KAPALARAN NG NATIONAL BUDGET TATANGGAPIN NG KAMARA

house

(NI BERNARD TAGUINOD) HANDANG tanggapin ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang anumang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 General Appropriation Bill (GAB) o national budget subalit nanindigan ang mga ito na tama ang kanilang ginawa. “ The HoR firmly supports President Digong’s action on the GAB,” ani  House Majority leader Fred Castro na sinegundahan ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr. Ginawa ng dalawang House Leaders ang pahayag matapos magbanta si Duterte na ive-veto nito ang buong 2019 national budget kapag nakakita ang mga ito ng iregularidad…

Read More

P215-M DAGDAG KAY LENI GALING SA PONDO NG MGA SUNDALO 

andaya12

(NI BERNARD TAGUINOD) ISA ang tanggapan ni Leni Robredo sa nakinabang sa halos P84 Billion na  inalis ng mga senador sa pondo ng build-build-build projects ni Pangulong Rodrigo Duterte  at pera ng mga sundalo. Sa inilabas na dokumento ni House Appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., dinagdagan ng Senado ng P215 Million ang pondo ng Office of the Vice President. Binigyan din umano ng mga senador ng P1.7 Billion ang kanilang sariling pondo habang P597 Million naman sa Department of Agriculture (DA); P110 million sa Department of Energy (DoE); P2.5…

Read More

EBIDENSYA SA P74-B ‘PINAKIALAMAN’ NG SENADO INILANTAD

andaya12

(NI BERNARD TAGUINOD) ISINAPUBLIKO na ng liderato ng Kamara ang mga dokumento na magpapatunay na umaabot sa P74 Billion ang halaga na pinakialaman ng mga senador sa 2019 national budget subalit ayaw nilang idetalye kung saan nila ito dinala. Ang hakbang ay ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya matapos tawagin  ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang “delusional” o “kahibangan” ang inilantad ng Kamara na pondong pinakialaman ng mga senador. Inilabas ni Andaya ang 22-pahinang dokumento upang ipakitang hindi gawa-gawa ang paratang ng Kamara. Kabilang na rito…

Read More

NEGOSASYON SA 2019 BUDGET SINIMULAN NA

CONGRESS SENATE1

(NI BERNARD TAGUINOD) SINIMULAN na ng mga kinatawan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang negosasyon sa 2019 national budget para maihabol umano ang mga proyektong nakaprograma ngayong taon habang panahon ng tag-init. Sa ambush interview, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya na umaasa ang mga ito na maliwanagan ang mga senador sa kanilang pag-itemized upang mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget. “Hopefully before the 29th of the monthy magkaron na ng budget. Hinahabol natin ang good weather (tag-init)  window  for infrastracture,” ani Andaya bago ang kanilang…

Read More

P79-B ‘ISININGIT’ NG KAMARA SA 2019 NAT’L BUDGET — SOTTO

titosotto

UMAABOT sa P79 bilyon umano ang isiningit sa orihinal na ratipikasyon ng 2019 national budget, ayon sa pagbubunyag ni Senate President Tito Sotto. Binanggit ni Sotto ang report mula sa Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) na nakikipag-ugnayan sa House Appropriations committee kaugnay ng pambansang pondo ng bansa. Nabatid na nasa P79 bilyon ang inilagay sa budget ngayong taon na wala o hindi bahagi ng napag-usapan sa bicam. Niratipikahan na ng Kongreso ang P3.8 trilyong 2019 budget noong February 8. Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito…

Read More

P900-M GRAFT CASE NI ANDAYA KINATIGAN NG SANDIGAN

sandigan12

(NI TERESA TAVARES) IBINASURA ng Sandiganbayan ang inihirit ni Camarines Sur 1st District Representative Rolando Andaya Jr. na mapawalang-bisa ang halos 200 kasong kriminal na nakasampa laban sa kanya kaugnay sa P900-million Malampaya fund scam. Sa 28-pahinang resolusyon ng anti-graft court Third Division, hindi tinangap ang motion to quash ni Andaya dahil hindi umano magiging patas sa prosekusyon. Iginiit ng korte na mas makakabuti na idaan sa paglilitis upang marinig ng korte ang mga argumento at allegasyon ng magkabilang panig. Una nang inihayag ni Andaya sa kanyang mosyon na depektibo ang…

Read More

LIDERATO NG KAMARA CLOSED BOOK NA KAY DIOKNO?

diokno100

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI  na interesado ang liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ituloy ang imbestigasyon laban kay dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary at ngayo’y Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno. Sa press briefing Miyerkoles ng hapon, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., wala rin itong masabi sa appointment ni Diokno sa BSP kundi “…just another day in office”. Ang kongresista ang pasimuno sa imbestigasyon kay Diokno ukol sa P75 Billion na isiningit nito sa 2019 national budget, pagpapabidding ng…

Read More

KAMARA, BAKIT TAHIMIK SA DELAYED NA BUDGET?

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) NAKABIBINGING katahimikan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa nakabimbin na 2019 national budget na hindi mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit naratipikahan na ito noong Pebrero. Maging ang alegasyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hinihintay pa ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga proyekto ng mga kongresista para maisingit sa P3.757 trilyon national budget ngayong taon ay hindi pinapansin ng liderato ng Kamara. Noong Biyernes, Marso 1, ay hiningan ng mga mamamahayag ng pahayag si House committee on appropriation chair Rolando Andaya…

Read More

DIOKNO SINISI SA KORUPSIYON SA DPWH

diokno17

(NI BERNARD TAGUINOD) GINAGAWANG ‘institusyon” ni Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil ayaw nitong abandonahin ang kanyang cash-based budgeting. Ito ang pahayag ni House Committee on appropriation Chairman Rolando Andaya Jr., matapos malaman na ipatutupad pa rin umano ni Diokno ang cash-based budgeting ngayong 2019. Ayon sa kongresista, noong panahon ni dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson ay inabandona nito ang nasabing sistema dahil nagiging dahilan lang umano ito ng katiwalian at naisasakripisyo ang kalidad ng mga infrastructure…

Read More