ANG EPEKTO NG TAAL AT NOVEL CORONA VIRUS SA SHOWBIZ

0

Nakinig ang President Rodrigo Duterte sa mga panawagan ng buong sambayanan.

Mula kahapon nga ay nagpatupad ng pansamantalang travel ban sa lahat ng mga manlalakbay mula sa mainland China at ang mga special administrative regions ng Hong Kong at Macau sa gitna ng banta ng novel coronavirus.

Nag-anunsiyo si Senator Bong Go ng desisyon ng pangulo kahapon ng umaga sa interbyu sa kanya sa Dobol B sa News TV na naghimpapawid sa GMA News TV.

“Sa ngayon ay mag-i-implement na ng temporary travel ban on travelers coming from any part of China and its special administrative regions on top of the existing temporary travel ban imposed on those coming from Hubei province and other affected areas,” sabi Go.

“Taking into consideration the concerns raised by key government officials and health experts, the President made a decision and has agreed to adopt this recommendation and implement it immediately as additional precautionary measure to protect the Filipinos. Sa ngayon ay magkakaroon na tayo ng travel ban sa lahat ng nanggagaling sa Tsina,” dagdag pa ni Sen. Bong Go.

HINDI LANG MGA CHINESE PARA SA LAHAT

Idiniin ni Sen. Go, na hindi lang mga Chinese ang sakop ng travel ban kungdi lahat ng mga manlalakblay kahit anuman ang nasyonalidad mula China papuntang Pilipinas.

“Magkakaroon tayo ng temporary ban banning the entry of any person except Filipino citizens and holders of permanent resident visa issued by the Philippine government directly coming from China and its special administrative regions,” sabi pa niya.

“Kung ibang bansa naman ang pinanggalingan mo pero nanggaling ka sa China within 14 days before arrival at hindi ka Pilipino o Philippine resident, hindi ka makakapasok sa Pilipinas,” ani pa ni Sen. Go.

Samantala, ang mga Pinoy at ang mga nakatira sa Pinas na manggagaling sa China ay daraan sa labingapat (14-day) na araw na quarantine pagdating sa bansa.

Noong Biyernes ay inanunsiyo ng Malacanang na inutos ni Presidente ang pag-ban nga mga galling sa Wuhan City, ang sentro kung saan nagsimula ang novel coronavirus.

Ang desiyon ng President na hindi kaagad i-ban ang mga galling sa China ay hindi nagustuhan ng buong sambayanan hindi lang ng mga netizen. Noong Biyernes ng gabi ay nagsimula maging trending sa Twitter ang OustDuterte na umabot sa 17,000 tweets na ganoon naging paksa.

Dinagdag pa ni Sen. Go binalanse nang husto ng Presidente ang mga pros and cons mula sa lahat ng sides bago nakarating sa desisyon.

“This is in line with the recommendations of DOH (Department of Health) as affirmed by the members of the Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases,” dagdag pa niya.

“Nakinig na ang Pangulo sa hinaing ng mga Pilipino at nagdesisyon base sa rekomendasyon ng mga eksperto,” diin pa ni Sen. Go.

CELEBRITIES MAINGAY SA SOCIAL MEDIA

Andaming celebrities ang dismayado sa pamahalaan at President dahil nang pumutok ang balitang may novel corona virus na sa bansa ay hindi kaagad  nagpatupad ng travel ban.

Sobrang ingay ng mga celebrity at mga netizen sa kanilang frustrations at pagkakabahala.

Ngayon na positibo ang pagkamatay ng kasamahan ng unang natuklasan at naging positibo sa novel corona virus, mas grabe ang dulot na panic.

Lahat ng mga business ay apektado. Lalo na ang mga mall at mga nakapaloob na sinehan dito.

KANSELADO ANG PREMIER SHOWING  NG ASCENCION

sa amin ng Press Relations Officer ng Hollywood producer na si Arsy Grindulo, Jr:

“The Feb 15 Phil. Premiere of Hollywood-produced film “ASCENSION,” Los Angeles Best Independent Film, National Film & TV Awards 2019 is indefinitely posatponed.@

Numero unong dahilan ay puno ang booking hanggang Mayo.

Pangalawang dahilan:

” In panic from the theaters and are staying home instead, so this translates great loss of projected ROIs and the like.  Who would want to watch a film where practically everyone is wearing a face mask?

Thirdly, add to that the debilitating Taal Volcano eruption. It has affected the country’s sympathetic mood not to get too leisurely and carefree while the rest of the Batanggenyos are grieving, and are miserably trying to bounce back and in dire need even of our financial aid, donations, prayers, moral support and boost in any way. “

Nang matuloy ang thanksgiving party nina Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado sa press people akala namin ay balik na sa normal ang sambayanan ni Juan.

Mas malala ang threat ng novel corona virus.

Ang Taal eruption ang dulot ay postponement lang ng showbiz events to later dates.

Indefinite ang postponement at maraming cancellation ang epekto ng corona virus.

PASINAYA AT PENAGBENGA KANSELADO RIN

Ang Pasinaya sa Cultural Center of the Philippines ay kanselado na.

Nauna ng inanunsiyo ng pamahalaan ng lungsod sa Baguio City na ang taunang Penagbenga Festival ay kanselado muna ngayong taon.

So ang pagiging tourist namin sa Pines City ngayong taon ay hindi muna tuloy.

Andaming artista ang mawawalan ng raket dahil sa kanselasyon ng Penagbenga.

Noong nakaraang taon ay napanood pa namin ang ‘Pambasang Husband’ si Donnie Pangilinan ng piangkaguluhan ng mga tagahanga  kasama ang pa ang ibang   stars ng Kapmilya Network sa Burnham Park.

 

Read More

UNANG KASO KINUMPIRMA NG DOH; PINAS NAPASOK NA NG 2019 N-COV

0

KINUMPIRMA ng Department of Health na positibong may kaso na ng 2019 novel coronavirus sa bansa.

Sa press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, isang 28- anyos na babaeng Chinese mula sa Wuhan, China ang kumpirmadong may dala ng virus sa bansa na dumating sa Maynila noong Enero 21 mula sa Hong Kong.

Ang pasyente, na nagpa-check up noong Enero 25 matapos makaranas ng pag-ubo, ay nilalapatan ng lunas sa isang pampublikong pagamutan.

Nakumpirma na positibong infected ng N-CoV ang babaeng Chinese matapos maisagawa ang laboratory test sa Australia.

Kasabay nang pagkumpirma na positibo ang nasabing kaso, sinabi naman ni Duque na patuloy ang pagkilos ng DOH upang garantiyahan ang publiko na ang lahat ng “necessary precautionary measures” ay kanilang isinasagawa upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sinasabing ang nasabing virus ay naunang kumitil ng 170 katao sa bansang pnagnulan nito, at umaabot na sa 8,000 ang apektado mula sa iba’t ibang bansa sa Asian, Europe, North America at Middle East.

Ang mga sintomas ng nasbaing virus ay kinabibilangan ng lagnat, ubo, kakapusan at hirap sa paghinga.  RENE CRISOSTOMO

PATOTOO NG MGA PASAHERO, MAS MAHUSAY ANG SERBISYO SA LRT LINE-1

MALAKI na ang ipinagbago ng serbisyo ng LRT Line 1 sa nakalipas na taon.

Ito ang naging obserbasyon ng mga mananakay ng 20.7 kilometer LRT Line 1, ang kauna-unahang elevated commuter train na may 20 stations na bumabagtas mula Munoz sa Quezon City hanggang Baclaran at may regular daily passenger na 500,000.

Ayon kay Jinkee Evangelista, estudyante ng De La Salle University sa Taft Ave, kung dati ay mas ninanais niyang  magdala ng sasakyan dahil pahirapan ang pagsakay sa LRT, ngayon ay mas ‘manageable’  na kung magte-train siya  kaysa  mag-drive.

“Iiwasan mo lang talaga ‘yung peak hour kasi talagang ang daming pasahero, pero mas marami na ngayong skip train kaya higit na maginhawa na talagang mag-LRT,”pahayag ni Evangelista.

Natutuwa rin si Reynaldo Guevara na araw-araw sumasakay sa LRT patungo sa kanyang trabaho sa UN Ave. Ayon sa kanya, kung dati ay nale-late siya sa trabaho dahil 3 hanggang 4 na tren ang kanyang pinalalagpas bago makasakay, sa ngayon ay sa unang tren pa lamang ay nakakasakay na siya.

“Sa bilis at on time na pagdating ng mga tren ay hindi napupuno ng pasahero sa mga station platforms kaya nakakasakay agad,” aniya.

Partikular na nakita naman ni Aling Remedios Vasquez ang concern ng mga security guard na nagmamando sa mga istasyon.  Aniya, maayos ang sistema sa pagpapasakay sa senior citizens sa LRT kaysa nang minsan siyang sumakay sa MRT.

Hindi naman naiwasan ni Christine Suarez,24 anyos, empleyado sa Pasay City, na ihalimbawa ang karanasan niya sa pagsakay sa LRT at MRT. Aniya, naaaawa siya sa kanyang sarilli tuwing sasakay ng MRT.

“Awang- awa talaga ako sa aking sarili kapag sasakay na ako ng MRT, parang… ano ba ito, ang hopeless naman ng mga Filipino, parang lagi kang sasabak sa giyera, napakahaba ng pila, makikipagbalyahan ka makapasok lang ng tren, sa loob ay halos hindi ka na makagalaw, mababasa ka ng tumutulong aircon, malas mo pa ‘pag naabutan ka ng sira ng tren dahil pabababain ka sa gitna ng tracks o maghihintay ka sa loob na sobrang init.”

Aniya, mas malapit sa kanilang bahay sa Quezon Ave kung MRT ang kanyang sasakyan patungong Pasay ngunit kalbaryo naman ang kanyang mararanasan kaya mas pinipili niya na gumastos na lang ng dagdag pamasahe para magtungo sa LRT Roosevelt Station at doon na sumakay.

“Nagtataka ako kung bakit umayos na ang serbisyo sa LRT Line 1, saka ko nalaman sa mga katrabaho ko na privatized na pala ito, sana all,”  dagdag pa niya.

Taong 2015 nang i-turnovet ng Light Rail Transit Authority(LRTA) at Department of Trasportation(DoTr) sa Light Rail Manila Corporation(LRMC), ang venture company ng Ayala Corp., Macquarie Infrastructure Holdings at  Metro Pacific Investments Corp. ang operasyon at maintenance  ng LRT Line 1 sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) program ng Aquino administration.

Mula nang i-takeover ng LRMC ang LRT Line 1 ay nakapagpatupad na ito ng ilang measures para sa ikaaayos ng serbisyo nito, mula 77 na tren ay mayroon nang 112 tren at mula 478 na biyahe kada araw ay naging 554 daily trips at ang headway o waiting time ay umaaabot na lamang sa 3.5 minuto  mula sa dating 6 hanggang 8 minuto, gayundin ay mas pinahaba ang operating hours.

Sinabi ni LRMC President Juan Alfonso na mula 2015 ay nasa P8.7-B na ang nailaan ng kompanya  para sa rehabilitasyon at pagpapaganda ng serbisyo ng LRT Line 1, kasama rito  ang maayos na tren, pagpapaganda ng mga station at pagpalit sa nasirang rail tracks kaya mas ligtas at mas maayos na ang takbo ng mga tren.

Ngayong Nobyembre 2020 ay target ng LRMC na matapos ang kanilang bagong signaling system kung saan makatitiyak ang mga pasahero na on time palagi ang dating ng mga tren at ang waiting time o headway ay aabutin na lamang ng 2.5 minuto.

Sa taong 2021 ay inaasahang 700,000 hanggang 800,000 pasahero na ang maseserbisyuhan ng LRT Line 1 sa oras na matapos ng LRMC ang LRT 1 Extension patungong Cavite kung saan walong bagong stations ang madaragdag, kabilang ang Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Pinas, Zapote at Niog sa Cavite.

Mula isa at kalahating oras ay 30 minuto na lamang ang magiging biyahe patungong Cavite.

FOUNDATION GAMIT SA HUMAN TRAFFICKING, $20-M ‘ILLEGAL FUNDS’; QUIBOLOY CHURCH NI-RAID

KASASAMPA pa lamang ng tatlong kasong kriminal laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ngunit kakaharapin ng tinaguriang “appointed son of God” ang mga kasong “human trafficking,” “illegal fund raising” at pekeng kasal ng 82 mag-asawa sa Estados Unidos.

Ilang linggo na ang nakalipas, inilabas ng Saksi Ngayon ang mga kasong “rape,” “human trafficking” at “child abuse” na isinampa laban kay Quiboloy sa National Prosecution Service Office sa Davao City.

Kamakalawa, lumabas sa mga balita na sinalakay ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles, California, USA, at inaresto ang tatlong opisyales na namamahala ng nasabing simbahan.

Nabatid na patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng FBI upang makapangalap ng malakas at matibay na ebidensiya kaugnay sa reklamong human trafficking laban sa nasabing sekta.

Idineklara ni Quiboloy  na siya ang “appointed son of God” na kanyang idiniin sa kanyang mga opisyal at kasapi sa kanyang Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao subalit may tanggapan sa Metro Manila na nangangasiwa ng mga negosyo ni Quiboloy, kabilang na ang Sonshine Media Network International o Swara Sug Media Corporation.

Ibinunyag nga mga biktima sa FBI na hindi raw sila makaalis sa Kingdom of Church sa LA dahil hawak ng mga opisyales nito ang kanilang pasaporte.

Sinabi pa ng mga biktima, , inuutusan sila ng pamunuan ng nasabing simbahan na magtungo sa iba’t ibang bahagi ng Amerika upang manghingi o mamalimos upang makakuha ng maraming pera na ilalaan sa The Children’s Joy Foundation, non-governmental-organization ng simbahan ni Quiboloy.

Ayon pa sa mga biktima, kapag hindi nila nabubuo ang perang dapat makolekta ay pinapaparusahan sila kabilang na ang pang-aabuso sa kanilang katawan.

Ang isa pang matinding nadiskubre ng FBI ay ang  “fundraising” ng simbahan ni Quiboloy na umabot na sa 20 million US dollar mula 2014 hanggang sa kalagitnaan ng 2019 gamit ang “street level solicitation” ng mga kasapi nito.

Labag sa batas ng Amerika na mangulekta ng pera sa ilegal na paraan o gumagamit ng pekeng layunin.

Nabatid pa ng FBI na umabot sa 82 pekeng kasal ang naisagawa ng kontrobersyal na simbahan sa loob ng 20 taon kung saan kabilang ang aktibidad sa pinagkukunan nila ng salapi. NELSON BADILLA

MALAKANYANG BINALAAN NG SOLON SA WATER CONCESSION; TAUMBAYAN MAMUMULUBI SA VILLAR TAKEOVER

NAGBABALA ang grupong Gabriela sa Malacanang na huwag tangkaing ibigay sa kumpanya ni dating Senate President Manny Villar ang pangangasiwa sa water distribution service sa Metro Manila kung nais ng mga ito na hindi magmahal ang presyo ng tubig at umayos ang serbisyo.

Ginawa ni Rep. Arlene Brosas ang nasabing babala dahil hindi pa rin maaalis sa mga  pangamba ng mga ito na ipasa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Villar ang water concession agreement dahil pumasok na ito sa water industry.

Si Villar ang may-ari sa Prime Water at hawak na ang water distribution service  sa iba’t ibang panig ng bansa tulad sa Marilao, Bulacan; Tayabas, Quezon;  Bacolod City, Negros Occidental at Zamboanga City.
“We warn Malacanang against using the public’s dissatisfaction under the privatized water services courtesy of Maynilad and Manila Water to comfortably sneak in Villar’s PrimeWater as the new water concessionaire,”  ayon kay  Brosas.
“Instead, the government should restore the water services across the country to full public control.”
Hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas ng Palasyo ang bagong water concession agreement na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin sa ayaw at sa gusto ng Manila Water nap ag-aari ni Manny V. Pangilinan at Maynilad, nap ag-aari naman ng mga Ayala, dahil kung hindi ay babawiin na sa mga ito ang kontrata.

Dahil dito, hindi inaalis ni Brosas ang posibilidad na kapag tuluyang umatras ang Maynilad at Manila Water ay ipapasalo kay Villar ang water service distribution dahil kabilang ito sa mga malalapit kay Duterte.
Idinagdag ni Brosas, dapat matuto ang gobyerno sa karanasan ng mga taga-Bulacan, Quezon province, Balocod City at sa Zamboanga at iba pang lugar na hawak ng Prime Water na lalong lumala  ang pangit na serbisyo at tumaas pa ang singil sa tubig. BERNARD TAGUINOD

10-B US EXPORT MADIDISKARIL

POSIBLENG madiskaril ang  $10 bilyong halaga ng export ng Pilipinas sa Amerika kung magpapatuloy ang pagbanat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa US government, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na magkakaroon ng “adverse consequences” sa ekonomiya ng bansa ang ipinataw na indefinite travel ban sa lahat ng miyembro ng Gabinete ni Duterte.

“An indefinite travel ban to the United States imposed on all members of the Cabinet could have adverse consequences on our country’s economy and security, not to mention the many employed Filipino immigrants there, especially if the US retaliates to the recent tirades of President Duterte,” paliwanag ni Lacson.

Aniya, umaabot  sa halagang $10 bilyon ang inaangkat ng Amerika sa Pilipinas bukod pa sa naibibigay ng tulong ng Washington  bilang suporta sa militar at ayuda sa buong Asia-Pacific region.

Kamakailan, nagbanta si Pangulong Duterte na kanyang kakanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng US at Pilipinas kapag hindi binigyan ng US visa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Nakatakdang magpulong naman ang Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III upang pag-usapan ang magiging posisyon ng mataas ng kapulungan hinggil sa pagbawi sa VFA at iba pang isyu sa US. ESTONG REYES

 

Read More