa text votes.

Kailangan lang talaga paghandaan nang husto ni Marcelito ang kanyang choice of song sa grand finals night.

Dahil sa pagkakapasok ni Marcelito sa grand finals ng AGT: The Champions, muling na highlight ang husay ng Pinoy talent sa international audience.

BALIK-TAMBALAN NINA BELA AT JC, NAKA-P6.2-M SA OPENING

Naka-P6.2M ang pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets” na balik-tambalan nina Bela Padilla at JC Santos nang ito’y magbukas sa mga sinehan last February 5.  Ang nasabing pelikula ay ikatlong team-up na bale ng dalawa na nagsimula in 2017 sa pamamagitan ng kanilang hit movie na “100 Tula Para Kay Estela” na siyang nanguna sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na sinundan ng kanilang “The Day After Valentine’s” na siya ring nag-number 1 sa ikalawang PPP in 2018.

Although kasama rin sina Bela at JC sa 2019 Metro Manila Film Festival blockbuster movie na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan nina Aga Muhlach at childstar na si Xia Vigor, hindi sila ang magkatambal at never din sila nagkaroon ng eksena sa pelikula kaya ang “On Vodka, Beers and Regrets” mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor, ang kanilang pangatlong team-up.

Ayon sa big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, posible umanong pumalo sa mahigit P100M ang latest starrer nina Bela at JC na muling magtatambal sa part 2 ng “100 Tula Para Kay Estela” na muling pamamalaan ng writer-director na si Jason Paul Laxamana. Malamang na isali rin ang nasabing pelikula sa ika-4th PPP this August or September 2020.

Ayon kay Direk Irene, kakaiba umano ang chemistry nina Bela at JC onscreen.

Habang palabas sa mga sinehan ang “On Vodka, Beers and Regrets” ay excited naman si JC sa nalalapit na paglabas ng kanilang magiging unang supling ng kanyang non-showbiz wife na si Shyleena Herrera na isang girl.

Si Shyleena ay nakatakdang magsilang anytime this month.

JC DE VERA IKAKASAL NA

Any day soon ay nakatakdang ikasal ang Kapamilya actor na si JC de Vera sa ina ng kanyang more than one-year-old child na si Lana Athena, ang kanyang non-showbiz fiancée na si Rikka Cruz.

Nakapag-shoot na sina JC at Rikka para sa kanilang pre-nup pictorial na ginanap sa Intramuros, Manila.

Ayaw pa lamang mag-share ang dalawa kung kelan at saan gaganapin ang kanilang kasal.

Ang magiging kakaiba sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina JC at Rikka, hindi tatayong flower girl ang kanilang anak na si Lana kundi `pakakasalan’ din ito ni JC at maglalakad din patungong altar kasama ang dalawang bayaw ni JC.

Bukod sa pagiging actor, si JC ay isa ring entrepreneur.

JOINT BUSINESS VENTURE NINA JENNYLYN

AT DENNIS BUBUKSAN NA

Bubuksan na this Saturday, February 8 ang joint business venture ng magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ang kanilang Cat Café (Litterbucks) na matatagpuan along Maginhawa St. in Quezon City.

Ang bagong coffee shop ng magkasintahan ay magsi-serve ng coffee and tea kasama ang sariling cookie specialty ni Jennylyn, ang sarili niyang homemade cookie brand na Chunks Dough.

Paghahanda na rin kaya ito nina Jennylyn at Dennis sa kanilang magiging future bilang isang pamilya? Pero kailan kaya magpu-propose si Dennis kay Jennylyn considering na matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa.

Sina Jennylyn at Dennis ay parehong may tig-isang anak na parehong lalaki sa kanilang respective past loves.

Si Jennylyn ay may Alex Jazz sa kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia habang si Dennis naman ay may Calix sa dating beauty queen-turned actress na si Carlene Aguilar.

Samantala, habang nasa Cat Café nina Jennylyn at Dennis, ang mga customer ay may pagkakataon na makalaro ang pet cats and dogs ng dalawa at makita rin sila in person.

Ayon kay Jennylyn, kapag wala silang work, tiyak na naroon sila ni Dennis sa kanilang Cat Café shop para personal na pamahalaan ang kanilang bagong business.

BEA, ALDEN MAY MOVIE PROJECT

Naispatan sina Bea Alonzo at Alden Richards sa check-in counter ng Philippine Airlines sa airport ng Bangkok, Thailand last Sunday, February 2.  May movie project kaya ang dalawa o ‘di kaya TV endorsements na silang dalawa ang magkasama?

Naging vocal si Alden sa pagsasabing gusto niyang makatrabaho sa isang movie project si Bea at personal na rin niya itong ipinarating sa Kapamilya actress nang aksidente silang magkasabay sa isang domestic flight.

Bukas pa rin si Alden na muling makagawa ng movie project sa ilalim ng Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya Network.

Hawak nina Alden at Kathryn Bernardo ang record ng highest grossing Filipino film of all time dahil sa kanilang 2019 movie na “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina na kumita sa takilya ng almost P900-M.  Ang nasabing pelikula ay first team-up nina Alden at Kathryn at first movie rin ni Alden sa bakuran ng Star Cinema.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read More

BAWAL BA ANG CELLPHONE CAMERA SA ‘STRIP PARTY’ NA SUHESTIYON NI ALDEN

0

VIS A VIS copy.jpgKabilang si Alden Richards sa katrabahong grupo na nagpaplano para sa gaganaping pagtitipon na mala-cast party.

Hindi na iba sa Kapuso actor ang kanyang mga kasama sa meeting as most of them ay nakatrabaho na niya in the past. Nakasanayan na nilang mag-bonding sa tuwing magpapaalam na sa ere ang kanilang programa.

Natural na nag-uumapaw ang mga suggestions sa kung paano nila idaraos ang party.

Came Alden’s turn na ikinagulat ng mga katrabahong seryosong nakikinig what he had to say.

“Para maiba naman,” simula raw ni Alden, “maghubad tayo!”

Wala raw sa tono ni Alden ang nagbibiro o nagpapatawa. Seryoso raw ang mukha nito na talagang pinandidigang “strip party” ang nais niyang kalabasan ng isang gabing gimik.

ALDEN RICHARDS IN HIS NAKED GLORY

Ikina-shock ‘yon ng kanyang mga kamiting dahil taliwas ‘yon sa image ni Alden, na hindi makabasag-pinggan tapos ay gustong mag-all the way as in his birthday suit?

Kung saka-sakali bang matuloy ‘yon, mahigpit kayang ipagbawal ni Alden ang pagdadala ng cellphone para hindi siya makunan in his naked glory?

 

 

NAGDARAHOP ANG MAHILIG SA HIGH LIFE

Problemado umano ngayon sa pananalapi ang isang sikat na gay celebrity.

Isa siyang salon owner whose shop ay nakatirik somewhere within the Scout area in Quezon City. Ang dating nagmamay-ari ng property na ‘yon ay isa ring tanyag na singer-actress pero naipagbili na niya ito.

Malapit ang salon owner sa aktres, na baka nga noong time na sa kanya siya nagbabayad ng buwanang upa ay okey lang kung atrasado ito.

“Hindi lang ‘yon, ang sabihin mo, baka may special discount pa ang salon owner since they’re close,” ayon sa aming source.

Since iba na nga ang may-ari nito, nag-iba na rin siyempre ang presyo ng upa.

 HIRAP SA BAYARIN SI SALON OWNER-ACTOR-ENDORSER

For sure, mas tumaas pa ito kaysa dati making it hard for the gay salon owner to meet.

Hindi rin daw kasi marami ang kanyang mga kliyente, both showbiz and non-showbiz.

Good thing, hindi lang ‘yon ang kanyang bread and butter. Manaka-naka ay nakagagawa ng mga pelikula ang salon owner, on the side ay may pasulput-sulpot din siyang commercial endorsements.

It’s such a pity nga lang that life has become a bit too hard for him.

“Nag-lifestyle din kasi siya, eh,” tsika ng aming source. By lifestyle, he means na nakipagsabayan din daw ito sa high living ng kanyang mga celebrity friends.

Pero nasaan na ngayon ang mga ito, when they’re supposed to be around for him sa ganitong mga panahon?

“Well, ‘yung isa, may regular show nga pero since siya ang bumubuhay sa pamilya niya, siyempre, hindi ‘yon sapat. Eh, balita pa ngang ‘papatayin’ na ang karakter niya sa kuwento,” pagti-tip pa nito.

We feel for the salon owner, na minsan na ring pinuri sa kanyang pagganap sa isang pelikulang tumatalakay sa namuong pag-iibigan sa pagitan ng isang beki at isang preso.

 

Read More

EXCITED SI ALDEN

ALDEN-12
0

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Excited na ang mga fans ni Alden Richards sa bagong programang ihu-host nito.

Isang musical game show na kung saan mga bata ang kasali.

Parang singing competition, pero may kakaibang rekado para iba nag concept.

Centerstage ang title ng programa na kung saan ang bestfriend niyang si Betong Sumaya ang co-host niya.

May tatlong judges din na sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos.

Mas excited siyempre si Alden dahil malapit sa kanya ang mga bata at kakaibang experience daw na makaka-interact niya ang mga magagaling na mga  batang may talent sa pagkanta.

LAST TAPING DAY NG TALK SHOW NI VICE GANDA

SEE: Wala pa namang kumpirmasyon mula sa ABS-CBN 2, pero kumakalat na ang balitang tatanggalin na raw ang Gandang Gabi Vice.

Ang narinig lang namin ay ngayong linggo na raw ang last taping ng naturang celebrity talk show ni Vice Ganda.

Sa GMA 7 naman ay iri-reformat na raw ang Dear Uge ni Eugene Domingo into a light drama.

WALANG PROPOSAL NA MAGAGANAP SA CO-LOVE CONCERT NINA JENNYLYN AT DENNIS

SWAK: Tinitiyak ni Jennylyn Mercado na walang drama ng proposal o pag-usapan ang kung ano ang plano nila ni Dennis Trillo sa kanilang relasyon na gagawin sa  concert nilang Co-Love na gagawin nila sa New Frontier Theater sa February 15.

Tinanong kasi namin kung doon na ba ay mag-propose si Dennis sa kanya?

Sure daw siyang hindi gagawin iyun ni Dennis dahil hindi pa raw talaga siya puwede sa ganun, gawa ng may commitment siya sa GMA 7.

“Hindi pa puwede eh. Idedemanda ako.

“Ayoko rin naman pag-usapan yan eh. Tapusin ko muna yung mga commitments ko,” pakli niya.

Ayaw lang  niya idetalye, pero mukhang nasa clause ng kontratang pinirmahan niya sa GMA 7 na hindi pa muna siya puwedeng mag-asawa.

Kaya sa career lang talaga siya naka-focuse, at maganda rin namang magkasama sila ni Dennis sa concert na talagang pinag-isipan daw nila nang husto kasama ang direktor nilang si John Prats at ang 3rd Avenue na musical director nila.

“Kinakabahan kami kasi first time namin mag-show together tapos ang mga songs eh medyo dibdiban kaya puspusan ang paghahanda namin ni Dennis.

“Halos lahat ng kanta ay pinag-usapan namin nang mabuti, tapos meron kaming pa-orchestra para sweet di ba?

“Kailangan naming pag-usapan ng buong team para hindi nakakahon sa gusto naming kanta, para maka-relate sa ibang tao,

“May koneksyon sa amin at sa bawat ng tao. Kasi di ba sa bawat relasyon laging hindi naman masaya di ba?

“Sa umpisa kinikilig ka, tapos habang tumatagal nakikilala nyo na ang isa’t-isa, nagkakaroon kayo ng problema. So,  parang dadalhin namin kayo sa journey talaga ng love story ng lahat ng tao,” pahayag ni Jennylyn sa pictorial ng Descendants of the Sun.

MAGALING NA AKTOR BALOT NA BALOT KAHIT SA GOLF COURSE

SEE: Hindi mo pala talaga ma-‘see’ ang mukha nitong magaling na aktor kapag nasa initan ito dahil takip na takip daw ito.

Iyun ang napapansin ng ibang mga kumpare niya kapag naglalaro sila ng golf, o may iba pang sports activity silang ginagawa na nasa labas at nasisikatan ng init ng araw.

Sobra raw kung makatakip ang mukha na mata lang nito ang nakikita dahil takot daw siyang mainitan ang mukha.

Ang ibang kumpareng walang kaalam-alam sa pagpaparetoke ng fez ay hindi nila talaga alam kung bakit.

Pero napapansin na kasi ang nareretoke sa mukha at ilang beses na ring na-botox kaya pinagbawalang mainitan.

Kaya naman nanatiling bagets pa rin ang mukha ni aktor, pero ang napapansin lang, hindi na gaanong nakitaan ng emosyon kapag umaarte dahil ang tigas na ng mukha sa katuturok ng botox.

Hindi talaga maiwasang maapektuhan ang pag-arte nito dahil matigas na ang fez!

Read More

MAS MARAMING AYAW KAY JULIE ANNE; GUSTO NILA SI CATRIONA KAY ALDEN

0

oleaMain hosts sina Alden Richards at Julie Anne San Jose ng All-Out Stars, (AOS), ang bagong Sunday musikomedya ng GMA Network.

Sa Twitter, merong pa-hashtag ang fans na #YesToJulie sa tambalan nila ni Alden, pero meron ding ayaw at nagpakulo ng #NoToJulie.

Sa ratings game, wagi ang AOS sa NUTAM/AGB Nielsen, pero sa Kantar Media ay ASAP Natin ‘To (na nag-umpisa ng month-long celebration of its 25th celebration) ang panalo.

Kapagkuwan ay merong #NoToArjoTheUser na tweets, pero mas trending ang pasiklab ni Maine Mendoza na #YesToArjo

Naku, Tito KC! Ano nga ang classic line ni Suzanne (Carmin Martin) kay Isabel (Rio Locsin) sa 1984 movie na Working Girls, na idinirek ni Ishmael Bernal?! (PROOOF NI JERRY OLEA)

Read More

JULIE ANNE  MAINGAT ‘PAG SI ALDEN ANG TOPIC

0

lolit(NI LOLIT SOLIS)

MAINGAT din si Julie Anne San Jose sa mga sagot niya kapag tungkol kay

Alden Richards ang tinatanong.

Pinag-uusapan na kasi ngayon ang programang ipapalit sa Sunday Pinasaya.

Hindi ako sure kung All Out Sunday o Sunday Laugh Out Loud ang title ng show pero tampok daw dito sina Alden Richards at Julie Anne San Jose.

Kaya tinanong na si Julie Anne sa media launch ng bagong endorsement niyang Lee Jeans na handa ba siyang maka-tandem si Alden? Posibleng siya kaya ang papalit kay Maine Mendoza?

“Unbeatable po sila,” mabilis na sagot ni Julie Anne.

“I don’t think na may kailangan po akong palitan, kasi ang lakas po ni Alden and Maine together. Ang lakas naman po talaga ng Aldub together. And wala po akong kailangang palitan…wala po akong kailangang i-fill in.

“Basta focus focus as solo performer,” dagdag niyang pahayag.

Samantala, matagal-tagal din palang hindi napapanood si Alden sa Eat Bulaga.

Akala ng iba, hindi na siya kasali sa Eat Bulaga.

Next week ay babalik na ang favorite Kapuso actor ko.

Nagpaalam pala siyang mag-leave sandali dahil sa sunud-sunod ang taping niya sa The Gift at kailangang may mga tapusin daw siyang commitments.

Hindi naman basta bastang iwan ni Alden ang Eat Bulaga no!

 

Read More

WANTED: MAALAGA, MAUNAWAIN NA GF PARA KAY ALDEN

0

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

KAHIT may Arjo Atayde na si Maine Mendoza (na ayon sa mga netizens ay break na kahapon) ay tuloy pa rin ang paniniwala at ilusyon ng AlDub fans na magkakatuluyan sa huli ay sina Yaya at Alden Richards.

Lalo’t single hanggang sa  ngayon ang Pambansang Bae.

Nabuhayan ang AlDub fanatics lately nang magkuwento si Alden na always pa rin silang may communication ni Maine. Sa text man o video call.

Sa vlog at exclusive interview ni kapatid na Philip Rojas(personal secretary ni Kuya Boy Abunda) kay Alden nang maimbitahan siya ng matalik na kaibigang actor sa pag-aaring Conchas Garden Resto sa Tagaytay City ay ang lovelife ng Kapuso actor ang isa sa naging topic nila.

Ayon pa kay Alden, simple lang ang hanap niya sa isang babae ‘yong understanding at maalaga. Bonus

na lang daw ang physical na anyo nito.

Pero sa ngayon ay focus daw muna ang actor sa kanyang showbiz career at mga negosyo

na patuloy sa pagdami. Aside sa tatlong branch ng Concha’s at McDonald’s sa Binan Laguna ay balitang magpa-franchise na rin ng sikat na grocery store ang binata ni Daddy Richard Peralta Faulkerson, Sr.

SA SEGMENT PA LANG NG EB TALO NA ANG IT’S SHOWTIME

Sa segment  lang na  “Bawal Judgemental” sa Eat Bulaga, panios na ang It’s Showtime.

Waging-wagi sa TV viewers ang bagong portion na ito  sa Bulaga na majority ng players o tumatayong judge ay Kapuso stars.

Napaka-brilliant ng idea ng writers ng Bulaga at naisip nilang gawin ang nasabing segment. Mala current events na makadadagdag kaalaman sa manonood.

Matindi ang guessing game ditto.

Kailangan matalas ang memorya mo para tama ang hula mo.

Maliban sa consistent na panalo sa NUTAM ratings ang EB kontra sa It’s Showtime, humahabol na rin ang nasabing longest running noontime show sa Kantar Media National

Ratings.

As in humihina na  ang powers ni Vice Ganda. Hindi na nito mapaangat o ma-sustain man lang  ang ratings ng kanilang show.

Ilan sa mga artistang naglaro sa ‘Bawal Judgemental’ay sina Maricel Soriano, Sunshine Dizon, Jasmine Curtis-Smith,  Ken Chan at marami pang

iba. Sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon ang host nito kasama sina Dabarkads Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Luane Dy at Allan K.

Read More