CANVASSING INIHINTO PANSAMANTALA NG COMELEC

comelec

(NI HARVEY PEREZ) PANSAMANTALANG inihinto ng Commission on Elections (Comelec) chair Sheriff Abas ang canvassing of votes para sa ikalawang round ng plebisito matapos mabatid na hindi pa nakararating sa Central Office ng Comelec sa Intramuros, Maynila ang mga certificates of canvass (COC) mula sa mga lugar na sakop ng plebesito sa Lanao del Norte at North Cotabato. Kasabay nito, itinakda na  ni Abas ang pagpapatuloy ng canvassing ng mga boto sa Pebrero 11, dakong alas2 ng hapon. Una nang niratipikahan noong Enero 21  ang Bangsamoro Organic Law (BOL) matapos…

Read More

SABOTAHE SA PLEBISCITE NAPIGILAN

lanao6

(NI JG TUMBADO) ITINUTURING ng awtoridad na matagumpay ang ikalawa at huling plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa Maguindanao sa kabila ng kaliwat kanang tensyon at kaguluhan na bumalot sa lugar. Bago simulan ang pagbubukas ng mga presinto, ilang lugar ay tatlong magkakasunod na pagsabog ang yumanig nitong araw ng Martes sa ilang bayan ng Lanao del Norte. Batay sa impomasyon mula sa Joint Task Force (JTF) Plebisito, unang naitala ang pagsabog sa likod ng municipal hall ng Kauswagan bandang alas-4:50 ng hapon. Sumunod ang ikalawang pagsabog…

Read More

500 PULIS IKAKALAT SA N. COTABATO BOL PLEBISCITE

army

(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Abot sa 582 na mga pulis ang ipakakalat sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law o BOL sa pitong mga munisipyo sa lalawigan ng North Cotabato. Ayon kay Regional Director P/Chief Supt Eliseo Tam Rasco simula pa Lunes ng umaga hanggang sa Pebrero-8 mananatili ang mga pulis para tiyakin ang seguridad sa plebesito. Ang mga pulis ay mula sa iba’t ibang hanay ng PRO 12 Regional Headquarter (PCO-3, PNCO-117), Regional Mobile Force Battalion (RMFB at ng PCO-6, PNCO-114), City/Provincial Mobile Force Company (PCO-6, PNCO-114), alert…

Read More

AFP, PNP NAKAALERTO SA 2ND BOL PLEBISCITE

bol500

(NI JESSE KABEL/PHOTO BY KIER CRUZ) KASUNOD ng malagim na pagpapasabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng may 20 katao at malubhang ikinasugat nang  111 iba pa nitong Linggo ay inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) magsasagawa sila ng “extra precautionary measures” para ma-secure ang nakatakdang ikalawang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa Pebrero 6. Ito ang inihayag ni AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato kahapon nang tanungin ito kung may mga pagbabago pa sa inilatag nilang security blanket para sa gaganaping suffrage exercise kasunod ng…

Read More

SULU UMAYAW SA BOL

bol

COTABATO City – Makaraang tanggihan ng mga residente ng Sulu ang ratipikasyon sa Bangsamoro Organic Law (BOL), sinabi ni dating Sulu governor Abdusakur Tan na nais nilang maging bahagi ng Zamboanga Peninsula (Region 9) at ihiwalay sa bagong Bangsamoro government. Ang Sulu ang tanging lalawigan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na bomoto laban sa ratipikasyon ng BOL, sa No vote na nakapagtala ng kabuuang163,526 laban sa 137,631 Yes votes. “We want to opt out of the ARMM and to belong to a progressive place like Region 9,” ayon…

Read More

TENSIYON, PAGSABOG, FLYING VOTERS

bol200

(NI JG TUMBADO) BINALOT ng kaguluhan ang ilang lugar sa Mindanao partikular sa Cotabato City at Maguindanao kaugnay sa ginanap na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL na nagsimula kaninang umaga. Bago ang botohan, ginulantang ng dalawang malakas na pagsabog ang residente sa Barangay Mother Rosary Heights sa Cotabato City alas 9 ng gabi ng linggo. Batay sa report na ipinarating kay Chief Supt. Graciano Mijares, Regional Director ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM), pinasabugan umano ng granada nang dalawang lalaking sakay sa isang motorsiklo…

Read More

PLEBESITO SA BOL KASADO NA

bol1

(NI CARL REFORMADO) KASADO ang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) at inaasahan ang aabot sa 2.8 milyong katao ang boboto para sa makasaysayang ratipikasyon ng batas para sa karapatan ng mga Muslim bukas, Lunes, Enero 21. Umabot sa mahigit sa 20,000 pulis at sundalo ang nagpapatupad ng checkpoints at liquor ban sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Cotabato City, Isabela City at Basilan na pagdarausan ng plebesito. “Let the people vote… Ang ipakita dito natin iyung masiguro iyung orderly and safe na conduct of the elections,” pahayag…

Read More

SEGURIDAD SA BOL PLEBISCITE PINANGANGAMBAHAN

comelec

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na handa na sila sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21 ngunit nangangamba sa seguridad sa mga lugar na may report ng karahasan, higit umano sa Cotabato City. Nangangamba si Comelec spokesperson James Jimenez sa karahasang posibleng sumiklab lalo pa’t bago sumabing ang bagong taon ay may naganap na pagsabog sa isang mall doon. Sinasabing mga terorista ang nasa likod ng pagsabog. Sa harap nito, tiwala si Jimenes na magiging alerto ang kapulisan at sundalo na itatalaga sa lugar upang maitaboy…

Read More

PPCRV MAGBABANTAY SA BOL

pprcv

(Ni Samantha Mendoza) MAGBABANTAY ang  church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa gaganaping  plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21 sa Mindanao. Nalaman kay PPCRV vice chair for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas, binigyan na sila ng akreditasyon ng Commission on Elections (Comelec) para  sa pagbabantay ng naturang aktibidad. Ayon sa PPCRV,  kabilang sa magiging tungkulin nila ang pagsasagawa ng poll watching at pagtiyak ng kaayusan sa nakatakdang plebesito para sa ratipikasyon ng BOL. Maghahanda na umano ang PPCRV para sa pagbubuo…

Read More