CONVICTED CRIMINALS SA AMPATUAN MASSACRE PINALILIPAT NA SA BILIBID

bucor55
0

(NI ABBY MENDOZA)

NAIS ng grupong Bayan Muna na agad ilipat sa New Bilibid Prison ang mga miyebro ng angkang Ampatuan na nahatulang guilty sa Maguindanao massacre.

Ayon kay Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate dapat na ibiyahe agad ang mga Ampatuan sa NBP at tiyaking walang special treatment na ibibigay sa mga ito.

“At long last after 10 years, justice is finally catching up with the culprits behind the most barbaric attack against journalists in world history.These convicts must immediately be transferred and put behind bars in the national penitentiary without any conditions and reservations. Those who are still at large must be hunted down, arrested and suffer the consequences of their barbaric deeds,”pahayag ni Zarate.

Samantala hinamon naman ni ACT-CIS Rep Niña Taduran ang awtoridad na arestuhin ang mga nakalalaya pang suspek sa Maguindanao massacre case.

Nasa 50 sa mga suspek ay mga pulis at sundalo na nagsisilbing security personnel ng mga Ampatuan habang ang 14 pa ay mga kaanak pa ng mga ito.

“The Philippine National Police should exhaust all means to bring these 80 suspects to justice. Hindi pa tapos ang laban para makamit natin ang kumpletong hustisya para sa mga biktima at kanilang mga pamilya.These 80 suspects are still threats to the surviving victims and their families as well as the witnesses,” giit ni Taduran.

 

Read More

300 JAIL OFFICER TINANGGAL SA BUCOR

bucor55
0

(NI ROSE PULGAR)

NASA 300 na mga jail officer ng Bureau of Correction (BuCor) ang pinalitan ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa New Bilibid Prisons (NBP) bilang hakbang para maitigil umano ang iregularidad sa bilangguan.

Sinabi ni BuCor spokesperson Wena Fe Dagan na 552 tauhan buhat sa NCRPO ang papalit sa mga tauhan ng BuCor na ipinatupad kahapon ang relief order laban sa kanila.

Isinasailalim rin sa imbestigasyon ang mga na-relieve na tauhan ng BuCor sa posibleng kaugnayan nila sa operasyon ng iligal na droga at iba pang anomalya sa Bilibid.

Bahagi ang pagtanggal sa 300 tauhan ng BuCor sa pinaiiral nilang ‘internal cleansing’ kasunod ng pumutok na kontrobersiya ukol sa samu’t saring ‘special treatment’ sa mga may perang bilanggo at patuloy na pag-ooperate ng mga drug lords kahit na nakakulong.

Nabatid na mga nakatalaga sa ‘maximum security compound’ ang mga jailguards na tinanggal habang isusunod rin ang paglilinis sa medium at minimum security compounds.

Ito rin ang napagkasunduan nina NCRPO Director Police Maj Gen Guillermo Eleazar at BuCor Director General Gerald Bantag sa pagpupulong nila ngayong Biyernes. Nakatakdang sumailalim naman sa pagsasanay at ‘refresher’ ang mga tauhan ng NCRPO sa mga polisiya at tungkulin sa NBP habang mahigpit ang bilin ni Eleazar na labanan ang lahat ng uri ng katiwalian sa kulungan.

Read More

P360M MEAL ALLOWANCE NG MGA PRESO KINUKUPIT SA BUCOR

0

(NI NOEL ABUEL)

NAGBANTA si Senador Panfilo Lacson na babawasan nito ang pondo ng New Bilibid Prison (NBP) bunsod ng natuklasang hindi ginagastos nang tama ang pondong inilaan para sa pagkain ng mga inmates sa Bureau of Corrections (Bucor).

Sa ikawalong imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa loob ng NBP at Bucor, kinuwestiyon ni Lacson kung anong pagkain ang ibinibigay sa mga preso sa inilaang P60.00 kada araw na pagkain ng mga ito.

Nabunyag din na inamin ni dating Bucor officer-in charge Rafael Ragos na nakakatanggap ang hindi nito pinangalanang NBP director ng P1M kada na suhol mula sa subsistence allowance ng mga preso.

“Hindi napupunta sa sikmura ng preso ang napakababa na P39 instead of P60, tapos kina-cut pa rin!” galit na pahayag ni Lacson.

Ngunit laking gulat ng mga senador nang aminin ng Bucor official na tanging P39.00 kada araw sa halip na P60.00 ang ginagamit sa pagpapakain sa mga inmates.

“Pag compute natin na nabawasan ng P21 kasi P39 per PDL per day lang, maka-save dapat ang gobyerno, mga P360M. Hindi ito budget hearing pero baka pwede i-amend na bawasan ng P360M. Kasi kasya pala ng P39,” sabi ni Lacson.

“Bakit papakainin mo ang preso ng P39 a day na meals, bayad na binibigay ng gobyerno ay P60, at least noong 2018, increased to P70 in 2019. Di ko ma-reconcile bigay n’yo preso P39 a day worth of meals. Saan napunta ang balance? Subsistence allowance ‘yun eh. I assume DBM would release to you the corresponding budget P60 per day per PDL. Saan napunta ang diperensya ng P21?” pag-uusisa pa ni Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na posibleng makasuhan ng technical malversation ang mga opisyales ng Bucor at NBP dahil sa pagre-realign sa P60.00 kada araw na pagkain ng mga preso.

 

Read More

P400M MODERNISASYON NG BUCOR TINATRABAHO NA  

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NANGAKO si Senate Finance Committee Chair Senador Sonny Angara na mahahanapan ng pondo ang kinakailangang P300 hanggang P400 milyon para sa modernisasyon ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ang kailangan lamang anya ay makapagsumite ang Department of Justice (DOJ) ng pag-aaral kung paano gagawin ang computerization at automation ng talaan ng mga preso.

“Yes, sana mapag-aralan na nila para 2020 ma-implement na yun kasi kailangan na talagng i-modernize,” diin ni Angara.

Isa anyang posibleng pagkunan ng pondo ay ang inilalaan dapat na budget sa Barangay at SK elections na malaki na ang posibilidad na mapo-postpone.

Kinumpirma rin ni Angara na sa ngayon ay on target pa sila sa pagpapasa ng 2020 National Budget bagama’t hinihintay pa nila ang ipinasang bersyon ng Kamara.

Kasabay nito, hindi maipangako ni Angara na mapopondohan ang ipinapanakulang pagtatayo ng mga regional jails sa gitna ng mga nadiskubreng iregularidad sa New Bilibid  Prisons (NBP).

Nasa plenaryo na ng Senado ang panukala para sa pagtatayo ng Regional Jails kung saan ililipat ang mga high profile inmates upang mabawasan ang pagsisiksikan sa NBP.

Ipinaliwanag ni Angara na ayaw nilang maulit ang pagkakatengga ng budget para sa pagtatayo ng mga Bahay Pagasa ngayong taong ito makaraan nilang hanapan ng pondo noong isang taon dahil lamang sa hindi pa rin naipapasa ang pag-amyenda sa Juvenile Justice Act.

“Alam mo again theoretically pwedeng ipasok yan kasi yan ang ginawa dun sa Juvenile Justice Law. Kaso dun sa law hindi klaro sino gagawa, so ang ginawa nagpasok tayo ng pondo kaso di naipasa ang batas yung amendment so yung pera andun nakatengga,” paliwanag ni Angara.

“Dahil nauna ang pera yung amendment to the law was not passed, so ayaw din natin mangyari yun kasi pwede natin ilagay ang pondo pero kung di naman maipasa ang batas matutulog ang pera so sayang din,”dagdag pa ng senador.

Ang maaari anya nilang gawin ay maglaan na lamang muna ng inisyal na pondo para sa pagtatayo ng regional jail facilities.

 

Read More

52 SUMUKO SA GCTA, PINALAYA NG BUCOR

bucor55
0

(NI HARVEY PEREZ)

PINALAYA ng  Bureau of Correction (BuCor) ang may 52 sa mahigit 2,000 sumuko na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay Justice Spokesperson at Usec.Markk Perete ,ito ay matapos ang pagrebisa sa kanilang mga kaso.
Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may 1,904 Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakinabang sa GCTA na magsisuko, pero matapos ang 15-araw na deadline mahigit sa 2,000 ang nagsisuko sa BuCor at Philippine National Police (PNP)  dahilan para suspendihin ang pag-aresto sa mga hindi sumuko .

Bukod sa 52 PDL na ikalawang batch ng palalayain, may karagdagan pang 35 PDL na sumuko na ang mga kaso ay bineberipika na rin  ng DoJ-BuCor Joint Task Force para mapalaya.

Sanhi nito, nabatid na aabot na sa 87 ang kabuuang bilang ng PDL ang mapalaya na mula pa noong Biyernes gabi.

Nalaman na ang mga pinalaya na PDL ay pawang nakatira sa Metro Manila .

Habang ang mga nakatira sa mga probinsiya ay isinasaayos pa ang gagamitin na sasakyan para sa paghahatid sa kanila sa mga lalawigan.

Muli umanong magkikita ngayon ang Task Force para ipagpatuloy ang deliberasyon.

 

 

Read More

BAGONG HEPE ‘DI GAGAMIT NG MOBILE PHONE SA LOOB NG BUCOR

0

(NI LYSSA VILLAROMAN)

IPINAHAYAG ng bagong upong hepe ng New Bilibid Prison na si Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang hindi niya paggamit ng kanyang mobile phone habang siya ay nasa loob ng nasabing facility bilang ehemplo sa lahat ng mga personnel.

Ang pahayag ni Bantag ay upang pamarisan ng lahat ng personnel sa loob ng NBP dahil bilang bagong upong BuCor chief,  ipagbabawal niya ang paggamit ng  mobile phones sa loob ng facility na kadalasang nagagamit sa korupsyon.

“Yun po ay maging istrikto lang sa paghalughog niyan, kunin lahat ng cellphone, pati po mga personnel dapat wala na rin para po… may mga rason po ‘yan eh. May mga dalang cellphone, baka po dalawa. Hindi natin sawatahin ‘yung ganiyang practice, pagpasok po nila diyan, puwedeng ibenta,” pahayag ni Bantag.

Sinabi pa ni Bantag na ang naturang hakbangin ay para sa lahat ng personnel ng BuCor at pati na rin ang kanyang sarili.

Inihayag din ni Bantag na sisimulan na rin nila ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa mga personnel ng NBP na sangkot sa corrupt practices.

“Sa ngayon po, maaari po natin silang imbestigahan kung sino po ‘yung involved, siyempre hindi naman po fair ‘yun na lahatin kung hindi naman involved ‘yung iba,” ayon kay Bantag.

Matatandaan na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bantag bilang bagong BuCor chief  noong nakaraang linggo kapalit ni Nicanor Faeldon matapos na ito ay masabit sa kontrobersya sa pagpalaya sa convicts na sangkot sa heinous crimes.

Si Bantag  ang dating Paranaque City Jail Warden noong 2016 na nasagkot sa pagpapasabog ng granada sa loob ng naturang facility na ikinamatay ng 10 inmate.

 

 

Read More

‘MATATANDA, MAY SAKIT NA INMATES UNANG PALAYAIN’

0

(NI NOEL ABUEL)

UMAPELA si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa Department of Justice (DOJ) na unahin ang pagpapalaya sa mga matatanda at may sakit na inmates sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa ginanap na pagdinig sa 2020 budget ng DOJ, ipinarating ni Go kay DOJ Secretary Menardo Guevarra ang panawagan ng mga matatanda at may sakit na inmates na nakasalamuha umano nito noong bumisita sa NBP.

“Sumusulat po ako sa inyong tanggapan upang humingi ng inyong tulong at konsiderasyon. Umaapela po ako sa inyo sa ngalan ng mga presong kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison na matanda na at may karamdaman,” sa sulat ni Go kay Guevara.

“Personal ko pong nasaksihan ang kanilang kalagayan at pagdurusa. Hiling ko po sana palayain na sila alinsunod sa ating Saligang Batas upang kahit man lang sa kanilang natitirang araw dito sa mundong ito ay makasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay,” dagdag pa nito.

Nitong Setyembre 9 nang personal na bisitahin ni Go ang mga inmates sa NBP sa Muntinlupa City upang beripikahin ang sumbong na lantaran ang bentahan ng  Good Conduct Time Allowance (GCTA) at hospital passes sa persons deprived of liberty (PDLs).

Sinabi pa ni Go na suportado nito ng 2020 budget ng DOJ na aabot sa P21.7 billion, o mas mataas ng 0.68% kung ikukumpara sa P21.6 billion budget nitong 2019.

Kasama sa budget ng DOJ ang Bucor na magkaroon ng P478.6 milyon para sa pagbili ng high-tech equipment na gagamitin laban sa illegal drugs sa loob ng NBP.

 

Read More

SUMUKONG CONVICT SA GCTA LALAYA KUNG…

bucor55
0

(NI KIKO CUETO)

PALALAYAIN na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga preso na sumuko sa ipinataw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi sila nadiin sa heinous crimes, ayon sa Department of Justice.

Ayon sa DOJ, ngayong Lunes ay umabot na sa 2,221 convicts ang sumuko.

Ang 1,985 sa kanila ay nasa national penitentiary habang ang 236 ay police custody.

Humigit ganito rin sa data ng BuCor na nagsasabing 1,914 heinous-crime convicts ang napkawalan sa GCTA law mula 2014.

Sinabi pa ng DOJ na nagpatulong ang BuCor sa ibang ahensya para malinis ang mga kulungan at maayos ang sistema ng pagkain.

Sinabi naman ng Philippine National Police,  na hahabulin nila ang mga pugante base sa listahan na ilalabas ng BuCor.

“The PNP assures the public that convicts subject for manhunt by the PNP will only be those that will appear on the clean list to be provided by DOJ. So there’s no cause for alarm and there’s nothing to worry about security,” sabi ni PNP spokesperson Bernard Banac.

 

 

Read More

DRUG LORD SA HOSPITAL PASS PATULUGIN NANG ‘MAHIMBING’ – BONG GO

0

(NI NOEL ABUEL)

NAIS ni Senador Christopher Lawrence Go na tuluyan nang hindi magising ang ilang convicted drug lords na magkukunwang may sakit para kakakuha ng hospital pass sa Buruea of Corrections (Bucor).

Ayon sa senador, payag itong payagang ma-confine sa ospital sa National Bilibid Prison (NBP) ang mga drug lords basta’t bigyan ang mga ito ng dextrose na magbibigay sa mga ito ng mahimbing na pagtulog.

“Sa ngayon, hindi natin alam kung magpapatuloy pa rin sila. Kung sakaling magpatuloy sila, bahala sila. ‘Yung mga drug lord diyan, dine-dextrose ng sobra sa isang buwan, baka hindi na kayo magising. Baka may dextrose na pwedeng pampatulog nang habambuhay na kayong matulog. Subukan ninyo po, parang gusto ninyo pa, sa mga drug lord na gusto pang bumili ng hospital pass, subukan ninyo lang,” paliwanag nito.

Tugon ito ni Go sa pag-amin ng isang doktor sa NBP ang nagkumpirmang may nangyayaring bayaran kapalit ng hospital pass ng mga drug lords.

“Para sa akin, ang ospital ay para sa may sakit, hindi para sa mga drug transaction. Huwag nating gamitin sa illegal drug trade ang mga ospital,” sabi nito.

Kasabay nito, kumpiyansa si Go na mababago ni Bureau of Corrections Director-General Gerald Bantag ang nangyayaring anomalya sa Bucor.

“Malaki ang tiwala ko sa bago nating BuCor chief, si Dir. Gen. Bantag, na ipapairal niya at magiging strikto siya sa pagpapatupad ng batas at wala nang makakalusot na ganung mga illegal transaction. Ako naman ay nanawagan kay Bantag na mataas ang expectation ng mamamayan sa kanya,” ayon pa kay Go.

 

Read More