LIZA, NAMI-MISS ANG PAGSASAYAW NI QUEN

Liza Soberano-Enrique Gil-2

Katulad ng ibang magkasintahan ay normal na kina Liza Soberano at Enrique Gil na magkaroon ng tampuhan. Minsan ay sobrang babaw lamang umano ang dahilan nang hindi pagkakaunawaan ng dalawa ayon sa aktres. “I think the pettiest fight we had was me forcing him to do ASAP (Natin ‘To). Because of course Enrique is so busy and he’s tired, he doesn’t have time to rehearse. But sometimes nami-miss ko siyang makitang sumasayaw,” nakangiting kwento ni Liza.

Para sa aktres ay na kay Enrique na ang lahat ng mga katangian na kanyang hinahanap sa isang lalaki. Limang taon nang magkasintahan ngayon sina Liza at Enrique at napag-uusapan na rin paminsan-minsan ang tungkol sa kasal. “I’m proud that he’s very family-oriented. He’s a very good son to his mother, and a good brother to his siblings. And I’m proud that he works hard no matter how tired he gets,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, napapanood tuwing gabi sa ABS-CBN ang teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza at Enrique. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin daw ng aktres na makagawa ng isang international film na posibleng maipalabas sa ibang bansa at maging sa buong mundo. “Now siguro if I would be given an opportunity to do a film, anything basta foreign. It could be in Korea, it could be in Japan, it could be in America, anything foreign to the Philippines. Just because I want to see how people work. I want to see the difference between filming in the Philippines with Filipino production, and filming with foreign production,” paliwanag ng aktres.

With reports from J.C.C.    (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

MELAI: ‘HINDI NAMAN SA MUKHA TAYONG PERA… PARA MABUHAY ‘YUNG PAMILYA MO!’

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsimula na ng negosyo si Melai Cantiveros. Bilang brand ambassador ay mayroon na ring tatlong sangay ng Adobo Connection. Ngayon ay nangangarap si Melai na madagdagan pa ang branch ng kanyang bagong binuksang negosyo. “Siyempre mas maganda mas madami pa rin di ba? Hindi naman sa mukha tayong pera pero alam n’yo ‘yon, para mabuhay mo ‘yung pamilya mo. Ang pag-aartista naman hindi naman kasi siya forever. Kumbaga kailangang may fallback ka talaga, mayroon ka talagang babalikan ba kapag wala na ang pag-aartista. Open kasi ako na, pagkatapos na ng chance mo, tapos na ‘yung kasikatan mo, iba naman. So dapat bilang momshie, mayroon kang fallback,” paliwanag ni Melai.

Napili umano ng aktres ang pagkakaroon ng pagkaing negosyo dahil alam niyang papatok ito sa panlasa ng mga Pinoy. “Kasi kapag nagnenegosyo ka talaga, doon ka dapat sa patok. Saka alam naman natin na kapag food ang papasukin mong negosyo, very mabilis ang kita ng pera. Iba din kasi ang relasyon na binibigay ng Adobo Connection family sa mga franchisee. Alam mo ‘yung panatag ka, hindi ka magwo-worry sa pinasok mo, tutulungan ka talaga nila,” pagbabahagi ng komedyana.

Napapanood tuwing umaga si Melai bilang isa sa mga Momshie host ng Magandang Buhay sa ABS-CBN.

With reports from J.C.C. (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

JULIA: ‘PINAG-WORKOUT TALAGA AKO NI DIREK MIK!’

Sa January 29 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang aktres ng isang action-horror film na talagang maipagmamalaki raw ni Julia. “Ang daming best part sa film but one of them siguro is being able to work with direk Mikhail (Red). It’s actually Joshua who introduced me to direk Mik and he always said good things about him and told me good things about his work. When they called us for pitching for the zombie film. I couldn’t be more excited kasi first off, it’s an action film. Second, because it’s the first large scale zombie movie in the Philippines and third, because I get to work with all these amazing actors that have become my really good friends. There’s so many good things about doing this movie,” pagbabahagi ni Julia.

Para sa aktres ay talagang magandang karanasan ang paggawa ng isang action-horror movie lalo na sa mga babaeng katulad niya. Para kay Julia ay kakaiba rin ang proseso ni direk Mikhail Red sa paggawa ng isang pelikula. “There was a lot of running, a lot of screaming, a lot of fighting, a lot of stunts so everybody was challenged. It’s an action film. Matagal ko nang pinangarap ‘yung gano’ng klaseng eksena. We shot that whole scene from morning until midnight. I think I can speak for all the girls when I say we all have that Angelina Jolie moment na pinapangarap na magawang eksena. So it was fulfilling and I had the support of everybody in the film, so nakaka-encourage siya. Pinag-workout talaga ako ni direk Mik,” nakangiting pahayag ng dalaga.

With reports from J.C.C.

Read More

YAM: ‘MAY NANGYARING NAPAKASAKIT SA BUHAY KO!’

YAM CONCEPCION

Ipalalabas na sa mga sinehan simula January 22 ang pelikulang ‘Night Shift’ na pinagbibidahan ni Yam Concepcion. Masayang-masaya ang aktres dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapagbida sa naturang horror film na ginawa ni Yam Laranas. “Ngayon ko lang nalaman na ako ‘yung first and only choice, so wow! Thank you so much because I’ve always been a fan of Direk Yam’s work. Of course he is known for his beautiful cinematography, ‘yung story telling niya, ang galing talaga. May mga friends ako na super fan ng movie niyang ‘Sigaw’ and actually I was still taping ‘Halik’ at that time when Direk Yam messaged me asking me if I was open to do a film with him. Tapos ito ‘yung selling point ni Direk Yam, sabi niya, ‘It’s a contained cerebral horror happening in one night and in one place, a morgue,” nakangiting kwento ni Yam.

Mas nakilala ang sexy actress dahil sa teleseryeng Halik. Ayon kay Yam ay ibang-iba ang kanyang karakter sa bagong pelikula kumpara sa kanyang mga nagawa na noon lalo na’t ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ng horror movie ang dalaga. “Sobrang ibang-iba siya eh. When I found out na gagawa ako ng horror film kay Direk Yam, sabi ko sa kanya, ‘Direk, paano kaya, I’ve never done a horror film before, so paano ito? Sabi niya sa akin, ‘Don’t treat it as a horror film, treat it as any other movie or project,’ na nagawa ko na before. So ‘yon, I treated it as that. A new project, a new character,” paglalahad niya.

Habang ginagawa ni Yam ang bagong pelikula ay nagkataon naman na namatay ang kanyang tiyuhin. Dahil sa pangyayaring ito at mayroong mga bagay na natutunan ang aktres sa buhay. “May nangyaring napakasakit sa buhay ko. My uncle passed away, masakit sa puso ko no’ng time na ‘yon. And during that time, do’n ko na-realize na ‘yung fear ko is not really death per se but not being able to communicate your love to people that you care about tapos bigla na lang siyang nawala, ‘yon ‘yung fear ko. And of course, we all know that of course, the fear of death is universal concept, lahat tayo (papunta roon),” pagbabahagi ng aktres.

With reports from J.C.C.    (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

LIZA: ‘I’M NOT GOING TO RUIN SOMEONE’S LIFE!’

Kamakailan ay napabalitang nagdadalang-tao na diumano si Liza Soberano dahil ilang linggong nanatili sa Amerika noong isang taon. Matatandaang nagpaopera ng kanyang daliri ang aktres sa US dahil sa tinamo nitong disgrasya habang ginagawa ang teleseryeng Bagani. Nabalitaan naman ni Liza ang malisyosong isyung ito tungkol sa kanya. “I wasn’t bothered by other people’s speculation. I expected I’m going to think, oh because they’re gone for so long. I was more upset with the person who came up with that like a whole video and everything because they didn’t even bother to ask my manager (Ogie Diaz) who was here the whole time or to even ask me first. Parang they were putting out a blind item but they made it so obvious that they were talking about me and I was actually in surgery when the video came out,” pagbabahagi ni Liza.

Ikinagalit ng mga tagahanga ng aktres ang tungkol sa pagbubuntis diumano ng kanilang idolo. Hinikayat din ng fans si Liza na idemanda ang isang blogger na nagpakalat ng malisyosong balita. “I’m not going to ruin someone’s life just because they decided to make a silly rumor about me. I said I think it’s bad enough for him already that he got a taste of his own medicine and everyone got mad at him,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Maging ang kasintahang si Enrique Gil ay umalma rin dahil na malisyosong balitang ipinagkalat ng blogger tungkol kay Liza. “I think it’s just a lesson that just because there’s social media doesn’t mean that you can just have the license to do with everyone. You have to be careful with what you put out there,” giit ni Enrique.

With reports from J.C.C.   (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

YAM, AYAW NANG BALIKAN ANG PAGPAPASEKSI SA PELIKULA

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ni Yam Concepcion ngayong 2020. Bukod sa teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim ay magbibida rin ang aktres sa horror film na Night Shift na ipalalabas naman sa mga sinehan sa January 22. Malaki ang pasasalamat ni Yam dahil maganda ang naging pasok sa kanya ng bagong taon. “Ang hirap kasi maging choosy. Wala pa ako doon sa level na ‘yon para mamili ako ng mga roles. Sa akin lang, basta maganda at interesado ako at tingin ko mabibigay ko ang one hundred percent ko, then tatanggapin ko,” nakangiting pahayag ni Yam.

 Matatandaan na sa pagpapaseksi nagsimula noon ang aktres sa ilang mga pelikulang nagawa. Ayon kay Yam ay hindi na niya gagawing muli ang mga maseselan na eksenang mga nagawa niya noon. Sa halip ay gusto na lamang daw patunayan ng dalaga na isa siyang magaling na aktres sa telebisyon at maging sa pelikula. “Everything happens for a reason. Sa mga projects ko ngayon siguro nagbigay daan sa akin ‘yung mga ‘yon kung nasaan na ako ngayon. Learning experience na lang siya. Tapos na ako doon, nagsimula ako doon at hindi ko ikinakahiya ‘yon. I’ve done a sexy-drama before and I’m done with it. Kasi noong time na ‘yon nagsisimula pa lang ako eh. Wala akong idea kung ano ba talaga ang nangyayari sa industriyang ito. So I really don’t have an idea. Tinanggap ko ‘yung gano’ng mga projects noon kasi I trusted my management sa career path na gusto nila para sa akin. Naniniwala ako na naging mabuti ang lahat nang iyon para sa akin,” paliwanag niya.

 With reports from J.C.C. (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

POPS: ‘I WANTED THE BOYS TO GET ALONG TOGETHER!’

Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Pops Fernandez at Martin Nievera. Nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki ang dating mag-asawa, sina Robin at Ram. Labingdalawang taong gulang na rin ngayon ang anak ni Martin kay Katrina Ojeda na si Santino.

Ayon kay Pops ay nahirapan siyang tanggapin noon ang kalagayan nila ni Martin kaya umabot nang matagal na panahon bago nanumbalik ang pagiging magkaibigan ng dalawa. “Siyempre it took a long time. I don’t think I’m gonna be a normal human being if gano’n kadali. Time heals all wounds. For me kasi I’m okay, I’m doing quite well. I’m blessed with my two boys. Parang nawala na talaga ‘yung galit ko. Another factor is when I saw Santino, he’s such a sweet kid. It broke my heart and then I think it totally changed ‘yung pananaw ko talaga. So I said, everything has to be okay. And it is,” pagdedetalye ni Pops.

Kamakailan ay nagkaroon ng pagkakataon ang Concert Queen at dalawang anak na makasama sina Martin, Katrina at Santino upang ipagdiwang ang Kapaskuhan. “I’m happy to say that for the very first time, our Christmas, not quite normal yet, but somehow we made it normal, we made it work. I wanted the boys to get along together. And I think we had a great time,” pagbabahagi ni Pops.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Martin sa dating asawa dahil sa buong-puso nitong pagtanggap kina Katrina at Santino.  “It’s the whole modern family concept, it was magic. It was Christmas, that’s what Christmas is all about, miracles and magic. And of course all the credit goes to Pops because if she doesn’t allow it, it’s a whole different ball game,” makahulugang pahayag ni Martin.

Pinuri rin ng Concert King si Pops dahil maayos ang naging pagpapalaki nito sa kanilang dalawang anak mula noong magkahiwalay sila. “Credits to Pops, you never spoke badly of me, ‘Your father is a jerk,’ ‘All men are alike,’ you never put me in those words. I know you didn’t because I can see it in my children. They never lost respect of me,” pagtatapos ni Martin.

Muling magkakasama sina Pops at Martin sa ‘Two-gether Again’ concert na gaganapin sa February 14, 15, 17 hanggang 21 sa Solaire Theater.

With reports from J.C.C.

 

Read More

DOMINIC: ‘WE ALMOST SEPARATED…WE ARE NOT PERFECT!’

Noong nakaraang taon ay muntikan nang magkahiwalay sina Dominic Ochoa at ang make-up artist na si Denise Go. Nagkaroon umano nang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa kaya nakaranas nang matinding pagsubok ang kanilang relasyon. “I ran for the office and after that we almost separated because of miscommunication which is nangyayari. Akala natin okay tayo but right there and then, noong last rally namin doon kami nag-away, doon kami naghiwalay, parang boom! Tapos hindi ka pa nanalo, parang mabigat. Pero at the end of the day, it’s all communication. Kailangan maganda ang komunikasyon n’yo. Kailangang iparating mo sa kanya kahit ano ang nasa isip mo. Kasi akala ko ay okay sa kanya na tumakbo ako, okay sa kanya na ganito, hindi pala. So you really need to talk about it, every single thing,” pagbabahagi ni Dominic. Matatandaang tumakbo ang aktor bilang konsehal sa Parañaque pero hindi pinalad na manalo.

Mahigit labing-isang taon nang kasal ang mag-asawa pero nitong nakaraang taon lamang nagkaroon nang matinding away. Ayon kay Dominic ay hindi naman niya hinayaang masira ang sariling pamilya kaya agad na nakipag-ayos sa asawa. “Medyo tagilid noong una pero noong latter part, one has to give in. Hindi ko rin naman kasalanan. Hindi rin naman niya kasalanan. I don’t want to point out kung sino ang may kasalanan dito, kung sino ang may pagkukulang. At the end of the day I feel that I need to do something as padre de pamilya para sa anak ko. Not for my wife but for the family. Mayroon tayong sinumpaan, we have to work things out. So slowly, natutuwa ako ngayon dahil kahit ang dami naming trabaho, mayroon na kaming oras. I see it from her also that she’s trying to find ways to be with the son, to be with me, which is not her. Hindi siya ganoon dati, hindi rin ako ganoon dati. So nakikita namin ‘yung differences without telling na, o hindi na kailangang mag-away kami. So ‘yung effort sa isa’t isa na hindi na kailangang sabihin but bago mangyari ‘yon komunikasyon ang importante. We have to talk about things talaga. huwag mong ipagpabukas. We are not perfect, no one is perfect,” paliwanag ng aktor.

With reports from J.C.C. (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

LIZA: ‘I WANT TO EXPERIENCE SOLO TRAVELLING!’

LIZA SOBERANO-6

Sa Lunes ay magsisimula na ang teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Maraming mga eksena ang kinunan pa sa bansang Croatia dahil kailangan ito sa istorya ng naturang proyekto. “It was really fun shooting there but there were some struggles too. Of course in Croatia they speak Croatian. So there’s really a language barrier but everything went smoother that I actually expected it to be. I already saw some of the clips and it’s all really beautiful and scenic,”  nakangiting bungad ni Liza.

Maraming mga bayan pa sa Croatia ang napuntahan ng aktres para taping nila roon. Sobrang na-enjoy daw ni Liza ang mga panahong nagtatrabaho sila sa nasa-bing bansa. “We went to Orebic which is kind of like a province in Croatia. It’s more chill and laidback, wala masyadong nangyayari. As in when you walk there wala ka masyadong makikitang tao sa kalsada. Then we went to Split, I’m not sure but I think it’s more like their party scene in Croatia. Dubrovnik is like the more cultural historic places. That’s where they shot Game of Thrones, the city of walls. So it’s so beautiful there. When you see it, it’s things that you see on the internet or in movies and you can’t believe that it’s real. But when you see it parang it’s also a haunting feeling because so much has happened in that place kaya sobrang ganda,” pagde-detalye ng dalaga.

Ayon kay Liza ay kailangan talagang pakaabangan ng mga manonood ang kanilang bagong serye ng kasintahan dahil talagang maganda ang bawat eksenang matu-tunghayan dito. “Considering the fact that there were only nine people on the Phil-ippine team that went there. Kasi it’s really expensive there. When we were in Du-brovnik, grabe, every move you make may babayaran ‘yung production. So it was really expensive but really worth it. Kasi lahat ng shots sobrang ganda,” pagbaba-hagi ng aktres.

Kung magkakaroon ng pagkakataon ay gusto raw muling makapagbakasyon ng dalaga sa ibang bansa nang mag-isa. “Actually I want to experience solo travelling again but I haven’t planned it,” pagtatapos ni Liza.

-Reports from JCC-    (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More