RED TIDE ITINAAS SA 9 NA LUGAR

red12

(NI ABBY MENDOZA)

IPINAGBABAWAL ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng lamang dagat sa 9 na lugar sa bansa matapos kakitaan ito ng mataas na red tide toxin.

Nakataas ang red tide alert sa  Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan; Maqueda, Irong-irong, Silanga, at Cambatutay Bays sa Western Samar; San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; Coastal waters of Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.

Sa ipinalabas na advisory ng BFAR sinabi nito na mataas ang paralytic shellfish poison sa  sample na nakuha sa nasabing mga lugar kaya mahigpit na ipinagbabawal ang paghuhuli at pagkain ng lahat ng uri ng shellfsh at alamang.

Inatasan ng BFAR ang mga LGUs na bantayan ang paghuli at pagbebenta ng mga lamang dagat sa nasabing mga lugar upang maiwasan na mabiktima ng red tide poisoning ang mga residente.

Maaari naman na  kainin ang iba pang lamang dagat gaya ng isda, pusit, hipon at crab subalit kailangan lamang na linisin ng mabuti ang mga ito, tanggalin ang laman loob at lutuin ng mabuti.

 

Please follow and like us:
Read More

SHELLFISH BAWAL MUNA KAININ SA 4 NA LALAWIGAN

red

(NI ANNIE PINEDA)

NAGBABALA sa publiko ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mahigpit na ipinagbabawal munang kainin ang kahit na anong uri ng pagkain sa shellfish sa apat na mga lugar sa probinsya , iniulat nitong Linggo.

Ayon sa BFAR, nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, at coastal waters ng Dauis at Tagbiliran City, Bohol pati na ang Balite Bay, Mati City, Davao Oriental.

Sinabi pa ng ahensya, lumagpas sa regulatory limit ang paralytic shellfish poison ng mga lamang dagat sa nabanggit na mga lugar.

Maari naman kainin ang iba pang laman dagat gaya ng isda, pusit, hipon, pero kailangan linisin maigi at lutuan ng maayos para maiwasan ang pagkalason.

 

Please follow and like us:
Read More

SINIRA NA P33-B REEF ECOSYSTEM NG CHINA AALAMIN NG PALASYO

scarborough22

(NI BETH JULIAN)

NAALARMA ang Palasyo sa ulat na nasa P33 bilyong reef ecosystem ang nasisira sa Panatag Shoal.

Magsasagawa ng sariling pag-aaral ang pamahalaan para masuri kung totoo ang ulat na aabot sa P33 billion halaga ng reef ecosystem ang nasisira kada taon sa Panatag Shoal at Spratly Islands dahil sa reclamation activities at illegal fishing operations ng China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ay dahil naaalarma ang Malacanang sa nasabing ulat ng University of the Philippines Marine Science Institute.

“We will always be concerned if affects the security of the state and if affects the general welfare  of the people,” ani Panelo.

Sinabi ng tagapagsalita na maaaring ang Department of Agriculture ang magsagawa ng pag-aaral dahil nasa ilalim nito ang tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Pagkatapos ng pag-aaral ay magsasagawa ng kaukulang hakbang ang pamahalaan para matiyak na hindi masisira ang yamang dagat.

“Palaging nababahala ang gobyerno lalo na kung nakaapekto sa seguridad at kapakanan ng taumbayan ang ginagawa ng ibang bansa sa teritoryo ng Pilipinas.

Please follow and like us:
Read More

MANGINGISDANG PINOY PINAIIWAS MUNA SA SCARBOROUGH SHOAL

pagasa8

(NI JG TUMBADO)

HUWAG munang mangisda sa Scarborough Shoal o sa Bajo de Masinloc sa lalawigan ng Zambales.

Ito ang ipinanawagan ng Northern Luzon Command (NolCom) at maging ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda na pumapalaot malapit sa nasabing pinag-aagawang teritoryo.

Idinahilan ng ahensiya ang patuloy na dumaraming reklamo ng harassment at pambu ‘bully‘ sa mga lokal na mangingisdang Filipino sa lugar na umanoy kagagawan ng mga Chinese fishermen.

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, dapat iwasan ang pagtaas ng tensyon sa lugar dahilan para maglabas ng babala.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na habang gumagawa ng hakbang ang pamahalaan sa isyu ay dapat manatili muna sa mga municipal waters ang mga mangingisdang Pinoy.

Sinabi pa ni Gongona na mga high value fish ang nakukuha sa Scarborough shoal ngunit hindi naman umano marami ang mga ito.

Una na umanong nakakatanggap ng impormasyon ang NolCom sa ginagawang pangha-harass ng mga Tsinong mangingisda sa mga mangingisdang Pinoy kapag nagkakataong sabay na manghuli ng isda malapit sa shoal.

Nagpahayag na rin ang Palasyo na maghahain ng panibagong reklamo ang pamahalaan kaugnay ng insidente sa West Philippine Sea.

 

Please follow and like us:
Read More