BOC TUMANGGAP NG MATAAS NA PARANGAL

Gold Governance Trailblazer award

(Ni Joel O. Amongo)

HINDI lang naipasa ng Bureau of Customs ang ‘initiation stage’ ng Performance Gover­nance System (PGS) subalit tumanggap pa ito ng Gold Governance Trailblazer award, ang pinakamataas na parangal ng PGS, matapos ganapin ang Forum Revalida nito sa Bayanihan Center sa Unilab, Pasig City.

Sa pamamagitan ng pagpupursige ni Commissioner Rey Leonard B. Guerrero at sa pakikipagtulungan ng mga tauhan at opisyales ng BOC tungo sa pagbabago ng tanggapan na nais maganap gamit ang PGS, isang hakbang upang hubugin at magkaroon ng pagtutulungan upang mailahad, maipatupad at mapanatili ang magandang layunin para sa pagbabago.

Ipinakita ni Commissioner Guerrero sa kanyang presentasyon sa PGS Revalida ang pagbabagong nais tahakin ng BOC sa pamamagitan ng 4-year Strategic Roadmap na naglalayon na ang transpormasyon o pagbabago sa Customs ay maayos, malinis, at isang world class na pamamalakad hanggang 2022 na magpapalakas, magpapalago at magbibigay ng seguridad sa ekonomiya ng bansa.

Ang roadmap ang tatayong pangunahing suporta ng BOC upang makamit ang layunin nito na maisakatuparan ang pagbabago.

Inilatag ni Commissioner Guerrero ang ‘pre-initiated transformation efforts’ na kasama ang publikasyon ng 40 Customs Administrative Orders sa maayos at makatwirang polisiya at patakaran;  pagpapatatag ng serbisyo ng strategic roadmap; zero backlog sa proseso ng aplikasyon para sa accreditation ng importers at Customs brokers; at ang  implementas­yon ng pitong  (7) IT support systems.

Bunga ng mga inilahad na programa ni Commissioner Guerrero, pinarangalan ng PGS ang BOC.

“We are committed to enhancing trade facilitation that favors growth and we will continue to work for a Customs administration that is world-class and at par with global standards. To get there, the imperatives of good governance, professionalism and integrity will be instilled both in the institution and in the individuals,” pagdidiin ni Commissioner Guerrero.

Please follow and like us:
Read More

MALL SA BINONDO SINALAKAY NG BOC

pekeng produkto-2

AABOT sa halos P70 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG), Customs Intelligence and Inves­tigation Service (CIIS), Intellectual Pro­perty Rights Division  (IPRD) at Armed For­ces of the Philippines sa storage units ng isang shopping mall sa Binondo, Manila noong nakaraang Linggo.

Armado ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ginalugad ng mga miyembro ng raiding team base sa impormasyon at reklamo ng Baranda & Associates ang mahigit 70 sto­rage units ng mall kung saan nakatago ang mga pekeng produkto.

Kabilang sa mga natagpuan sa loob ng bodega ay mga smuggled goods tulad ng mga  replica items na brand ng Silka, Likas Papaya, Spiderman, Hello Kitty, Coach, Long Champ, Cath Kidston, Anello, Louis Vuitton, Lacoste, Red Bull, Dove, Lux, Prada, Gucci, Chanel, Cetaphil, Balenciaga, Kate Spade at Fred Perry.

Mayroon ding mga produkto ng Head & Shoulders, Pantene, Rejoice, Sony, Awei, Cars, Mickey Mouse, Frozen, Champion, DKNY, Marc Jacobs, Bench, Starbucks, Yves Saint Laurent, Max Man, Viagra, Cialis, Tory Burch, Tommy Hilfiger, Nike, Hollister, at maraming iba pa.

Ang mga produkto ay ipapasuri upang matiyak ang authenticity ng mga ito.

Base sa Customs Modernization and Tariff Act at Intellectual Pro­perty Code of the Philippines, ipinagbabawal ang importasyon ng pekeng produkto. (Joel Amongo)

Please follow and like us:
Read More

GAGAMITIN SA CASINO? P6-B CASH IDINAAN SA NAIA

(NI ABBY MENDOZA)

IBINUNYAG ni ACT CIS Rep. Eric Yap na may P6 bilyong cash ang pumasok sa bansa mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagitan lamang ng buwan ng Seyembre hanggang Oktubre na nanggaling sa Hongkong at Singapore.

Ayon kay Yap, male-maleta nang dumating ang mga pera na ang may bitbit ay mga Pinoy base na rin sa kanilang mga pasaporte, nang tanungin ay gagamitin umano ito sa casino.

Sinabi ni Yap na walang batas na nagbabawal magpasok ng malaking halaga sa bansa basta lamang ideklara ito.

Nangangamba ang mambabatas na ang loopholes na ito ay samantalahin ng ilang grupo at dahil hindi namomonitor kung saan dinadala ang malaking pera na pumapasok sa bansa ay maaaring gamitin ito para pondohan ang destabilisasyon at terorismo.

Ani Yap, hindi sya naniniwala na sa casino gagamitin ang malaking cash na dumating sa bansa dahil mayroon namang patakaran ang mga casino companies na junket operation kung saan ang mga players na may dalang pera ay kanilang sinerbisyuhan at hindi na kailangang magdala ng male-maletang cash sa airport.

Sa pag-iimbestiga ni Yap, lumilitaw na mga dummy o mule lamang ang mga Pinoy na may dala ng pera, sa 6 hanggang 8 pagkakataon na nagpasok ito ng malaking halaga sa NAIA sa loob ng 2 buwan ay nabatid na magkakaiba ang pangalan ng mga ito subalit iisa lamang ang apelyido.

“Ang tanong ay para kanino yung pera, dahil siguradong hindi ito dun sa mga Filipino na may dala ng cash dahil unang una ay bakit nasa economy class lang sila sumakay. Kung negosyante ito o may ari ng pera bakit hindi bank to bank transactions, bakit bibitbitin sa airport na may posibilidad na manakaw o mawala,” paliwanag ni Yap kung saan naniniwala ito na may piniling bitbitin ang pera at hindi idaan sa bangko para walang paper trail.

Nilinaw ni Yap na hindi siya tutol sa pagpasok ng malalaking halaga ng pera sa bansa dahil makatutulong ito sa ekonomiya ng bansa dahil maaaring gagamitin ang pera sa negosyo o pagbili ng mga properties subalit ang kanya umanong ikinababahala ay maaaring dahil sa maluwag ang batas at hindi namomonitor ang ganitong pagpasok ng bilyon-bilyong halaga ng pera ay maaaring magamit ito sa iba gaya na lang sa terorismo.

“Kapag nai-declare kasi sa airport yung dalang pera wala na, hindi na natin alam kung saan ito napunta, saan gagastusin at kung ano ba ang background ng may dala nito, ito yung loopholes ng batas na ating sosolusyunan,” pahayag ni Yap na nakatakdang maghain ng panukalang batas sa Kamara na naglalayong busisiin pa ng Bureau of Customs(BoC) ang ganitong pagpasok ng malalaking halaga sa bansa at hindi limitahan lamang sa pagdedeklara na may dalang cash.

Aminado si Yap na matagal pa bago maipasa ang batas para dito kaya naman habang wala pang batas ukol dito ay inirekomenda niya sa BoC na magkaroon ng guidelines para mamonitor ang ganitong mga kaso.

Nais din ni Yap na makipag ugnayan ang BoC sa kanilang mga counterpart partikular sa mga bansa kung saan nanggaling ang malaking halaga upang mavalidate ang pinagmulan ng pera.

Hiniling din ng mambabatas sa BoC na magsumite ng report kung ilang pagkakataon na nangyari ang ganitong pagpasok ng pera ngayong taon at gaano ito kadalas na mangyari.

Please follow and like us:
Read More

BOC: KOMUNIKASYON, SAGOT SA MAGANDANG SERBISYO

Dialogue with BOC stakeholders

LAYON na maging malinaw sa lahat ang mga panuntunan at regulasyon ng kanilang tanggapan, nagsagawa ng dayalogo sa stakeholders,  importer at customs broker ang Bureau of Customs noong nakaraang buwan sa Cagayan de Oro, Cebu at Maynila.

Maliban sa panuntunan at proseso, tinalakay din sa pag-uusap ang National Value Verification System (NVVS) , Customs Accreditation at Accounts Management Office (AMO) kasabay ng pagbanggit sa BOC mo­dernization projects tulad ng Parcel and Balikbayan Box Tracking System.

Sa Port of Cagayan de Oro, dumalo ang animnapung (60) importers at customs brokers na nakikipag-transaksyon sa Ports of Surigao, Zamboanga, Davao at Cagayan de Oro.

Apatnapung (40) importers at customs brokers naman mula sa Port of Cebu, Port of Tacloban at Port of Iloilo ang dumalo sa dayalogo sa Cebu.

Habang iba’t ibang stakeholders mula sa iba’t ibang bahagi ng Maynila at mga kalapit na lalawigan ang dumalo sa dayalogo sa Maynila at nakiisa rin ang iba’t ibang kompanya at organisasyon.     (JO CALIM)

Please follow and like us:
Read More

IBA’T IBANG KARNE NASABAT NG BOC SA NAIA

BOC VS CONTAMINATED MEAT PRODUCTS

(NI ROSE PULGAR)

NASA 54 kilos na iba’t ibang uri ng karne ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa mga pasaherong galing sa ibang bansa na magkasunod na dumating Martes ng hapon at Miyerkoles ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City.

Kabilang sa mga nakumpiska ng BOC at Bureau of Animal Industry ang 18.5 kgs chicken meat 19 kgs pork meat, 12.5 kgs duck meat, 4 kgs beef meat.

Lumalabas sa report, naunang nakumpiska ng mga awtoridad ang mga iba’t ibang uri ng karne dakong alas-4:00 ng Martes at sumunod ng alas-8:00 Miyerkolesng umaga.

Sa ulat, ang mga naturang meat product ay galing sa Xiamen, Guang zhu, Malaysia, Narita Japan, at Jingjang,

Agad naman nai-turn over ng awtoridad ang mga naturang meat product sa Bureau of Quarantine ng BAI sa NAIA para sa disposal ng mga nasabing produkto.

Ayon kay NAIA BAI Quarantine Service Dr. Reynaldo Quilang, patuloy pa rin ang kanilang pagkumpiska sa mga karneng galing sa ibang bansa kung saan naunang napaulat na nanggaling ang sakit ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi pa ni Quilang na hindi lamang sila naka focus sa meat product, maging sa mga footbath na dinadaanan ng mga pasahero pagbaba ng eroplano ay mini-maintain din nilang mag spray ng gamot upang mapuksa ang anumang uri ng virus na posebling dala ng mga pasahero galing sa mga bansang apektado ng ASF.

Please follow and like us:
Read More

INSPECTION VS MV GLOBAL LEGEND IPINATUPAD

INSPECTION VS MV GLOBAL-2

NAGSAGAWA ng ha­zardous inspection ang inter-agency composite team, sa pangunguna ng Bureau of Customs sa Port of Limay, sa MV Global Legend sa Mariveles, Bataan noong Oktubre 24, 2019.

Ang MV Global Le­gend na may bandera ng Malta, ay naglalaman ng 43.450MT ng Indonesian Steam Coal mula sa Samrinda, East Kalimantan, Indonesia.

Ang nasabing operas­yon ay parte umano ng “INTERPOL Operation 30 Days at Sea Philippines 2.0”.

Ang operasyon na binubuo ng inter-agency law enforcement operation ay nakasentro sa tatlong main operation targets na kinabi­bilangan ng (1) Pollution from Vessels and Offshore Installations; (2) Land-based and River Pollution Impacting the Marine Environment; at (3) Waste trafficking through Ports.

Kabilang sa bumubuo ng inter-agency law enforcement ay ang Philip­pine National Police (PNP-Maritime), Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Coast Guard (PCG), Port State Control, National Bureau of Investigation (NBI), ang BOC Enforcement and Security Service-Customs Police Division (ESS-CPD), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Piers Inspection Division (PID) na nakiisa sa operasyon.

May kinatawan din mula sa Anda Power Corporation (importer/consignee) at World Mariner Phils. (ship’s agent) na kasama rin sa operasyon. Sa inisyal na operas­yon, ang mission order ay para sa inspeksiyon sa “master of the Maltese vessel, Captain Bubit Dzivat”.

Ang nasabing order ay pinatupad ng mga miyembro ng BOC kasama ng Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Quarantine (BOQ).

Sa agarang inspek­syon na isinagawa, wala namang nakitang paglabag ang “MV Global Le­gend” at wala ring nakitang dalang anumang hazardous o toxic waste materials.

Ang BOC ang nagsilbing lead agency laban sa mga shipment ng ha­zardous waste sa bansa.

Bilang parte ng pangakong pagsisilbi, ang Bureau ay nananati­ling nakikipag-ugnayan sa local at international enforcement agencies para matiyak na ang border security ay naipatutupad nang maayos. (Jo Calim)

Please follow and like us:
Read More

INTELLIGENCE NETWORK PINALAKAS NG BOC

BRAVO

SUNUD-SUNOD ang na­ging accomplishments ng Bureau of Customs sa iba’t ibang panig ng bansa bunga ng pinalakas na intelligence network ng ahensiya.

Bago maupo si Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa Customs, sirang-sira ang pangalan ng ahensiya dahil sa mantsang iniwan ng kanyang pinalitan kaya naman nang maupo ito bilang hepe ay kanyang hinikayat ang  mga tauhan nito na sumama at makiisa sa kanyang paglilinis ng ahensiya o lumayas kung hindi kayang gampanan ang tungkulin na nakaatang sa kanila.

Kaya naman, mabilis ang pagbabagong naganap sa iba’t ibang tanggapan ng BOC at ang mga pangyayari ay pawang para sa kabutihan ng ahensiya at pamahalaan.

Noong Martes, isa na namang matagumpay na operasyon ang nagawa ng mga tauhan ng BOC sa pakikipagtulungan ng Zamboanga Police Office nang masabat ang P4.2 milyong halaga ng puslit na sigarilyo.

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng awtoridad ang 143 kahon at 40 pakete ng Bravo Red Cigarettes mula sa isang Malaysian Pa­nel Truck sa Urban Poor Drive, Tugbu­ngan, Zamboanga City.

Inaresto ng mga pulis na kasama ng BOC ang driver at mga tauhan na nasa loob ng truck at ipinagharap ng mga kasong paglabag sa Executive Order No. 425 na kilala bilang “Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Tobacco and Tobacco Products at Republic Act RA 10863 na kilala sa tawag na “Customs Modernization and Tariff Act of 2016.

Maging ang trak at mga sigarilyong itinuturing na kontrabando ay kinum­piska upang maimbentaryo at ma­lagak sa tamang disposisyon.

Nabatid mula sa source na may nagtimbre sa BOC kaugnay sa mga puslit na kontrabando kung kaya’t nakipag-ugnayan sila sa Philip­pine National Police.

Naunang sinabi naman ni Port of Zamboanga District Collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., na kaugnay nang pagpapalakas ng intelligence network, pinaigting na rin ng BOC ang anti-smuggling operations bilang bahagi ng pagtupad sa mahigpit na kautusan ni Commissioner Guerrero.

Malaki ang paniwala ng mga opisyal ng BOC, kasama si Barte, na tama ang mga hakbang ni Guerrero na mas palakasin pa ang kanilang ahensiya ukol  sa buwis na dapat pumasok sa kaban ng bayan kaugnay sa import and export activities.

Ang pagkakahuli sa smuggled cigarettes ay isa lang sa maliliit na hakbang ng ahensiya upang muling bumango ang pangalan nito at muling mabalik ang respeto ng mga tao.

Maipapalagay na isang magandang layunin ng BOC sa paghihigpit na makalusot ang smuggled cigarettes at maprotektahan ang publiko sa posibleng panganib na maidudulot nito.

Nabatid na ang karagatan ng Zamboanga ang paboritong daungan ng mga sasakyang pandagat na naglalaman ng smuggled goods mula sa mga kalapit na bansa sa Asia. (JOEL O. AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

UGNAYAN NG BOC PORT OF CEBU, STAKEHOLDERS PINALALAKAS

PORT OF CEBU-2

Upang lalo pang mapataas ang koleksyon ng Bureau of Customs Port of Cebu, pinalakas ng pamunuan nito ang ugnayan sa stakeholders sa Visayas.

Isang diyalogo ang isinagawa noong Oktubre 29 sa Cebu City na kung saan dinaIuhan ito ng 40 importers at customs brokers na nakikipag-transact sa Port of Cebu, Port of Tacloban at Port of Iloilo.

Partikular na tinalakay sa nasabing okasyon ay ang ‘parcel tracking system, accreditation system and the National Value Verification System’  na ipinaliwanag ni Atty. Jenny Diokno ng Container Control Unit, Lysander G. Baviera ng Account Management Office at Atty. Christopher Inducil ng Import and Assessment Service.

Sa diyalogo, nilinaw ang  regulasyon at proseso upang sa gayon magiging maayos ang ugnayan ng Bureau at kanilang stakeholders.

“Remember, that what we at Customs are mandated to do- maintain ba­lance of trade facilitation and security- is so that you, in the business of international trade, have a fair and safe economic ground to do business. So let this dialogue be a conversation of partners. Contributing partners for improved trade facilitation. Contributing partners for customs reforms mobilization”, paliwanag ni   District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa kanyang opening remarks. (Boy Anacta)

Please follow and like us:
Read More

53 KILOS NG PINATUYONG SEAHORSES NASABAT NG BOC

PINATUYONG SEAHORSES

(Ni Joel O. Amongo)

NASABAT ng pinagsanib na mga elemento ng pamahalaan ang 53 kilos ng pinatuyong seahorses mula sa tatlong Chinese nationals sa Terminal 2 ng Mactan Cebu International Airport kamakailan.

Batay sa report, nasabat ang kargamento noong Oktubre 8 ng mga kawani ng Bureau of Customs kasama ang  mga kawani ng   Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Transnational Aviation Support Services, Inc. (TASSI) and Counter-Terrorist Unit (CTU) na palipad na sana papuntang Macau.

Alinsunod na rin ito sa isinagawang physical ­examination sa pangunguna ni Divina Arreglo, acting Customs Examiner, Passenger Service, kasama sina  Ferdinand Laraga, ng Customs Intelligence and Investigation Service; Enrico Tamayo, Enforcement and Security Service, kinatawan mula sa TASSI at CTU at Alexander Montuya, Fishery Quarantine Officer, BFAR.

Ang dried seahorses ay kinumpiska dahil sa paglabag sa  Republic Act No. 8550 (The Philippine Fisheries Code of 1998), Fisheries Administrative Order (FAO) No. 233 and Republic Act No. 10654 (An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing).

Pansamantalang nasa kustodiya ng awtoridad partikular sa BFAR Region VII ang dried seahorses ma­ging ang tatlong naarestong Chinese.

Please follow and like us:
Read More