PINALAKAS NA BUREAU OF CUSTOMS

BOC

BILANG bahagi ng Commissioner’s 10-Point Priority Program, binuksan ng Bureau of Customs ang tanggapan nito para sa mga bagong tauhan at bagong promote na empleyado upang mas lalong mapatatag ang work force nito.

Dalawampung bagong tauhan at promoted personnel ang itinalaga sa Port of Davao na bukas palad na tinanggap sa isinagawang flag raising noong nakaraang Lunes.

Layunin nang pagtanggap at pagpromote ng personnel ng BOC ay upang pagandahin pa ang serbisyo nito sa kanilang stakeholders at partners.

Pinagsisikapan din ng pamunuan ng  BOC na makasabay ang Pilipinas sa pagdaigdigang usapin sa pangangasiwa ng Aduana.

Sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, marami na ang isinagawang pagbabago para sa lalo pang gumanda ang koleksyon at makasabay sa pandaigdigang kalakalan.

Dahil dito, na tumatanggap at napopromote ang BOC ng mga personnel upang mapunuan ang kakulangan ng mga tauhan sa ibat-ibang collection districts sa bansa.

Nauna nang tumanggap at nagpromote ng mga customs employees sa ilalim ng ibat-ibang groups and collection districts ang nanumpa kay Commissioner Guerrero.

Matatandaan noong Disyembre 20, 2019 ang mga opisyales ng Bureau of Customs ay nagkaroon ng Collectors Conference kung saan ay tinalakay ang BOC’s Action Plan for 2020.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Guerrero ang mga collection district na lumagpas sa kani-kanilang mga collection target noong  2019. Joel O. Amongo

Read More

BOC NAMAHAGI NG BIYAYA

relief goods-7

NAGSANIB puwersa ang dalawang tanggapan ng Bureau of Customs (BoC) sa pagbibigay ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Barangay Maraga-a, Kiblawan, Davao Del Sur bago ang Kapaskuhan.

Nangalap ng ‘Noche Buena’ packages ang mga opisyales at tauhan ng Port of Manila at Port of Davao para may magamit sa araw ng Pasko ang biktima ng lindol na pansamantalang tumitigil sa ilang evacuation centers.

Nais ng POM at POD na sa pamamagitan ng kanilang tulong ay pansamantalang maibsan ang dinadalang bigat sa dibdib ng mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa lindol.

Samantala, ang Port of Clark ay namigay ng pagkain at mga regalo sa mga batang Aeta sa Sitio Target Integrated School sa Barangay Sapangbato, Ange­les City bilang bahagi ng kanilang anniversary celebration at annual Christmas Charity Activity.

Pinangunahan ni Port of Clark District Collector Atty. Ruby Alameda ang kanyang mga tauhan sa pamimigay ng regalo sa mga batang Aeta.

Maging ang Port of Cebu ay nagkaroon ng ‘Annual Thanksgiving Party’ na dinaluhan naman ng mga empleyado nito na pinangunahan ni Acting District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza.

Ipinaabot ni Mendoza sa mga empleyado at lahat ng stakeholders ang kanyang taos pusong pasasalamat sa kanilang malaking kontribusyon na naging dahilan kaya naabot nila ang kanilang  target collection. (Boy Anacta)

Read More

KITA NG BOC LAGPAS NG 3.3% SA TARGET — GUERRERO

customs12

(NI NELSON S. BADILLA)

UMABOT sa P53.33 bilyon ang nakolektang kita ng Bureau of Customs (BOC) nitong Abril kung saan lagpas sa P51.604 bilyong target sa nasabing buwan.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang nasabing koleksyon ay 3.3 porsiyentong iniangat sa target.

Labing-apat na porsiyento naman ang iniangat nito mula sa koleksyon noong Abril 2018 na P46.74 bilyon.

Ayon kay Guerrero, umaasa ang BOC  na makakolekta ng P51.604 bilyon nitong Abril, “but because of our stringent monitoring and continuing efforts to enhance our revenue collection capabilities, we were able to collect P53.33 billion which is higher than the target revenue.”

“In April 2018, we only collected P46.794 billion, but this year we exceeded our collection performance and even generated more than P1.726 billion surplus,” wika pa ng hepe ng BOC.

Ang nasabing koleksyon ay lagpas din sa mga naunang koleksiyon ng BOC sa nakalipas na mga pamunuan.

Ang buwis o taripang nakokolekta ng BOC ay isa sa mga malaking ambag sa kabuuang kita ng pambansang pamahalaan, kaya palaging tinitiyak ng Department of Finance (DOF) na hindi dapat nagpatumpik-tumpik ang pamunuan ng BOC sa trabaho nito.

Batay sa preliminaryong ulat, 12 sa 17 distrito ng BOC ang nakamit ang kanilang target at lumagpas pa ang iba.

Ang mga ito ay ang Manila International Container Port (MICP), Port of Limay, Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Port of Cagayan de Oro, Port of Subic, Port of Cebu, Port of Davao, Port of San Fernando La Union, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Zamboanga at Port of Legaspi.

Ani Guerrero, ang magandang resulta ng koleksyon ng taripa ng iba’t ibang distrito ng BOC ay resulta ng pagpapaigting ng “control measures” laban sa “undervaluation, misdeclaration and other forms of technical smuggling.”

 

 

Read More

IMBESTIGASYON SA CUSTOMS FIRE IPINALALANTAD

boc200

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO JACOB REYES)

KAILANGANG busisiin umano ng husto ang naganap na sunog sa Bureau of Custom (BOC) noong Sabado ng gabi na nagtagal ng 10 oras upang hindi lumaki ang hinala ng taumbayan na mayroong pinagtatakpan.

Ginawa ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang nasabing pahayag matapos matupok ng apoy ang ilang bahagi ng gusali ng BOC sa Port Area sa Lungsod ng Maynila.

“Dapat busisiin yan ng maigi para hindi maghinala ang taongbayan,” ani Evardone.

Ayon sa mambabatas, dahil kontrobersya ang BOC, hindi maiwasan aniya na mag-isip ng kung anu-ano ang taumbayan sa nangyaring sunog lalo na’t nililinis sa katiwalian ang ahensya.

Dahil dito, pinayuhan ng mambabatas ang pamunuan ng BOC na buksan sa publiko ang ginagawang imbestigasyon sa sanhi ng sunog sa kanilang tanggapan upang maiwasan ang paghihinala.

Unang sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na hindi nito masisisi ang mamamayan na isiping mayroong pinagtatakpan kaya nangyari ang susog sa BOC na ayon sa mga ulat ay mga importanteng dokumento umano ang nasunog.

Nais ni Zarate na malaman kung ano-anong mga dokumento ang nasunog para malaman kung mahalaga ba ang mga ito sa kampanya laban sa katiwalian sa nasabing ahensya.

Isa sa mga iniimbestigahan ay ang pagpasok ng mga droga sa bansa noong 2017 at 2018 kaya nais ng mambabatas kung kabilang ba ang mga dokumentong ito sa mga nasunog o hindi.

Read More