MATAPOS ANG ‘NO SHOW’; DU30 TULOY SA DAVAO DEL SUR

duterte12

(NI DONDON DINOY)

MALALAG, Davao del Sur- Matutuloy na ngayong araw ng Biyernes, ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa naturang bayan at kalapit na bayan ng Padada, Davao del Sur.

Kinansela ni Duterte ang itinakdang pagbisita kahapon, Huwebes, Enero 2, dahil ayon sa tagapagsalita nito ay masama ang pakiramdam ng Pangulo.

Unang sinabi ni Secretary Salvador Panelo sa mga mamamahayag sa Maynila na “not feeling well” si Duterte at “ordinary” lamang ito sa isang 74-anyos.

“Masama lang siguro pakiramdam eh ordinary lang yon… Ano lang iyon, ordinaryong masamang pakiramdam ng isang 74 years old,” ayon kay Panelo.

Hindi ito ang unang beses na kinansela ni Duterte ang kanyang public engagements dahil sa health issues.

Inamin din noon ng Pangulo na nakararanas siya ng muscle spasms matapos maaksidente sa motorsiklo noong nakaraang taon.

Una rin nitong inamin na mayroon siyang myasthenia gravis, isang  chronic autoimmune neuromuscular disease at Buerger’s disease, dahil sa paninigarilyo noong kabataan nito.

Ngunit, ayon sa Media Relations Office (MARO), matutuloy na ngayong araw ang pagbisita ng Pangulo sa dalawang bayan sa Davao del Sur na unang schedule nito sa taong 2020.

Nakatakdang mamigay ang Pangulo ng P5-milyong financial assistance para sa 1,500 indibidwal na biktima ng lindol sa bayan ng Malalag.

Pupunta rin si Duterte sa bayan ng Padada, upang bisitahin ang nasa 1,000 biktima ng lindol.

Maliban sa financial assistance, mamimigay din ng family food ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na pangunahan ni Secretary Rolando Bautista.

 

Read More

4.6 MAGNITUDE LINDOL YUMANIG SA MAGSAYSAY, DAVAO DEL SUR

earthquake12

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG 4.6 magnitude quake ang tumama sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur, dalawang araw matapos ang 6.9 magnitude na pagyanig sa kalapit na bayan na Matanao, Davao del Sur kung saan 7 ang nasawi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs), alas 2:07 ng hapon naramdaman ang lindol na may lalim na 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

May kalakasan ang naramdamang lindol kung saan naitala ang Intensity 5 sa Hagonoy, Davao del Sur; Intensity 4 sa Davao City at Intensity 3 sa Kidapawan City.

Wala namang inaasahang pinsala at walang aftershocks sa nasabing pagyanig.

Ang nasabing lindol ay hindi umano konektado sa naganap na 6.9 magnitude quake bagkus ay hiwalay ito.

 

Read More

PADADA, DAVAO DEL SUR NASA STATE OF CALAMITY NA

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISINAILALIM na sa state of calamity ang bayan ng Padada, Davao del Sur dahil sa tinamong grabeng pinsala dulot ng lindol.

Kasabay nito, tatlo na ang naitalang patay, anim ang nailigtas habang anim din ang patuloy na pinaghahanap sa gumuhong shopping center sa bayan ng Padada, Davao del Sur, matapos yanigin ng 6.9 magnitude na lindol ang nasabing lalawigan, Linggo ng hapon.

Ito ang kinumpirma ni Christopher Tan mula sa Padada Municipal Risk Reduction and Management Office.

Unang narekober ang balawang bangkay mula sa gumuhong Southern Trade Shopping Center pasado alas-10:00 ng umaga nitong Lunes na nakilalang sina Elsa Ababon, 52 at Vangie Artiaga, 67, asawa ng isang dating kapitan ng barangay, samantalang hindi pa makuha ang isa pang bangkay na nakita ng mga nagrespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Padada.

“Mahirap po pumasok sa loob, nag aftershock eh, kakatapos lang ng dalawang aftershock, so yun ang nakakahamper sa operation, lumalabas yung mga rescuers natin, nagtutulungan na lang lahat ng rescuers para mailabas yung dalawa at hopefully yung isa pang bangkay,” saad ni Tan.

Bandang alas-4:16 ng madaling araw nang isagawa ang ang rescue operation mula sa gumuhong gusali matapos makapag-text ang isa mga na-trap na empleyado sa isang kaibigan nito.

Nasa maayos namang kalagayan na ang anim na nasagip mula sa gumuhong shopping center, ayon kay Tan.

Sa ngayon ay nasa apat na ang naitalang patay sa naganap na lindol matapos unang maiulat ang pagkamatay ng 6-anyos na bata sa Barangay Asinan, idagdag pa rito ang naunang 16 na sugatan na nabagsakan ng mga debris sa bayan gn Magsaysay, kung saan apat sa mga ito ang nagtamo ng major injuries habang ang 12 iba pa ay nagtamo lang ng minor injuries.

Read More

4 PATAY SA 6.9 MAGNITUDE LINDOL SA DAVAO DEL SUR

(NI ABBY MENDOZA/JEDI PIA REYES)

APAT na residente ang iniulat na nasawi sa magnitude 6.9 na lindol sa Matanao, Davao del Sur,  Linggo ng hapon.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP) Director for Operations Chief Superintendent Samuel Tadeo na may inilunsad nang rescue operation para sa mga naipit pang biktima nang gumuho ang isang supermarket sa Padada, Davao del Sur.

“Mayroon po tayong ongoing rescue operations sa three-storey na collapsed structure, yung [Padada] Southern Trade na grocery store. Mayroon na pong tatlong patay,” ani Tadeo.

Sinabi naman ni Matanao Mayor Vincent Fernandez na mayroong anim na taong gulang ang namatay sa lindol sa kanilang lugar.

Nauna rito, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Davao del Sur na naka-apekto sa ilang lugar sa Mindanao.

Ang panibagong malakas na lindol ay dalawang buwan ang pagitan matapos ang killer quake noong Oktubre sa Mindanao kung saan 23 katao ang nasawi.

Ang magnitude-6.5 earthquake ay naganap noong  October 31, habang 6.6 magnitude noong Oktubre 28.

Ayon sa Phivolcs ang  sentro ng 6.9 magnitude na lindol na naramdaman alas 2:11 ng hapon ay sa Matanao,Davao del Sur.

Sa lakas ng lindol ay  Intensity VII ang naramdaman sa Matanao at Magsaysay sa Davao del Sur.

Intensity VI sa Kidapawan City; General Santos City; Bansalan, Davao del Sur; Alabel at Malapatan, Sarangani; at Koronadal City.

Intensity V sa  Tulunan at Matalam, Cotabato; Cotabato City; Davao City; at Glan, Saranggani.

Nasa Intensity III ay naitala sa Kalilangan, Talakag at Dangcagan sa Bukidnon.

Habang Intensity l naman Impasugong, Bukidnon; Cagayan de Oro City, Dipolog City at  Zamboanga del Sur.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at makapagtata ng aftershocks sa mga susunod na oras.

Inaalam pa ng Phivolcs ang naging lawak ng pinsala ng lndol gayundin kung may kinalaman ito sa dalawang malakas na lindol kamakailan.

 

Read More

AMIHAN SEASON SIMULA NA — PAGASA

(NI DAHLIA S. ANIN)

OPISYAL  nang nagsimula ang tag-lamig o panahon ng Amihan/Northeast Monsoon sa bansa, ayon sa Pagasa.

“Sa mga darating na Lingggo at buwan ay posibleng makakaranas na tayo ng mas malamig na temperatura, mga mahihinang pag-ulan pero hindi parin natin niru-rule out ang posibilidad ng bagyo sa Nobyembre at Disyembre,” ayon kay Pagasa weather Specialist Chris Perez sa isang panayam.

Hindi pa tiyak ng ahensya kung kailan dadako sa Metro Manila ang Amihan.

“Una pong mararanasan muna natin yung colder early morning temperatures dito sa may bandang dulong Hilagang Luzon dahil sa ngayon yun pa lang yung extent ng Amihan na nakikita natin,” dagdag pa ni Perez.

Ang panahong ng Amihan ay kadalasang tumatagal hanggang kalagitnaan ng buwang ng Pebrero at kung minsan ay umaabot pa sa unang Linggo ng Marso ay magdadala ng mga mahinang pag-ulan.

Pinahihina din nito ang bagyo na tutungo sa direksyon ng Hilaga dahil sa mainit at basa-basang hangin na dala nito.

Samantala, isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA at huli itong namataan sa layong 1, 395 kilometers Silangan-TimogSilangan ng Davao del Sur.

Kung sakali umanong pumasok sa PAR ang bagyo ay tutumbukin nito ang Central at Southern part ng ating bansa.

 

Read More

18 CLASSROOM ‘DI MAGAGAMIT MATAPOS ANG LINDOL

lindol44

(NI DONDON DINOY)

MAGSAYSAY, Davao del Sur-Ipinag-utos na ng alkalde sa naturang bayan sa lahat ng opisyal ng mga paaralan na napinsala ng malakas na lindol na hindi muna gamitin ang mga silid aralan na nagkaroon ng bitak dahil sa magnitude 5.6 na lindol, Martes ng gabi.

Ayon kay Mayor Arthur Davin, kailangang masiguro na ligtas ang mga guro at mag-aaral kung kaya’t kinakailangang maghanap sila ng “Temporary Learning Space” (TLS).

Tatlong paaralan ang lubhang naapektuhan ng pinsala at ito ay ang Bala National High School, Tacul Agricultural High School at Salud Cagas Vocational High School kung saan kinakailangang ma-relocate ang mga mag-aaral sa mas ligtas na lugar.

Sinabi ni Davin na hindi pa sila makagbibigay ng konklusyon hangga’t wala pang lumabas na resulta ng inspeksyon na isinagawa ng mga inhenyero mula sa sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ma-consolidate ang anumang rekomendasyon.

Sa Lunes din babalik ang klase sa Salud Cagas Vocational and Technical High School sa Barangay Bacungan, ngunit nasa 18 mga classrooms ang hindi muna magagamit kung hindi dadaan sa inspeksyon ng DPWH.

Dahil dito, ililipat sa TLS ang nasa 300 mga mag-aaral at ang barangay gym sa lugar muna ang magiging lugar ng klase habang balik-normal na ang mga elementarya at ibang sekondarya noong Huwebes.

Ipinag-utos na rin ni Davin sa kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council namaging alerto sa anumang uri ng sakuna lalo pa’t palaging dumaraan ang malakas na baha sa mga ilog nitong tag-ulan at parte na rin sa selebrasyon ng “National Disaster Resilience Month.”

Read More