APPOINTMENT NI PIÑOL TINANGGAP NA NI MURAD

pinol22

(NI BONG PAULO)

TINANGGAP ni BARMM interim chief Al Hajj Ebrahim Murad ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay matapos ang kanilang pulong ni Murad.

Sa ngayon, ayon sa Presidente, inaayos na lamang nila ni Murad ang paglilipat ni Piñol.

Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Piñol dahil sa Mindano ito ipinanganak at lumaki, naging magsasaka at naging gubernador din ng North Cotabato.

Sinabi naman ni Murad na welcome sa kanila ang pagtatalaga kay Piñol basta sa paraan lamang na itinakda ng Pangulo ang magiging papel nito bilang extension ng kanyang supervisory work ni Duterte.

Samantala, magandang balita para sa 80 mga opisyal at mga mangagagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao  (BARMM) dahil matatanggap na nila ang kanilang suweldo.

Isa kasi ito sa mga tinalakay nina Pangulong Duterte at BARMM interim chief minister Al Haj Murad Ibrahim sa kanilang pulong sa Malacañang kagabi.

Kabilang sa ilalabas na pondo ng gobyerno ang P59-69 million para sa kabuuang anim na buwang sahod ng mga taga-BARMM.

Nabatid na naantala ang pagpapasahod sa mga opisyal ng BARMM mula nang magsimula silang magtrabaho nitong Pebrero ngayong taon.

Ito’y dahil hindi pa kasali sa naipasang 2019 national budget ang pondo para rito at ang pina-iikot lamang nilang budget ay mula sa natirang pondo ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Please follow and like us:
Read More

DUTERTE MAMAMAHAGI NG LUPA SA MAGUINDANAO

duterte-30

MAMAMAHAGI si Pangulong Rodrigo Duterte ng titulo ng lupa o certificate of land ownership Award (CLOA) sa mga magsasaka o mahihirap ng pamilya sa Maguindanao.

Ang pamamahagi ng lupa ay bahagi ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) o Republic Act No. 6657 sa ilalim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Kasama ng Pangulo sa okasyon ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa probinsya ng Maguindanao, sa pangunguna ni Governor Esmael”Toto”Mangudadatu.

Darating din kasama ng Pangulo ang mga opisyal ng Department of Agrarian Reform at Department of Agriculture (DA) at ilang opisyal at Cabinet secretaries nito.

Kabilang sa inaasahan ang anunsyo ng Presidente sa listahan ng mga uupong myembro ng transition government sa bubuuhin na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kapalit ng ARMM.

Please follow and like us:
Read More

SULU UMAYAW SA BOL

bol

COTABATO City – Makaraang tanggihan ng mga residente ng Sulu ang ratipikasyon sa Bangsamoro Organic Law (BOL), sinabi ni dating Sulu governor Abdusakur Tan na nais nilang maging bahagi ng Zamboanga Peninsula (Region 9) at ihiwalay sa bagong Bangsamoro government.

Ang Sulu ang tanging lalawigan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na bomoto laban sa ratipikasyon ng BOL, sa No vote na nakapagtala ng kabuuang163,526 laban sa 137,631 Yes votes.

“We want to opt out of the ARMM and to belong to a progressive place like Region 9,” ayon kay Tan.

Aniya, nais ng Sulu na mapabilang sa “mainstream” makaraan maging pinakamahirap na lalawigan sa bansa.

Ayon sa data mula sa Philippine Statistics Authority, ang insidente ng kahirapan ay bumaba sa lahat ng ARMM provinces maliban sa Sulu.

“Ang tagal na pero under pa rin kami sa poorest region. May proyekto ang gobyerno dito pero hindi rin tinatapos, napapabayaan kami,” ayon kay Tan.

Si Tan ay nagsilbi bilang gobernador ng Sulu mula 2007 hanggang 2013 at vice governor mula 2013 hanggang 2016. Tumakbo siya sa ARMM bilang kalaban ni ngayon ay ARMM Gov. Mujiv Hataman noong 2016 elections ngunit natalo.

Noong 2007, pinangunahan ni Governor Hataman ang regional government party na nag-inspeksiyon sa Sulu at tumugon sa mga reklamo hinggil sa umano’y hindi natapos na mga proyekto.

Mariing itinanggi ni Tan ang alegasyong may nangyaring vote-buying sa Sulu. Aniya, ang resulta ng plebesito ay rekpleksiyon ng kagustuhan ng mga tao.

“Sino ang may malaking pera para bumili ng boto,” tanong ni Tan.

Aniya, mayorya ng mga mamamayan ng Sulu ay ayaw maging bahagi ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“Kami na mga local leaders alam namin kung ano ang gusto ng mga tao kaya alam namin na mananalo ang ‘no’ dito,” dagdag ni Tan.

Please follow and like us:
Read More

BUMOTO SA PLEBISITO UMABOT SA 85% – COMELEC

BOLD

(NI MITZI YU)

IPINAGMALAKI ng Commission on Elections (Comelec) na umabot sa 85% at lagpas pa sa inaasahan nilang 75% lang ang mga bumoto sa plebisito para sa ratikipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa  ilang bahagi ng Mindanao noong Lunes.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na natutuwa sila dahil isa itong patunay na mas maraming kapatid na Muslim ang mulat umano sa kanilang kalagayan.

Idinaos ang unang yugto ng plebisito noong Enero 21 sa ilang bahagi ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan at Cotobato City.

Susunod naman na sasalang sa plebisito ang mga taga-Lanao del Norte at anim na munisipalidad sa North Cotobato.

Nauna nang inihayag ng komisyon na maaring magtagal ng apat hanggang limang araw para malaman ang resulta ng botohan.

Kapag nanalo ang Yes vote, papalitan ng bubuing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang ARMM sa Mindanao

Samantala, nanawagan si Jimenez sa mga kritikong taga-Mindanao na magsampa na lang ng kanilang petisyon laban sa magiging resulta ng idinaos na botohan sa halip na akusahan ang poll body na wala umanong kredibilidad at hindi kapani-paniwala sa ginanap na plebisito.

Please follow and like us:
Read More

19 COMELEC HOTSPOTS BINABANTAYAN NG PNP

comelec

BINABANTAYAN ngayon ng Philippine National Police ang 19 syudad at munisipalidad sa pagsisimula ng election period Linggo ng umaga.

Sinabi ni PNP deputy spokesperson Supt. Kim Molitas, nagsasagawa sila ng ugnayan sa Armed Forces upang matiyak ang kapayapaan sa mga hotspots.

Karamihan umanong nasa election hotspots ang mga lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao tulad ng Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao.

Hindi pa rin napagdedesisyunan kung isasasama ng Commission on Election (Comelec) sa ilalim ng Comelec control ang Daraga, Albay at Cotabato City dahil sa mga naunang ulat ng karahasan.

Please follow and like us:
Read More

SULU PABOR SA FEDERALISM

sulu

(NI AL JACINTO)

SULU – Dinagsa kahapon ng libu-libong mga Tausug ang sentro ng Sulu province kung saan ginanap kahapon ang isang malaking rally para sa isinusulong na federal government ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinangunahan nina Sulu Gov. Toto Tan at amang si ex-Gov. Sakur Tan – na pawang mga Duterte allies sa Mindanao – ang malaking rally sa bayan ng Jolo.

Naroon din ang mga miyembro ng pro-Duterte group na Kilusang Pagbabago, at mga alkalde ng Sulu.

Alas-6:00 pa lang ng umaga ay nagsidatingan na ang maraming mga Tausug mula sa ibat ibang bayan upang makinig sa sasabihin ng mga pro-Duterte advocates ukol sa federallism at kahalagahan nito sa Sulu, isa sa limang lalawigan sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Naroon rin at nagbigay ng mahabang salita si Wedzmar Abdurajak, ang executive assistant ni presidential daughter at Davao Mayor Sara Duterte. Pinasalamatan nito ang mga organizers ng rally at mga Tausug na patuloy sumusuporta kay Duterte.

Nakatakdang bumoto ang mga Muslim ngayon buwan at sa Pebrero para sa kontrobersayl na Bangsamoro Organic Law o BOL, na kungpapasa sa plebisito, ay siyang ipapalit sa ARMM.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More