BAGONG PARTY-LIST REPS GINAGAPANG SA SPEAKERSHIP 

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) SINIMULAN nang ‘gapangin” ng tatlong nangungunang kandidato sa pagka-Speaker sa 18th Congress ang party-list congressmen na itinuturing na may pinakamalaking puwersa ngayon sa Kongreso. Nitong Huwebes ay nagkaroon ng pagtitipon ang mga kinatawan ng mga nanalong party-list organizations noong nakaraang eleksyon sa isang hotel sa Pasig City na dinaluhan ng mga kandidato sa speakership. Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina Marindue Rep. Lord Alan Velasco ng PDP-Laban, Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. Hindi pinalagpas ng mga nabanggit ang pagkakataon dahil bukod sa…

Read More

GLORIA HANDS-OFF SA SPEAKERSHIP SA 18TH CONGRESS

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD) AYAW makisawsaw ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pagpili kung sino ang magiging kapalit niya sa susunod na Kongreso o sa 18th Congress. Ginawa ni Arroyo ang pahayag sa gitna ng pag-eendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte ng dalawang kandidato sa speakership na sina dating Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. “I don’t want to comment. I am not going to be in the next Congress,” ani Arroyo. Matatapos na ang termino ni Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang…

Read More

SA PAG-ALIS NI GMA: GIRIAN SA SPEAKERSHIP UMPISA NA

SGMA-6

(Ni BERNARD TAGUINOD) HINDI pa man nagsisimula ang local campaign, nagpopormahan na ang ilang kilalang political leaders para sa speakership sa 18th Congress kapalit ng graduating na si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Naglabas ng kalatas ang National Unity Party (NUP) kung saan ineendorso ng partido si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano kung walang ieendorsong speakership si Davao City Mayor Sara Duterte. Ayon sa chair ng NUP na si Ronaldo Puno, naniniwala sila na si Cayetano ang bagay sa nasabing posisyon dahil tulad ni Arroyo, kaya…

Read More