CHINESE VESSEL CREW NAIS MAPARUSAHAN NI DU30

0

(NI BETH JULIAN)

KAHIT humingi na ng paumanhin, nais pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na parusahan ang crew ng Chinese vessel na responsable sa paglubog ng bangka ng 22 mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.

Ito ang pinanindigan ng Pangulo sa pamamagitan ng paghiling niya sa Chinese government na umaksiyon at parusahan ang crew ng nasabing Chinese vessel.

Giit ng Pangulo, layon ng pagpapataw ng kaukulang parusa na matuldukan na ang isyu at maipakita ng China na hindi na mauulit pa ang kaparehong insidente sa hinaharap.

“I reiterate our desire for the filing or application of appropriate sanctions against the Chinese crew in the interest of achieving closure, manifesting good faith and demonstrating China’s resort to prevent a repeat of the incident,” pahayag ng Pangulo na binasa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Gayunman, tinanggap ng Pangulo ang pagkilala at pagkumpirma ng Chinese government sa responsibilidad ng Chinese fishing vessel crew at ang kahandaaan ng bansa na magbigay ng kaukulang danyos para sa mga mangingisda.

Bago ang pulong ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping, ibinunyag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghingi ng may-ari ng Chinese vessel ng paumanhin sa pagbangga sa Gem-Ver 1.

Sinabi na rin ni Panelo na tutulungan ng gobyerno ang 22 mangingisda sakaling nais ng mga itong maghain ng damage claim at magsampa ng criminal case laban sa Chinese crew.

Read More

PINAS SUMURENDER NA SA CHINA?

recto bank12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

“PAGSURENDER  na ‘yan sa China.”

Ganito inilarawan ng isang opposition Congressman pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa suhestiyon ng China na magsagawa ng ”joint investigation” sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino sa loob ng teritoryo sa West Philippine Sea.

“It’s willful surrender of our sovereignty just the mere fact na pumayag tayo sa mungkahi ng China about bilateral investigation  and even dismissing the claims of our fishermen that they were rammed by a Chinese boat ,” ani Akbayan party-list Rep. Tom Villarin.

Ayon sa mambabatas, kung mayroong dapat iiral na batas sa imbestigasyon ay ang batas ng Pilipinas at hindi ang China subalit hindi aniya mangyayari ito kapag nagkaroon ng joint investigation.

Maliban dito, walang karapatan ang China na sumali sa imbestigasyon ng Pilipinas dahil sila ang illegal na pumasok sa ating teritoryo sa Recto Bank kaya nalagay sa panganib ang mga mangingisdang Filipino.

Magugunita na noong Hunyo 9, o Filipino-Chinese friendship day ay binangga ng isang Chinese vessel ang f/b Gem-Ver 1 sa Recto Bank at nabunyag lamang ito noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Bahagyang lumubog ang bangkang pangisda ng mga Filipino subalit iniwan ito ng Chinese vessel na hinihinala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na hindi simpleng mangingisdang Chinese kundi mga Chinese militia na idineploy ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Villarin, sakaling ituloy ang joint investigation, huwag na rin aniyang umasa na magkaroon ng katarungan dahil ngayon pa lamang ay tila kinakampihan na ng gobyernong Duterte ang China.

“Alam na lutong Macao ang gagawin ng Malacanang para ipalabas na aksidente ito at ang may kasalanan yung ating mangingisda dahil hindi dapat sila nandun. Parang ang Recto Bank ay pagmamay-ari na ng China,” ayon pa kay Villarin.

 

Read More

RESULTA NG RECTO BANK INCIDENT PROBE NASA PALASYO NA

rectorbank123
0

NATANGGAP na ng Malacañang ang resulta ng imbestigasyon ng Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard sa naganap na banggaan sa pagitan ng barko ng China at fishing boat ng mga Filipino sa Recto Bank, noong Hunyo 9.

Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Bangkok, Thailand, na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado.

Gayunman, tumanggi naman si Panelo na pangunahan ang Pangulo sa resulta at maging siya umano ay hindi pa nababasa ang kabuuang report.

Ang resulta sa imbestigasyon ay inabot ng dalawang linggo matapos nang umano’y banggain ng barko ng China ang nakaangklang fishing boat ng 22 mangingisda mula sa Mindoro.

Napinsala ang fishing boat at lumubog pa ang bangka habang iniwan ng mga Chinese officers ang mga mangingisdang Pinoy sa gitna ng karagatan.

Nauna rito ay nagpahayag ang Pangulo ng pagsang-ayon sa joint investigation sa insidente.

Sinabi ni Panelo na hinihintay lamang nila ang ‘dynamics’ ng joint investigation ngunit posible rin umanong magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang dalawang bansa.

Read More

US NAGPAALALA SA CLAIMANTS: ‘WAG GUMAMIT NG DAHAS

wps22
0

(NI JESSE KABEL)

NAG-ABISO ang Estados Unidos sa mga bansa na pare-parehong may claimed o inaangking teritoryo na huwag gumamit ng dahas at pananakot sa paggiit sa mga teritoryo.

Ito ay bunsod ng huling kaganapan kung saan sinalpok ng barko ng Tsina na Yuemaobinyu 42212 ang  Filipino fishing vessel na F/B Gem-Ver1 noong June 9 kung saan 22 Pilipinong mangingisda ang naiwang palutang-lutang sa karagatan.

Nabatid na malaking pagpapasalamat ng embahada ng Estados Unidos, na walang nasaktan sa  22 Pilipinong mangingisda sakay ng fishing vessel at naisalba sila nang maayos ng mga  Vietnamese fishermen sa karagatang sakop ng Recto Bank o Reed bank

Matatandaang suportado ng Estados Unidos ang inilabas na United Nations arbital tribunal noong 2016 kung saan ibinasura ang pagkuha ng Tsina sa malaking bahagi ng South China Sea sa ilalim ng kanilang 9 dash line.

Samantala, ilang political observers naman ang nagsasabing ang ginawa ng Chinese na hinihinalang isang barko ng Chinese militia ay maaring basehan sa pagkilos ng US o igiit ng Pilipinas ang suporta mula sa puwersa ng mga Amerikano sa ilalim  mutual defense treaty ng US at Pilipinas.

Pinuna rin ng mga kritiko ang pananahimik ni Pangulong Duterte sa naganap na pagsalpok ng barko ng China sa naka-angkla na fishing boat ng Pinoy.

Read More

GIIT NI CARPIO: KAPITAN NG CHINESE VESSEL KASUHAN

rectobank12
0

(NI HARVEY PEREZ)

IGINIIT nitong Sabado ni Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio dapat magkaroon ng matibay na paninindigan  ang gobyerno ng Pilipinas laban sa ginawa ng isang Chinese vessel na bumangga sa isang fishing vessel ng mga Filipino na mangingisda na naka angkla sa isang bahagi ng West  Philippine Sea noong Hunyo 9.

Dapat umano na makasuhan at pagbayarin ng Pilipinas ang kapitan ng naturang Chinese vessel.

Kasabay nito, tiniyak ni Carpio na hindi isang ordinaryong Chinese vessel ang ibinangga sa FB Gimver 1 na sinasakyan ng may 22 na mangingisda.

Sinabi ni Carpio na naniniwala siya na ito ay isang Chinese militia vessel  dahil ito lamang ang may kakayanan na bumangga at ang mga crew nito ay mga sinanay at inorganisa ng People’s Liberation Army (PLA).

Nabatid na ang  ganitong uri ng Chinese vessel rin ang bumangga ilang taon na ang nakakalipas sa isang Vietnamese vessel.

Malaki ang paniniwala ni Carpio na ang ginawa ng Chinese vessel ay isang paraan para itaboy ang mga Filipino na nangingisda sa WPS.

Iginiit pa ni Carpio na ang ginawa ng  China ay isang maliwanag na paglabag sa  United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kamakailan ay namataan ang mga Chinese maritime militia vessels na pagala- gala sa karagatan sakop ng Pagasa Island at iba pang bahagi ng karagatan ng Spratly Islands at itinataboy ang mga mangingisdang Filipino.

 

 

Read More

TAPANG NI DU30 INAABANGAN SA BINANGGANG FISHING BOAT

DUTERTE-2
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINIHINTAY ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumabog ang galit nito sa kaso ng mga Filipino na binangga at iniwan ng Chinese sa gitna ng laot at hilingin sa kanyang counterpart Chinese President Xi Jinping na parusahan ang mga kababayan niyang nagkasala.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, naniniwala si Duterte na lahat ng nagkasala ay dapat parusahan kaya maraming ordinaryong mamamayan na pinagsususpetsahang sangkot sa ilegal na droga ang napapatay.

“Ngayon masusubukan ang tapang nya na mag-ensure, hindi lang demand, na parusahan ng Tsina ang mga umatake sa ating mga mangingisda,” pahayag ng mambabatas.

Maging ang galit na ipinakita ni Duterte sa Canada matapos hindi hakutin agad ng nasabing bansa ang kanilang basura ay nais makita ng mambabatas sa kasong ito ng 22 Filipino na binangga ng isang Chinese vessel sa Recto Bank at saka iniwan.
Magugunita na nagbanta si Duterte ng giyera laban sa Canada at pinauwi nito ang Ambassador ng Pilipinas  na naging dahilan kaya agad na hinakot ng nasabingg ang kanilang basura.

“He threatened to cut off diplomatic relations with Canada if it will not take back its garbage. If he is that brave Pres. Duterte should also make similar demands for the attack on Filipino citizens in our own Recto Bank, ” ayon naman kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

Hindi dapat palagpasin umano ang insidenteng ito dahil kung hindi ay magpapatuloy ang ganitong uri ng pagtrato ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa loob ng ating teritoryo sa West Philippine Sea.

“Tama na, sobra na ang panahon ng pagpapaalila sa mga dayuhang tulad ng Tsina. Oras na upang ipagtanggol naman ng administrasyong Duterte ang ang ating bayan at mga kababayan,” komento naman ni Zarate.

 

Read More

CHINESE CREW SA ‘HIT AND RUN’ SA DAGAT PINAKAKASUHAN

rectorbank123
0

(NI BETH JULIAN)

PINAKAKAUSAHAN ng Malacanang ang Chinese crew ng barko na bumangga sa fishing vessel ng mga Pinoy at pag-iwan pa sa mga ito sa gitna ng karagatan.

Kasabay ito ng pagpalag ng Palasyo sa pag-abandona ng barkong pangisda ng China sa 22 Pinoy na mangingisda malapit sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Binangga ng Chinese vessel ang Filipino fishing boat na F/B Gimver 1 at pinabayaan sa halip na tulungan ng mga dayuhang vessel ang mga Pinoy na mangingisda.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na ito ay pagpapakita ng hindi sibilisado, barbariko at hindi makatarungang asta ng mga Chinese na isang malinaw na paglabag sa Maritime protocol.

Giit ni Panelo na kung mayroon mang awayan sa teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at China, hindi naman ito ang dahilan para pabayaan na lamang ang mga nasugatang kababayan nating mangingisda at hindi lang dapat ipagkibit-balikat ito ng mga awtoridad ng China.

Sinabi ni Panelo na dapat lamang itong imbestigahan at ipataw ang kaukulang kaparusahansa mga Chinese crew.

“We call on the appropriate Chinese authorities to probe the collision and impose the proper sanctions to the Chinese crew,” giit pa ni Panelo.

Pinaiimbestigahan din ng  Palasyo kung sinadya ba ang pagbangga sa barkong pangisda ng Pilipinas.

Kaugnay nito, todo pasalamat naman ang Malacanang sa crew ng Vietnamese vessel na siyang tumulong sa mga inabandonang Pinoy fishermen.

 

Read More

‘HIT AND RUN’ NG CHINESE VESSEL SA FISHING BOAT NG PINAS INIIMBESTIGAHAN

recto bank12
0

(NI NICK ECHEVARRIA)

INIIMBESTIGAHAN na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command ang banggaan sa pagitan ng isang Chinese fishing vessel at ng naka-angklang Filipino fishing boat.

Nais matiyak ng AFP kung aksidente lamang o sinadyang binangga ng barkong pangisda ng China ang lumubog na FB Gimver 1 ng mga 22 mangingisdang Filipino noong nakalipas na June 9 subalit naireport lamang nitong Miyerkoles.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP Western Command na si Lt. Col. Stephen Penetrante, kung pagbabasehan ang report na kanilang natanggap malayo sa aksidente ang nangyari dahil sa umiiral na standard operating procedure dapat tumigil ang kasalubong na barko kapag may nakitang naka-angklang fishing vessel.

Hindi rin dapat basta na lamang iniwan ng mga crew ng Chinese fishing vessel sa halip ay sinagip sana ng mga ito ang mga sakay ng FB Gimver 1 habang papalubog makaraang ang banggaan.

Idinagdag pa ni Penetrante na lumalabas na ‘hit-and run’ ang ginawa ng barkong pangisda ng China makaraan nitong takasan at iwan na lang basta ang FB Gimver 1 na sinasakyan ng mga mangingisdang Filipino.

Ang mga Vietnamese sa kanilang fishing vessel ang sumaklolo sa mga Pinoy na nagpalutang-lutang sa dagat.
Mariin namang kinondena ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ginawa ng Chinese fishing vessel at tinawag na isang karuwagan ang ginawang pagtalikod sa mga Filipinong mangingisda na tila walang nangyari.

Read More

TRIPULANTE NG CHINESE VESSEL PINAAARESTO

lobolobo1
0

(NI NOEL ABUEL)

IPINAAARESTO ng isang senador ang mga Chinese nationals na sakay ng isang Chinese dredging vessel na nakadaong sa karagatan sakop ng bayan ng Lobo, Batangas.

Paliwanag ni Senador Risa Hontiveros, kailangang beripikahin ng mga awtoridad kung may sapat na clearances at permit ang mga Chinese nationals na tripulante ng 99-meter long, 17-meter wide Chinese dredging vessel.

“I call on our authorities to investigate this matter and ascertain for sure if the crew of the Chinese dredging vessel has all the necessary documents, permits and clearances from our government. They must be immediately arrested and prosecuted to the full extent of the law if proven that they are in the area without any legal authority,” ani Hontiveros.

Kinuwestiyon pa nito kung ano ang ginagawa ng Chinese vessels sa karagatan sakop ng Pilipinas na mistulang inaangkin na nito ang nasabing lugar dahil sa pagkuha nito ng 2 milyon kubiko ng buhangin sa Lobo River para magamit sa itatayong Hong Kong International Airport Three Runway System Project.

“Is the Duterte administration still in full control of our waters and territories, or have they surrendered them already to China? The illegal, unreported and unregulated presence of numerous Chinese vessels in our territories is extremely bothering. China is not only a state sponsor to illegal fishing, it is also openly disregarding our sovereignty and marine jurisdiction. It is a deep and dangerous incursion into our territories,” dagdag pa nito.

Sa mga susunod na araw aniya ay maghahain ito ng resolusyon sa Senado para magsagawa ng imbestigasyon sa presensya ng illegal Chinese vessels sa bansa.

 

Read More