SIKAT NA MATINEE IDOL NG KAPAMILYA, P1-M PER NIGHT?

HUNK100

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

OUR fave Editor BenThought, idol na idol namin si aktor nang kasikatan at prime ng kakisigan niya.

Maraming indecent proposal sa kanya ang mga baklush. Turned down lahat.

Shocked kami dahil nasa market na siya ngayon. Flesh market, Ben Thought! P10K na lang ang market value niya ngayon.

Kaya lang may rate pa rin si aktor na support na lang ngayon sa mga soap. Hindi raw puwedeng i-deep throat ang mahaba niyang *toot*. No touch. No kissing, no touching. As in magme-“Mary Palmer” lang siya sa harap mo. Nakaloloka.

So unlike sa isang matinee idol na bago siya naging boyfriend ng showbiz royalty princess ay P10K siya sa lahat ng gustong tumikim sa kanya.

Dahil sikat na siya ngayon sa Kapamilya Network, hindi na pwede ang P10K lang! ONE milyon na siya ngayon.

Ang kasikatan nga naman. Yours ang pirasong karne ng sikat if the price is right.

 

MARCO ‘DI TULUY-TULOY ANG PAGPAPASEKSI

 

Dahil kumita ang Ulan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino, malaking recipient ng success ay ang actor na si Marco Gumabao. Isa is Marco sa mga leading man ni Nadine sa naturang pelikula.

“’Yung character ko rito si Andre, you’ll see him sa first part of the movie. Pero ang pinakatumatak sa akin na scene dito ay ‘yung first scene na unang pagkikita ni Maya (karakter ni Nadine) at ni Andrew. And also ‘yung tennis scene; medyo nakakatawa kasi ‘yon,” share sa amin ni Marco.

Kapansin-pansin ang magandang pangangatawan ng aktor. Nagpapaseksi na si Marco para sa teleseryeng “Los Bastardos.” Marami ang nagtatanong sa kung tuluy-tuloy na ang kanyang paghuhubad sa mga proyekto.

“Hindi po, ayoko pa. Hanggang briefs lang ako (sa fashion show). Actually, kahit sa mga movies man or sa teleserye, hindi rin naman ako naghuhubad totally. Kasi ayaw ng manager ko, ng Viva na ipakita ko lahat,” tsika pang nakangiti ng aktor.

“Itong ‘Los Bastardos,’ it’s the best venue para magpakita. Pero sa taping namin, hindi kami parating nakahubad. Kasi ‘yun ang iniisip ng tao eh,” funny pa na paglalahad ng binata.

 

ITINADHANA?

 

Ilang beses na nagkasama sina Sam Milby at reigning Ms. Universe Catriona Gray. Sa huling  pagtatagpo nila ay nakunan sila ng photo at naging viral agad ito.

Pero nilinaw agad ni Erickson Raymundo, ang manager ni Sam na local business manager din ni Catriona, na priority ni Catriona ang kanyang reign as Ms. U.

Kaya nakipag-break siya sa kanyang boyfriend na si Clint Bondad na isang struggling model/actor.

Dahil wala na si Clint, wala nang nega factor kung aakyat ng ligaw si Sam. Si Catriona ay isang perfect wife material for Sam. Iisa ang kanilang handler. Belong sila sa iisang church/faith. Kaya sa palagay namin ay made for each other silang dalawa.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

CATRIONA GRAY PINARANGALAN SA SENADO

cat123

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

MASAYANG tinanggap ni Miss Universe Catriona Gray ang pagkilala na ibinigay ng mga senador nang dumalaw ito sa Senado Martes ng hapon.

Pinangunahan ni Senate President Vicente C. Sotto III ang pagtanggap kay Gray na masayang sinalubong ng iba pang miyembro ng Senado kabilang sina Senador Gregorio Honasan at Nancy Binay.

Ipinagmalaki ni Sotto ang pagkakakilala sa mga Filipino sa larangan ng beauty pageant na naghakot ng maraming parangal.

It is a common knowledge in the world that the Philippines has held an exemplary track record in world beauty pageants for being consistently in the top ten, and each of these, regardless of title and rank, has definitely brought pride to every Filipino,” sabi pa ni Sotto.

“Winning the most coveted Miss Universe brings great honor, glory and recognition to all Filipinos and it deserves nothing better than a high level of praise. We are truly blessed and honored that Miss Universe, Catriona Elisa Gray, is here with us today, to personally receive, and has received, a commendation from the members of the Senate of the Philippines,” dagdag pa nito.

Ilang resolusyon ang magkakahiwalay na inihain sa Senado nina Sotto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Binay.

Sa inihaing Senate Resolution 975 ni Sotto, tinukoy nito ang pagdaig ni Gray sa 93 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa katatapos na 67th Miss Universe Pageant noong Disyembre 17, 2018 sa IMPACT Arena, Muang Thong Thani, Bangkok, Thailand.

Si Gray na ikaapat na Filipina na nakakuha ng korona ng Miss Universe kung saan noong 1969 ay nanalo si Gloria Diaz na sinundan naman ni Margarita Moran noong 1973 at pinakahuli ay si Pia Alonzo Wurtzbach noong 2015.

Dahil dito, nalagay sa ikaapat ang Pilipinas sa may pinakamaraming titulo ng Miss Universe kung saan nangunga ang USA na may walong titulo, pito naman sa Venezuela, lima sa Puerto Rico at tatlo naman ang bansa Sweden.

 

 

Please follow and like us:
Read More

CLINT BONDAD ‘PINALAYA’ NA SI CATRIONA

clint1

IN-UNFOLLOW na ng actor model at ex boyfriend ni Ms Universe Catriona Gray na si Clint Bondad sa kanyang Instagram account. Sa isang Instagram post ng Sabado, binasag na ni Clint  ang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ng reigning Miss Universe.

Sa kanyang post na may kasamang video clip ng isang TV interview kung saan tinanong siya tungkol kay Catriona, sinabi nito sa caption na: “Man, and here I am working so hard on my bad boy image… You are still the most beautiful woman that I have ever met. I wish you the very best on your path, wherever it will carry you…Truly.”

Dagdag pa nito: “This is certainly not what we both wanted, but most certainly what we both need at this point of our life.” Bago nito, noong Biyernes, kinumpirma ni Catrional sa interview niya sa “Tonight with Boy Abunda” na hiwalay na nga sila ng guwapong model.

Sinabi rin nito na plano niyang maging single habang siya ang reigning Miss Universe. Sa dulo ng Instagram post ay nilagay ni Clint ang parte ng kanta ni James Blunt na “You’re Beautiful”: “But we shared a moment that will last till the end.”

Please follow and like us:
Read More

MS. UNIVERSE CATRIONA GRAY SA KAMARA

cat22

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAG-COURTESY call si reigning Miss Universe Catriona Gray sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  kung saan  ginawaran ito pagkilala sa pamamagitan ng inaprubahang resolusyon, nitong Biyernes.

Gayunpaman, hindi si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang humarap kay Gray dahil mayroon itong pulong sa Palasyo ng Malacanang kaya si House Deputy Speaker Mercedes “Chedeng” Alvarez ang tumanggap sa kanya.

“It is with great pride and honor for the House of Representatives to have this privilege to meet reigning Miss Universe.As legislators, let us be reminded of her story and like her see situations with a silver lining,” ani Alvarez.

Sinabi ng mambabatas na ang Kamara ay kaisa sa adbokasiya umano ni Gray sa kapakanan ng mga kabataan lalo na ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad.

Bago ito, sinabi ni Catriona na handa itong matuto pa sa kalagayan ng bansa matapos makausap ang ilang mambabatas bago ang seremonya sa Speaker’s Social Hall sa Kamara.

“Thank you so much for the very warm welcome. It is such a wonderful opportunity to see and speak with the leaders of our country. I am very much open to having conversation with you and learn more about the state of our nation. I hope to be back very soon,” ani Gray.

Please follow and like us:
Read More

CATRIONA ‘DI  MATAPUS-TAPOS ANG PASASALAMAT 

catriona gray

(PHOTO BY JHAY JALBUNA)

MANGIYAK-NGIYAK si 2018 Ms. Universe Catriona Gray sa kanyang pasasalamat sa mga unsung heroes na tumulong sa kanya para mapanalunan ang pang-apat na Ms. Universe crown para sa bansa.

Hindi lang si Madam Stella Marquez-Araneta ang instrumento sa malaking  tagumpay ni Cat.

Malaki ang naitulong ng kanyang glam team.

Siyempre pa, masaya ang Bb. Pilipinas sisters na makapiling muli si Catriona.

Sabi ni Karen Gallman, ang unang Pinay na Miss Intercontinental, “I’m happy and excited for her homecoming. We Filipinos are all so happy and proud of Cat’s achievement and she deserves the best homecoming!”

Lahad ni Bb. Pilipinas-Supranational Jehza Huelar, “Cat worked really hard for this. Her homecoming activities are just the beginning of her reign as Miss Universe.

“She deserves everything that she has now, and I cannot wait to see what’s in store for her.

“I am beyond proud.”

At ang saad ni Bb. Pilipinas Grand International Eva Patalinjug, “I can’t wait to hug her and tell her how proud we are of her, that she deserves where she’s at right now.

“She’s an inspiration to everyone!”

Pila-pila ang mga taga-media na nagparehistro sa presscon ni Miss Universe Catriona Gray, Miyerkules sa Novotel Hotel, Araneta Center, QC.

Sa grand parade mamaya, Pebrero 21, Huwebes nang alas-2:00 PM sa Pasay, Manila & Makati, sasakay si Catriona sa majestic float na inspired ng Mikimoto crown at magga-gown na likha ni Mak Tumang.

Sa Pebrero 23, Sabado nang 4:00 PM, sa Araneta Center naman ang parada.

Sa Pebrero 24, Linggo, 7:00 PM sa Araneta Coliseum, gaganapin ang programang Raise Your Flag For Catriona Gray (Miss Universe 2018 Homecoming).

Tampok dito sina Pia Wurtzbach, Maymay Entrata, Bamboo, KZ Tandingan, Morissette Amon, Jed Madela, TNT Boys, ABS-CBN Philharmonic Orchestra, at Vice Ganda.

Para sa tiket, tumawag sa (02) 911-5555.

Sa Pebrero 26, Martes, bibisita si Catriona sa mga organisasyong malapit sa kanyang puso, at magko-courtesy call kay VP Leni Robredo.

Malayo pa pero nung tinanong  si Cat kung ano ang gagawin niya after her reign, gusto nyang i-pursue ang isa pang passion niya.

She wants to record an album.

“I love to sing. I love singing. I want to be a recording artist,” she revealed.

Nakita namin sa talent night ng Bb. Pilipinas ang pag-awit ni Catriona. Her voice was recording artist. JCC

Please follow and like us:
Read More

CATRIONA PAPUPURIHAN SA SENADO

cat

(NI KC GUERRERO)

SA resolusyon na isumite sa Senado noong Lunes, Jan. 14,  pinuri si  Miss Universe 2018 Catriona Elisa Magnayon Gray sa pagbigay ng “great honor, glory and recognition” sa bansang Pilipinas at sa mga mamamayang Filipino.

Ang resolusyon ay inendorso  sa sesyon noong nagpatuloy ang  sesyon pagkatapos ng mahabang bakasyon para sa Kapaskuhan at Bagong Taon.

Pinuri ni Senate President Vicente Sotto III, sa Senate Resolution 975, ang pagkapanalo ni  Gray at dinaig ang 93 pang mga kandidata sa timpalak kagandahan na  ginanap noong nakaraang December 17, 2018 sa Bangkok, Thailand.

“Whereas, Catriona Elisa Gray’s outstanding performance deserves to be commended and praised for the great honor, glory and recognition brought to our country and the Filipino people,” saad ng resolusyon ni Sotto.

Samantala, ang  resolusyon  na inihain naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay nagpahalaga sa mga ginawa ni  Gray bilang volunteer worker  para sa mga batang  yagit (slums) ng Tondo, Manila  na pinadaan sa non-government organization Young Focus Philippines.

“Whereas, Catriona Elisa Magnayon Gray clinched the crown for the country with her empathic answer to the final question, where, when asked for the most important lesson she has learned in life, she brought up the plight of impoverished children in the slums of Tondo, Manila, and a necessity of using her platform as a spokesperson to help these children see a more hopeful future,”  sabi ni Zubiri.

Ang 25-anyos na beauty queen ay ang pang-apat na Filipina na nagwagi ng titulong  Miss Universe  pagkatapos ni Pia Alonzo Wurtzbach noong 2015, Margie Moran, 1973 at Gloria Diaz noong 1969.

Please follow and like us:
Read More

10 ‘CATRIONIC’ FACTS ABOUT MISS UNIVERSE 2018

shumo-showbiz copyINDEED, we can’t get enough of Miss Universe 2018 Catriona Gray! Newsmaker of the Month, kundi man Newsmaker of the Year, ang beauty titlist na ito at talaga namang hindi pa rin humuhupa ang so-called “Catrionic fever.” Patuloy pa ring bumabaha ang mga kuda sa world wide web tungkol sa kanya.

Due to limited time and space, ang dapat sanang 2,018 sets of post-pageant fast facts and opinions (Huwhat??? Two thousand and eighteen pageant facts??? Talaga lang, ha? Hahahaha!) ay ni-trim down ko na lang sa 18 (oo, chosen ang number 18 kasi masaya ang end rhyme nilang dalawa ni twenty-18)… further narrowed down to the “Final 10.”

Beaucon na beacon ang peg! Hahaha!

Wala nang patumpik-tumpik pa, eto na ang aking Top 10 post-pageant chika or fun facts tungkol kay Queen Catriona. In random order:

  1. WALANG PASOK. No-work day sa Young Focus International Foundation (YF) sa Tondo, Manila, sa araw ng laban ni Queen Cat na isa sa kanilang tagapagtaguyod. Pati na mga parlorista ay nag-day-off o umabsent sa work nang dahil kay Cat!
  2. PALAMUTI SA TENGA. Yung “Three Stars and the Sun” gold ear cuff na sinuot niya sa Miss U ay siya mismo ang nagdisenyo. How creative! (Or make your own, para cost-cutting! Charot!)
  3. TVCs. Bago pa man niya nasungkit ang Miss U crown, nakalabas na noon pa man si #MUning sa mga TV commercials: Century Tuna, Myra Vita White hand and body moisturizer, Granny Goose Tortillos, Smart Broadband, Pantene conditioner, Palmolive cleanser, and Sprite. Hindi rin siya masyadong in demand, noh? (N.B. Hashtag MUning, kasi Miss Universe yung MU, and muning is kitten o small cat, eh Cat naman talaga si Catriona! Anuba?!?!?! Hahaha).
  4. FIL-AUSSIE. Ang tatay pala niya ay si Ian Gray na isang Scottish-born Australian at si Normita Magnayon naman ang kanyang Pinay mom na tubong Oas, Albay. Bicol Express from the Land Down Under, ganern?
  5. “RATED X” ANG ‘PINAS. Naimbiyerna ang mga Pinoy sa pag-ekis ng editorial staff sa word na “Philippines” na pinalitan ng “Queensland” sa front page news ng The Courier Mail Australia na lumabas noong December 17. Ang siste, itinatatwa ng Australian publication na Philippines ang bayang pinagmulan ng newly-crowned Miss Universe 2018.

Ang resulta? Umaatikabong resbak o matinding bashing mula sa mga Pinoy fans na hindi kaylanman magpapatalo sa pang-iinsulto o “pang-aagaw” gaya nito!

  1. THAT STANDOUT GOWN. Ang Mayon Volcano-inspired red gown na sinuot ni Cat ay likha ng Kapampangan designer na si Mak Tumang from Mexico, Pampanga. Tarush sa pagka-fabulous!
  2. INVENTOR OF THE LAVA WALK. Being part of victorious Team Catriona, architect Carlos Buendia, Jr. is credited for Gray’s now-iconic “lava walk ” and “slow-mo swirl.” Iba ka, Caloy! Exclusive for ‘Pinas ka lang, ha. ‘Wag ka pumayag i-hire ng taga-‘labas’! (Ang selfish! Hahahaha!)
  3. MGA BFF NI “KIT CAT” SA MISS U. Reunion ang nangyari sa tatlong Miss World 2016 sisters — Miss Sweden Emma Strandberg, Miss Denmark Helena Heuser, and Miss Philippines Catriona Gray — dahil exactly silang tatlo rin ang isinabak ng kani-kanilang bansa sa Miss Universe 2018! Maliban sa dalawa, may isa pang BFF si Cat: si Miss Indonesia Sonia Fergina Citra na roommate niya during their two-week stay in Dusit Thani Hotel in Bangkok. Wow!!! Meeeeoowww!!!
  4. LITTLE MISS PHILIPPINES 1999. Batang paslit pa lang ay “rampadora” na si Cat as she joined the 1999 edition of Eat! Bulaga’s Little Miss Philippines pageant in Sydney, Australia. Born beauty queen pala talaga!
  5. DARAGANG MAGAYON. Pangatlo na si Catriona sa mga Pinay mula sa Bicol region o may Bicolano blood who represented the country in the Miss Universe in recent history. Miriam Quiambao of Cagraray Island, Bacacay, Albay, was first runner-up in 1999. Maria Venus Raj of Camarines Sur was 4th runner-up in 2010. Basta Bicolana, uragon!!!

BONUS ENTRY (parang “wild card” selection, or imagine may nag-tie, kaya may nadagdag sa finalists! Hahaha!)

  1. MISS U MEMES. Big deal sa mga Pinoy yung pagkapanalo ni Queen Catriona. Kaya naman dumagsa sa social media ang congratulatory messages — at super-kalokang memes! Nandiyan yung 1st Runner-up kay Cat si Ariana Grande (instead of the real Miss South Africa); hindi nag-Downy perfume yung ibang candidates kaya na-loss; mag-collab daw si Gloc 9 at Catriona para sa potential hit song na “Reyna ng Tondo”; at kay rami-rami pa! Andami ko talagang tawa! Mga 500! Hahaha!

LOVING IS SHARING, AND SHARING IS LAUGHING!

Eto yung  tatlong link para mabusog kayo sa katatawa:

https://insideshowbiz.onemega.com/10-funniest-celebrity-miss-universe-2018-memes/

https://www.facebook.com/OfficialKaloka/posts/2197769803778666?hc_location=ufi

http://www.whereinbacolod.com/2018/12/funny-memes-of-miss-universe-2018.html

Ligwak (as in itsa-pwera) sa Top 10 Trivia na ito ang mga “nega” news bits dahil puro pampa-good vibes o feel-good items lang ang pinili ng inyong abang lingkod. As our very own Queen Cat said in the final Q & A portion of Miss U 2018: “We should teach people to be grateful so we could have an amazing world where negativity could not grow and foster, and children would have a smile on their faces.”

And I…  will be back with more juicy tidbits!

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

CATRIONA BALIK-PINAS NA

catriona 100

BALIK-PINAS na ngayong alas-3 ng hapon si 2018 Ms. Universe Catriona Gray at inaasahang dagsa ang well-wishers nito matapos masungkit ang prestihiyosong beauty pageant noong Lunes sa Bangkok, Thailand.

Sinabi ni dating Ilocos Sur governor Luiz “Chavit” Singson na magkakaroon pa ng maikling press conference si Catriona sa Thailand bago lumipad sakay ang isang private jet pabalik ng bansa.

Makikipagkita rin ang bagong Ms. Universe kay Pangulong Duterte bago naman ito pumuntang New York City para sa kanyang mga tungkulin. Isang press conference din ang isasagawa gayundin ang pagdalo sa ilang charity events habang nasa bansa si Catriona.

Isa ring grand homecoming ang ikinakasa ngayon subalit hindi pa umano ito gagawin sa kanyang pagbabalik ngayon dahil nasa planning stage pa rin ng mga organisasyon. “Naka schedule ang magarbong pagsalubong sa bago nating treasure,”sabi ng mga organizers.

Please follow and like us:
Read More

CATRIONA GRAY IS OUR FOURTH MISS UNIVERSE QUEEN!!!

CATRIONA GRAY

Kinoronahang Miss Universe 2018 si Miss Philippines Catriona Gray sa idinaos na finale ng naturang beauty pageant sa IMPACT Arena,shumo-showbiz copy Bangkok, Thailand, Lunes, Disyembre 17.

Idineklarang first runner-up si Miss South Africa Tamaryn Green at second runner-up naman si Miss Venezuela Sthefany Gutierrez.

Best in National Costume si Miss Laos On-anong Homsombath. Ngayong taon, walang deklaradong winner na Miss Photogenic at Miss Congeniality gaya ng kinagawian noong mga nakalipas na taon.

The pageant show was hosted once again by Steve Harvey, together with supermodel Ashley Graham.

Television personality Carson Kressley and runway coach Lu Sierra provided commentary and analysis throughout the event. American singer-songwriter Ne-Yo performed during the competition.

For the first time in its six-decade history, puro babae ang panel of judges para sa 2018 Miss Universe.

Silang pito ay sina:

1) Monique Lhuillier, Filipino-American fashion designer;

2) PorntipNakhirunkanok aka Bui Simon from Thailand, Miss Universe 1988;

3) Janaye Ingram, corporate executive and political grassroots organizer and co-founder of the iconic Women’s March in the United States;

4) Michelle McLean from Namibia, Miss Universe 1992;

5) ImanOubou, Moroccan-American entrepreneur, scientist, and former titleholder bilang Miss New York 2015 and 2nd Runner-up at Miss USA 2015;

6) Lili Gil Valletta, Colombian-American entrepreneur and CEO of CulturIntel and CIEN + TV as well as 2018 Women of Excellence Award recipient; at

7) Richelle Louise Singson-Michael, Pinay architect and CEO of Platinum Skies Aviation.

Just like last year, continental format ang muling pinagamit sa judges para piliin ang unang Top 20 mula sa mahigit 90 kandidata. Lima mula Europe, lima mula North & South America, lima mula Africa & Asia-Pacific at limang wild card. Ang bawat isa sa mga dalagang ‘pasok sa banga’ (Top 20) ay binigyan ng 15 seconds para magbigay ng kanilang opening statement kung bakit nila gustong makuha ang Miss Universe crown.

COUNTRIES WHO ADVANCED TO THE TOP 20

From Africa and Asia-Pacific: South Africa, Philippines, Nepal, Vietnam, Thailand

From Europe: Poland, Belgium, Great Britain, Hungary, Ireland

From the Americas: Curacao, Costa Rica, Canada, Puerto Rico, Jamaica

From the wild card selection: USA, Venezuela, Indonesia, Brazil, Australia

Supposedly in random order, here are the semi-finalists (Top 10), almost-finalists (Top 5), and grand finalists (Top 3) of Miss Universe 2018:

CATRIONA GRAY

TOP 10

Canada

Costa Rica

Curacao

Nepal

Philippines

Puerto Rico

South Africa

Thailand

Venezuela

Vietnam

CATRIONA GRAY

TOP 5

Philippines

Puerto Rico

South Africa

Venezuela

Vietnam

FINAL 3

Philippines

South Africa

Venezuela

STUNNING CATRIONA

Mapa-prelims o finals, stunner talaga sa swimsuit at evening gown competition ang pambato ng Pilipinas. Sa katunayan, several days before the grand coronation night (er, day, kasi morning time ang naganap na pageant show sa Thailand), maraming netizens pati na mga pageant veterans sa loob at labas ng bansa ang nagsabing frontrunner or “the one to beat” si Catriona. Forecasters’ favorite, kumbaga.

Sa ginanap na Miss Universe prelims nitongHuwebes (Disyembre 13), umani ng kaliwa’t-kanang papuri ang tinaguriang “lava walk” at “slo-mo twirl” ni Gray suot ang swimsuit at evening gown.

MAY THE FOURTH BE WITH YOU

CATRIONA GRAY“May the 4th be with you,” halit ng mga well-wishers ni Gray. At yun na nga! Napanalunan ng 24-year-old Bicolana ang korona dahil sa pinagsamang ganda at talino niya. O dahil sa matinding pagsasanay at husay ng kanyang training/coaching team. O dahil mayroon siyang very strong will to win. Pwede ring dahil magaling siyang magsalita at pwedeng-pwedeng spokesperson ng anumang advocacy of her choice. O dahil answered prayer at destiny talaga ang pagkapanalo niya.

Whatever it was that made her win, basta super-saya ang sambayanag Pilipino sa kanyang richly deserved victory at kuntodo celebration sa panibagong “pride of the Philippines” na ito.

For the record, si Catriona Gray ang ika-apat na Pinay na nag-uwi ng koronang Miss Universe, kasunod nina Pia Wurtzbach noong 2015, Margie Moran noong 1973, at Gloria Diaz noong 1969.

TRIVIA PA MORE

67 years old na ang Miss Universe beauty pageant ngayong 2018!

Contestants from 94 countries and territories participated in this year’s pageant, the highest number of participants ever, surpassing the previous record of 92 contestants in 2017.

Since the start of the Miss Universe pageant in 1952, the three winningest countries have been the Unites States with 8, Venezuela with 7, and Puerto Rico with 5.

First time sumali sa Miss Universe ngayong taon ang Armenia, Kyrgyzstan, at Mongolia.

Tatlong beses nang naging host country ng Miss Universe ang Pilipinas. Dito sa ating bansa, idinaos ang pageant sa mga venue na nasasakupan lahat ng Pasay City, Metro Manila: Folk Arts Theater (1974), Philippine International Convention Center o PICC (1994), at Mall of Asia Arena (2016).

FIRST TRANSGENDER CANDIDATE, ETC.

Miss Spain 2018 Ángela Ponce Camacho made history by being the first ever transgender woman to be allowed to join this prestigious pageant.

The first and only Miss Universe to be dethroned was Miss Russia in 2002. Si Oxana Fedorova ang kauna-unahang Russian nananalo para sa kanyang bansa pero hindi nga niya nakumpleto ang one-year reign because “she failed to fulfill her duties,” sabi ng mga organizers, or supposedly pregnant and married

na siya na isang malaking violation sa Miss Universe rules.

Noong 2011, inakusahan naman ng pamemeke ng dokumento si Miss Universe Leila Lopes from Angola. Ang naturang document falsification ay ginawa diumano para mapayagan siyang sumali sa Miss Angola UK local pageant. Nairaos niya ang kanyang one-year reign as Miss Universe dahil hindi napatotohanan ang paratang laban sa kanya.

Bumilang ng 63 years (from 1963 to 2016) ang France bago nagkaroon ng panibagong title holder, samantalang 56 years naman ang hinintayng Colombia (from 1958 to 2014) bago muling nasungkit ang korona. 48 years — yes, literal na 48 years! — ang waiting time ng Japan (from 1959 to 2007) bago muling nanalo sa patimpalak.

Please follow and like us:
Read More