‘WALANG AIRSTRIKE, SUMABOG NA BOMBA GAWA NG BIFF BOMBER’

north cotabato44

NORTH COTABATO – Itinanggi ng Armed Forces na mula sa airstrike ng militar ang bombang sumabog sa isang tahanan na ikinasawi ng isang matanda at ikinasugat ng mister at apo nito, sa Sitio Butilen, Barangay Kabasalan, Pikit, North Cotabato, Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Misbah Masla, isang senior citizen habang sugatan naman ang mister nito na si Alimuden at ang 10-anyos na apo na lahat ay residente ng nasabing lugar.

Sinabi ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Major Arvin Encinas na sa loob ng bahay ng mga Misba umano mismo nanggaling ang bombang sumabog.

Ayon pa kay Encinas, pagawaan ng Improvised Explosive Devices (IED) ang naturang bahay na nasa Sitio Butilen, Barangay Kabasalan.

Aniya, ang sumabog na bomba ay gawa umano mismo ni Alimuden na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Gayunman, todo-tanggi si Alimuden na kasapi siya ng BIFF at iginiit na isa lamang siyang ordinaryong magsasaka.

Sa ngayon ay bantay-sarado ng mga sundalo at pulis si Alimuden sa pagamutan na hinihinalang bomb expert ng BIFF.

Ayon kay Army Major Homer Estolas, ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division na ang operasyon ng militar laban sa BIFF ay isinagawa sa pagitan ng hangganan ng Maguindanao at lalawigan ng North Cotabato.

Naglunsad ng airstrike ang Philippine Airforce alas-3:30 ng madaling araw laban sa mga armadong grupo na pinangungunahan ni Abu Toraife, ang leader ng isa pang faction ng BIFF, na tumalima sa Islamic State, sa nasabing barangay.

Please follow and like us:
Read More

BIFF ‘ENDANGERED SPECIES’ NA – MILITAR

biff12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ITINUTURING nang “endangered species” ng militar ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kaya wala itong kinalaman sa mga nangyaring pagpapasabog sa Cotabato City at sa Maguindanao sa katatapos na eleksyon.

Ito ang sinabi ni Philippine Army 6th Infantry Division Commander  MGen. Cirilito Sobejana at idinagdag na binalak ng mga BIFF na manggulo bago pa man ang eleksyon subalit agad itong nahadlangan ng militar kung kaya hindi na ito nakapangulo pa sa mismong araw ng halalan.

Gayunman, minaliit lamang ni Sobejana ang mga naganap na pagsabog sa Cotabato City at Maguindano na ayon sa heneral ay isang uri lamang ng pambubulabog.

Politically motivated aniya ang mga pagsabog sa layuning takutin ang mga botante at mga kandidato na huwag nang magtungo sa mga voting centers para bumoto at ang mga bantay ng election paraphernalia.

Please follow and like us:
Read More

GUN FACTORY NG BIFF WINASAK NG MILITAR

baril 14

(NI JESSE KABEL)

KASAMA ang mga tauhan ng Philippine National Police winasak, winasak Biyernes ng tanghali ng military ang nadiskubreng gun factory ng ISIS influenced Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa Maguindnao.

Ayon kay Lt Col Harold M Cabunoc,  pinuno ng Philippine Army 33rd Infantry Battalion, kasama nila ang mga tauhan ng PNP Criminal Investgation and Detection Group sinalakay nila ang natunton na BIFF gun factory  sa Brgy Poblacion, Buluan, sa Maguindanao.

Armado ng matas na kalibre ng baril, isinilbi ng Army at PNP-CIDG-ARMM at  PNP-SAF ang warrant laban kay Abusama Abpun, 60 anyos na  illegal firearms manufacturer.

Kabilang sa mga nasamam na mga baril ang tatlong M4 Carbine Rifles, isang  M1 Carbine, anim na  9mm Tomgram, isang 12 gauge shotgun,  tripod para sa Cal. 50 Heavy Machinegun, at mga  unassembled firearms.

Ayon kay P/Sr.Supt James Gulmatico, CIDG   regional head,  si Abpun ay supplier din ng baril ng mga criminal elements bukod sa teroristang BIFF.

“Our informant showed us videos of the suspect while repairing a gun owned by a BIFF member who personally brought the defective weapon,” ani Gulmatico

Pahayag naman ni Lt Col  Cabunoc, “We have removed another logistics support source of the BIFF and other lawless elements. We will defeat them by cutting-off the sources of their weapons.”

Please follow and like us:
Read More

FOREIGN TERRORIST PATAY SA MILITARY OPS?

terror

NAGSAGAWA ng intelligence driven surgical operation ang Philippine Army gamit ang dalawang fighter plane ng Philippine Air Force sa natunton na kuta ng Daesh inspired Bangsamoro Islamic Freeddom Fighters sa Maguindnao, sa ulat ng militar Linggo ng hapon na nag resulta sa kamatayan ng walong Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.

Ayon Maj Gen. Cirilito Sobejana, commander, 6th Infantry Division, kasalukuyang inaalam ng kanyang mga tauhan kung kasama sa mga nasawi ang ilang foreign terrorists na nagkukubli sa lugar sakop ng Sutan sa Barongis .

Ayon kay  Sobejana may mga pangalan na sila ng napaslang subalit kasalukuyan pa nilang bina-validate kung kabilang sa nasawi si Salahudin Hasan,  sub-commander ni Daulah Islamiya Toraife  group.

Naging matindi umano ang bakbakan dahil nasa lugar din mismo si Abu Toraype kasama si Mawiya, isang Singaporean, dalawang Arab at  Middle Eastern-looking na indibidwal at dalawang Malaysian.

Sa impormasyong nakalap ni Sobejana sa ground forces, nasa area pa ang mga banyagang terorista at tuloy-tuloy pa rin ang military operation habang inaaalam kung nakasama na ang mga ito sa natamaan ng Philippine Air Force  FA50 na nagbagsak ng  500 lbs na bomba Sabado ng hapon.

Nabatid na matapos ang surgical strike ay nagsagawa naman ng artillery fire ang mga tauhan ng Army saka sinundan ng ground assault .

Sinasabing aabot sa 100 ang mga tauhan na kasam ni Torayfe sa nasapul na main camp ng BIFF na itinuro mismo ng kanilang kasamahan na sumuko na kinilalang si  Gani Saligan, brigade commander sa loob ng 20 taon sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters Karialan faction.

Sinabi pa na  nagkaroon  ng rido sa grupo ni Hasan kaya sya mismo ang nagturo ng kuta.

Nabatid na kinakanlong ng grupo ni Salahudin Hassanna, tauhan ng Daulah Islamiyah Toraype.

Please follow and like us:
Read More

KUTA NG BIFF DINUROG NG MILITAR

biff

(NI JESSE KABEL)

NAGSAGAWA ng intelligence driven surgical operation ang Philippine Army gamit ang dalawang fighter plane ng Philippine Air Force sa natunton na kuta ng Daesh inspired Bangsamoro Islamic Freeddom Fighters sa Maguindnao, sa ulat ng militar Linggo ng umaga.

Ayon kay Philippine Army 6th Division spokesperson Major Arvin Encinas, naglunsad ang militar ng air strikes laban sa pro-Islamic State (IS) rebels kaugnay sa direktibang pagdurog sa mga militante na nag-ooperate sa nasasakupang lalawigan.

Nabataid na nagsagwa surgical air, artillery and ground operation ang Joint task Force Central( JTFC) sa mga natukoy at kumpirmadong target na pinagkukutaan ng  DAESH inspired terrorist group sa ilalim ng pamumuno ni  Salahudin Hassan

Inihayag ni Maj Encina na “Joint Task Force Central (JTFC) has intensified the focused military operations at terrorists identified lair in So. Tatak, Bargy Tugal, Sultan Sa Barongis, Maguindanao .

Sa impormasyong ibinahagi ni Encinas sa ,media dalawang OV-10 planes ang nagbagsak ng walong 250-pounds na mga bomba sa posisyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sultan Sa Barongis.

Bukod dito inihayag din ng mga residente sa kalapit na bayan ng Pigcauayan sa North Cotabato na may nakita silang dalawang FA-50 jets na nagbagsak ng mga bomba sa Liguasan Marsh.

Ayon kay Encinas, nagsimula ang air strikes alas 5:00 Sabado ng umaga matapos na positibong matukoy ng ground troops ang lokasyon ng mga bandido.

Nasapol sa inilunsad na air strikes ang kuta ng mga rebelde na itinuro mismo ng mga sumukong BIFF.

Samantala, sinabi ni ground military commander Major General Cirilito Sobejana na inilagay sa full alert ang tropa ng gobyerno sa rehiyon kasunod ng intelligence report na 40 dayuhang jihadists ang nakapasok sa ilang bahagi ng Mindanao.

Nilinaw ni Joint Task Force Central Commander Major General Cirilito E. Sobejana na isina-alangalang nila ang kaligtasan ng mga residenteng malapit sa military operation; “Appropriate coordination was also made with MILF CCCH and the targeted areas were confined to locations far from the local communities.”

Sinasbing ang IS-linked BIFF anya ang nag-ooperate sa rehiyon at sila ang nasa likod ng serye ng pagbobomba sa probinsya, subalit tiwala si Sobejana na manu-neutralize nila ang mga teroristang grupo.

LUNGGA NG BIFF MULING BINOMBA

air

MULING naglunsad ng air strike ang militar laban sa pro-Islamic State (IS) rebels sa Maguindanao kasunod na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin ang mga kuta at ubusin ang mga teroristang nanggugulo sa Mindanao.

Tinarget ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa liblib na lugar sa Sutan sa Barongis town kung saan ayon kay Major Arvin Encinas, spokesperson ng 6th Division ng Army ay naghulog ang dalawang OV-10 planes ng walong tig-250 pounds na bomba.

Kinumpirma ito ng mga residente sa kalapit na Pigcauayn town sa North Cotabato at sinabing nakita nilang dalawang FA-50 jets ang naghulog ng bomba, Sabado ng umaga.

Naniniwala si Encinas na natumbok nila ang lungga ng mga kalaban at naghihintay ng report mula sa ground troops. Nakakuha rin ng report na hindi bababa sa 50 foreign terrorist ang nakapasok na naturang lugar at tumutulong sa operasyon.

“Katulong sila (foreign terrorist) sa likod ng mga serye ng pambobomba sa rehiyon,” ayon sa Army.

Please follow and like us:
Read More

15-ANYOS CHILD WARRIOR NG BIFF SUMUKO

warrior

(NI BONG PAULO)

SUMUKO sa militar ang isang batang mandirigma na dati umanong miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ang kinse anyos na BIFF child warrior na kinilala lamang sa alyas na ‘Tiger’ ay dati umanong tauhan ni Kumander Mayo Gantong Bansil.

Sumuko ang bata sa Army’s 33rd Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Harold Cabunoc.

Ayon sa  batang si Tiger, napapagod na siya sa umano ay walang kabuluhang pakikipaglaban at pagtatago.

Aniya, nais niyang magbagong buhay, makapag-aral at makasama ang pamilya sa tulong ng pamahalaan.

Kasabay ng kanyang pagsuko ay isinuko rin ni Tiger ang kanyang dalang rocket proppeled rrenade o RPG.

Umaasa naman si Army’s 6th Infantry Division commanding general, Major General Cirilito Sobejana na marami pang mga batang mandirigma ng BIFF na mamumulat ang isipan at magbalik-loob sa pamahalaan upang magkaroon ng direksyon ang kanilang buhay.

Please follow and like us:
Read More