BIFF ‘ENDANGERED SPECIES’ NA – MILITAR

biff12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ITINUTURING nang “endangered species” ng militar ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kaya wala itong kinalaman sa mga nangyaring pagpapasabog sa Cotabato City at sa Maguindanao sa katatapos na eleksyon.

Ito ang sinabi ni Philippine Army 6th Infantry Division Commander  MGen. Cirilito Sobejana at idinagdag na binalak ng mga BIFF na manggulo bago pa man ang eleksyon subalit agad itong nahadlangan ng militar kung kaya hindi na ito nakapangulo pa sa mismong araw ng halalan.

Gayunman, minaliit lamang ni Sobejana ang mga naganap na pagsabog sa Cotabato City at Maguindano na ayon sa heneral ay isang uri lamang ng pambubulabog.

Politically motivated aniya ang mga pagsabog sa layuning takutin ang mga botante at mga kandidato na huwag nang magtungo sa mga voting centers para bumoto at ang mga bantay ng election paraphernalia.

 

Please follow and like us:
Read More