NANCY, BAM, JV, JINGGOY NAG-AAGAWAN SA TOP 12

nancy12

(NI HARVEY PEREZ)

NAGHAHATAKAN sa ika-12 puwesto sa senatorial race sina reelectionist Senators Nancy Binay , Paolo “Bam” Aquino, JV Ejercito at  Jinggoy Estrada.

Sa lumabas na  partial and unofficial tally ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting  (PPCRV), nasa 97.51% na  o 85,665 ng kabuuang 87,851 Vote Counting Machine na nai-transmit hanggang alas 4:36 ng hapon ng Huwebes. Nakuha pa rin ni Binay ang ika-12 puwesto na may  botong  14,373,317.

Si Binay  ay lamang ng 230,426  boto kay JV  na 14,142,891 , habang si Bam Aquino ay 14,019,910 at si Jinggoy ay  may botong 11,235,399.

Kaugnay nito, kumpiyansa naman si Binay na sa kanya na ang ika-12 puwesto sa senatorial race.

Habang sinabi ni Ejercito ,na nangampanya siya sa bahagi ng Mindanao kaya umaasa siya na papabor sa kanya ang mga nalalabi pang boto.

Samantala sa partial and official tally ng Comelec inilabas hanggang alas 11:59 ng gabi noong Mayo 15, na nasa 53.29%, nasa ika-11 puwesto si JV,ika- 12 si Binay at nasa ika 13 puwesto si Aquino habang nasa ika 15 puwesto naman si Jinggoy.

Nais umano ng Comelec na maiproklama na kaagad  sa loob ng 10 araw ang mga nanalong senador.

 

Please follow and like us:
Read More