SOLON NA ‘BAGMAN’ NI GUANZON MASISIBAK

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong matanggal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ‘congresswoman’ na ‘bagman’ ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. “Kung totoo at mapatutunayan (ay matatanggal),” ani ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa press conference nitong Huwebes sa Kamara kaugnay ng alegasyon ni Cardema na isang congresswoman ang bagman ni Guanzon. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni Cardema na humihingi umano ng P2 million si Guanzon kapalit ng pagpayag nito na siya ang first nominee ng Duterte Youth kung saan idadaan ang pera sa congresswoman.…

Read More