‘DEPED ‘DI BANAL SA KATIWALIAN’

deped

(NI MAC CABREROS)

HINDI exempted sa katiwalian ang Department of Education (DepEd).

Inamin ito mismo ng isang opisyal nito sa panayam ng Saksi Ngayon.

“We cannot say it is corruption free. Kaya nga tutok ang ating kalihim para maiwasan ito,” pahayag opisyal na tumangging magpatukoy.

Naunang nasilip ng Commission on Audit na abot sa P13 bilyon ang hindi maipaliwanag na magarbong paggastos gaya ng pagsasagawa ng seminar at training sa mamahaling resort at hotel.

Pinagsisikapan naman ngayon ng DepEd na kalkalin ang mga dokumento bilang patunay na walang katiwalian sa pagbubuhay hari at reyna ng mga ito.

Kasabay nito, sinang-ayunan ng Teachers Dignity Coalition ang pagpapataw ng parusa sa sinumang sangkot sa anumang anomalya sa DepEd. “We give the DepEd and its concerned offices the benefit of the doubt and we expect explanation from them in relation to the COA
findings. If there are proven irregularities of neglect, both should be dealt with accordingly and those responsible should be held liable,” diin Benjo Basas, national chairperson ng TDC.

Isiningit din TDC ang kanilang kahilingan na dagdagan ang sahod ng mga guro.

“Sa lahat ng gastusin sa edukasyon, teacher ang hindi dapat tinitipid. Dahil bawat pisong ibinibigay sa guro ay sulit na sulit. Mahirap yatang maunawaan na nasasayang ang pondo ng DepEd sa mga error-filled
books at iba pang gastusin pero hindi mabigyan ng nararapat na sahod ang mga guro,” diin Basas.

Please follow and like us:
Read More

KORAPSIYON SA BoC IIMBESTIGAHAN NG NBI

nbi200

(NI HARVEY PEREZ)

PINAIIMBESTIGAHAN ni  Justice Secretary Menardo I. Guevarra sa  National Bureau of Investigation(NBI) ang nagaganap na korapsiyon sa  Bureau of Customs (BoC).

Nabatid na sa inisyu nitong Department Order 383, inatasan ni Guevarra si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng masusing imbestigasyon at case build-up sa mga opisyal at kawani ng BOC sangkot sa katiwalian.

Kaagad rin pinakakasuhan ni Gievarra sa DoJ, ang mga opisyal ng BoC, mapapatunayan sangkot sa katiwalian.

Sinabi ni Guevarra, ang mga paiimbestigahan ay iyong   tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Magugunita na pinagsabihan ni Duterte ang mga opisyal na magsipagbitiw na  sa kanilang tungkulin kung hindi ay iimbestigahan sila at kakasuhan.

 

Please follow and like us:
Read More

DU30 NAGBANTA SA 5 PALPAK NA GOV’T AGENCIES

duterte66

SA kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ang mga pagbabago sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko sa limang ahensiya ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, ang Land Transportation Office (LTO) , Social Security System (SSS), Land Registration Authority (LRA), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Home Development Mutual Fund (Pagibig), ay kabilang sa mga ahensiyang nakatatanggap ng napakaraming reklamo sa publiko.

Binalaan din ng Pangulo ang mga opisyal ng ahensiya na ayusin ang kanilang  serbisyo o maharap sa hindi kanais-nais dahil sa kapabayaan.

Idinagdag ng Pangulo na tatlong taon na umano niyang sinasabi sa mga opisyal ng ahensiya na simplehan lang ng mga ito ang pagkuha ng mga kakailanganing dokumento o papeles.

“Simplehan lang, hindi na kailangang magtungo sa inyong tanggapan kung kaya naman gawin electronically.

Kapag hindi niyo pa nagawa ‘yan ngayon, papatayin ko talaga kayo. Nabubuwisit na ako,” banta pa ng Pangulo.

Ito umano ay sa kabila ng paglagda ng Pangulo ng Ease of Doing Business Act noong Marso 2018 upang pagaangin ang requirements ng kukuha at nang sa ganoon ay maiwasan ang katiwalian.

Sa ganitong sistema ay maiiwasan ang mahabang pila at paghihintay ng mga nangangailangan gayundin ang lagayan system na nangyayari ngayon sa mga naturang ahensiya.

Please follow and like us:
Read More

30th SEA GAMES HOSTING PSC ANG HAHAWAK

(NI JEAN MALANUM)

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na  ang gobyerno lamang ang hahawak at magpapatakbo sa hosting ng Pilipinas sa papalapit na 30th Southeeast Asian Games at ito ay walang iba kundi ang Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung saan napundi umano si Pangulong Duterte nang mabatid ang naganap na korapsyon  sa Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation, itinatag na private entity pero siyang tumanggap ng government funds para sa biennial meet hosting.

“He said that he doesn’t want the foundation. Gusto niya gobyerno. Sabi niya maraming corruption sa private kaya nasisira ‘yung diskarte ng mga nandiyan. Gusto niya gobyerno na lang,” pahayag ni Panelo.

Ayon pa kay Panelo, kinakailangang maimbestigahan umano ang korapsyon sa PHISGOC.

“He (Duterte) didn’t mention it but as a matter of standard procedure, when there is corruption, the agency concerned will have to delve into that without asking the president,” komento pa ni Panelo.

Ang PHISGOC, na pinamumunuan ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, ay itinatag para pangunahan ang pag-oorganisa g Pilipinas sa hosting ng 2019 SEA Games, pero nasangkot sa kontrobersiya nang itatag ang PHISGOC Foundation, na hiwalay na entity mula sa orihinal na PHISGOC.

Ang mga incorporators ng PHISGOC Foundation ay kinabibilangan nina Cayetano, Ramon ‘Tats’ Suzara at ng kare-resign lang na POC president Ricky Vargas.

Kinuwestiyon ng POC executive board ang pagpasok ni Vargas at ng PHISGOC sa mga transaksyon nang walang aprubal ng board, na naging daan sa pagbaba sa puwesto ni Vargas.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni acting president Joey Romasanta, na walang kinalaman ang POC sa pagbuo at sa transaksyong pinasok ng PHISGOC.

Ayon kay Romasanta, binuo ang PHISGOC nang walang board approval, kung saan incorporators sina Cayetano, Vargas at iba pa.

Base sa Articles of Incorporation na naka-file sa Securities and Exchange Commission noong Hulyo 2018, ang PHISGOC Foundation ay itinatag para mag-organize ng SEA Games at iba pang international games na iho-host ng bansa sa mga darating na panahon.

Nakasaad din na ang PHISGOC ang tatanggap at maglalabas ng pondo at iba pang monetaries at properies na manggagaling mula sa sponsorship, donation, grant at subsidy.

Ito rin umano ang tatanggap ng income at pondo mula sa pagho-host ng SEA Games at maging sa iba pang international competitions at siya ring magdi-disburse nito.

Please follow and like us:
Read More

64 BOC PERSONNEL HAHARAPIN NI DU30

customs55

(NI BETH JULIAN)

NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kawani at opisyal ng Bureau of Customs na sangkot sa katiwalian.

Dapat ay noong isang linggo pa nakaharap ng Pangulo ang mga ito ngunit dahil may mga naunang naka-schedule nang pulong at mga aktibidad ang Pangulo ay hindi ito natuloy.

Gayunman, hindi pa pinatigil ang mga ito sa kanilang trabaho sa halip ay pinatawag sa Malacanang para makausap.

Noong nakaraang linggo ay 64 na kawani at opisyal ng BoC ang inianunsyo ng Pangulo na sisibakin sa puwesto dahil umano sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Pinaglinis din ang mga ito ng ilog Pasig bilang bahagi ng parusa.

Please follow and like us:
Read More

SEA GAMES ILAYO SA CORRUPTION – DU30

duterte32

(NI BETH JULIAN)

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabahiran pa ng kurapsyon  ang Sea Games.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung bakit mas gusto ni Pangulong Duterte na gobyerno na lamang ang humawak sa international sports event.

Sa November11 hanggang December 10 gaganapin ang SeaGames sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Matatandaan na lumabas na ang ilang ulat na ayaw ipahawak ng Pangulo sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee ang Sea Games na pinamumunuan ng chair nito na si Rep. Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Panelo na mabuti na rin naman na hindi na hawakan ni Cayetano ang Sea Games dahil magiging abala na ito sa Kamara matapos siyang iendorso ng Pangulo para maging House Speaker.

Nilinaw naman ni Panelo na hindi naman tahasang sinabi ng Pangulo na may umiiral na katiwalian sa Phisgoc at hindi rin naman sinabing kasama sa mga korap si FISGOC chairman Cayetano at sinabing tiwala pa rin naman ito sa nasabing kongresista.

 

Please follow and like us:
Read More

DU30 MAS OK MASANGKOT SA EJK KAYSA CORRUPTION

duterte15

(NI BETH JULIAN)

MAS nanaisin pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na maakusahan sa isyu ng extra judicial killings kaysa masangkot sa kurapsyon.

Ito ang bahagi ng talumpati ni Duterte  sa oathtaking ng mga bagong appointed na government officials sa Malacanang.

“Walang problema sa

akin, kasuhan o isangkot ako sa isyu ng EJK, ang ayaw ko isangkot ako sa corruption,” sabi ng Pangulo.

Ang reaksyon ng Pangulo ay bilang tugon sa panawagan ng Amnesty International sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Duterte sa pangambang nauwi na ito sa Extra Judicial Killings.

Tinukoy ng grupo ang insidente ng karahasan sa Bulacan na tinaguriang ‘Bloodiest killing field.’

Giit ng Pangulo, sisikapin niyang bago matapos ang kanyang termino sa 2022 ay nawalis na niya ang kurapsyon kahit nakikita niyang marami pa rin sa mga opisyal ng gobyerno ang nasasangkot sa pangungurakot sa pera ng bayan.

“Sinisiguro ko sa inyo, aalis ako sa pwesto nang walang singko sentimo sa bulsa at walang extra expenses,” pahayag ni Duterte.

Aniya, aminado siyang dismayado siya dahil kahit pursigido siya labanan ang kurapsyon ay hindi pa rin nawawala ang mga bulok sa gobyerno.

Please follow and like us:
Read More

DU30 UMAMIN; SINIBAK, ‘DI NAG-RESIGN SI ARANAS

aranas12

(NI BETH JULIAN)

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya sa puwesto si GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas.

Ito ang inihayag sa talumpati sa isang okasyon sa Leyte, Biyernes ng hapon.

Ang pag-amin ng Pangulo ay taliwas naman sa naunang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi pinagbitiw ng Pangulo si Aranas at ikinatwirang kusa itong nag-resign dahil sa personal na dahilan.

Kasabay nito, sinabi pa ng Pangulo na mayroon pang nakalinyang sisibakin na opisyal sa Bureau of Customs (BoC).

Matatandaan na biglang naghain ng kanyang resignation letter si Aranas kay Duterte noong July 2 base sa kumpirmasyon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na agad namang tinanggap ng Pangulo.

Nakapaloob sa resignatiom letter ni Aranas na ginagampanan niya nang maayos ang kanyang trabaho at walang nilabag na anumang batas at hindi isinusuko ang kanyang dignidad.

Walang ibinigay na dahilan ang Palasyo sa pagbitiw ni Aranas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KATIWALIAN SA PIA INIIMBESTIGAHAN

corruption12

(NI BETH JULIAN)

NAGSASAGAWA na ng hiwalay na imbestigasyon ang Presidential Anti Crime Commission sa isyu ng umano’y katiwalian sa Philippine Information Agency (PIA).

Ito ang kinumpirma ni PACC Commissioner Greco Belgica, bagama’t tumaggi pa muna itong magbigay ng detalye hinggil dito.

Sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hinihintay lamang ng PACC ang report na manggagaling sa una nang imbestigasyong isinasagawa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang sentro ay laban kay PIA Director General Harold Clavite.

Kaugnay ng isyu, naka-post sa Facebook account ni Clavite, sinabi nito na siya mismo ang nagkusang magpa-imbestiga sa PACC sa ngalan ng transparency.

Sa ngayon ay mayroon na ring ginagawang special audit ang Commission on Audit sa special office.

Sinabi pa ni Clavite na nagsumite na rin siya ng komento sa alegasyon ng korupsyon na inihain ng isang anonymous individual at naging basehan ng PCOO ngayon sa pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa kanya.

Nlinaw din ni Clavte na kinikilala niya ang kapangyarihan ni PCOO Secretary Martin Andanar bilang kanyang immediate superior at welcome sa kanya ang anumang imbestigasyon.

Isa pa sa nilinaw ni Clavite na ang kanyang inirereklamo ay ang paraan ng PCOO sa kanyang kaso at ang pagsasapubliko nito nang hindi man lamang siya kinausap.

Si Clavite ay isinasangkot sa umano’y spliting of contract, misused of funds for hotel accommodation at ang katiwalian sa umano’y produksyon ng information materials.

 

Please follow and like us:
Read More