ANGEL BINIGYAN NG ‘BEST BIRTHDAY GIFT’ SI NEIL

angel200
0

(NI LOURDES C. FABIAN)

BINIGYAN ni Angel Locsin ng isang special birthday party ang kanyang film producer boyfriend na si Neil Arce, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Sunday, March 17. In a series of Instagram Stories, diretsahang sinabi ni Angel kay Neil that he deserves nothing but the best.

“Happy birthday to the sweetest person I know. Happy birthday, my love,” pagbati niya.

Dumalo ang mga kaibigan nila sa showbiz tulad nina Dominic Roque, Barbie Imperial, Sarah Lahbati, Richard Gutierrez, Rico Blanco and film director Joyce Bernal.

Sobrang happy ni Neil sa inorganize na party ni Angel. Na-appreciate niya nang sobra ang effort ng kanyang lady love kaya laking-gulat niya na may isa pa palang pasabog si Angel. Bukod sa party ay may bongga pa siyang gift. Niregaluhan ni Angel ang boyfriend ng golf cart worth over 350k, which Neil described as the “best birthday gift.”

Ang sarap palang magmahal ng General’s Daughter dahil gusto niyang masiguro na magiging masaya ang kanyang boyfriend on his birthday.

Sa kanyang Instagram stories, Angel shared clips of Neil’s birthday party as guests sang happy birthday for him.

At para ipakita ang kanyang appreciation at pasasalamat kay Angel, Neil posted a photo with Locsin on his Instagram page and wrote: “I usually don’t like smiling during photos but how can I not smile beside this one 🙂 thanks for organizing the party my love!”

Matatandaang noong February last year lang nang aminin ni Angel that she and Arce are officially a couple.

***

KINASUHAN ng ina ni Darren Espanto na si Marinel Gonzales-Espanto ng cyber libel si JK Labajo dahil sa mga ipinost nito laban sa anak.

Nagalit ang parents ni Darren sa ginawa ni JK at hinintay lang daw nila ang pagtuntong ni JK ng 18 last February 5, 2019 para puwede nang sampahan ng kaso. Alam na ni JK ang balak na pagsasampa ng kaso kaya napikon na raw ito nang paulit-ulit siyang sigawan ng “I love you, Darren!” sa Rakrakan 2019 musicfest noong Marso 1, Biyernes, sa Circuit Makati.

Ngayon ay maliwanag na kung bakit ganun na lang ang galit ni JK at kung bakit ayaw  niyang marinig ang pangalan ni Darren. May malalim naman palang pinanggagalingan ang galit na kimkim niya kay Darren. Pero hindi rason iyon para magmura siya at mag-dirty finger.

Ngayong may kaso na laban kay JK,  ganun pa rin kaya siya katapang at kagaspang na magsalita once magharap na sila ni Darren sa korte?

Magkalinawan na sana at magkaayos ang magkabilang panig at mapakiusapan niya ang mga magulang ni Darren na iurong na ang demanda laban sa kanya at magkapatawaran na lang.

Read More