DAGDAG-SAHOD NG PULIS, SUNDALO MATATANGGAP NA

AFP-PNP

(NI BETH JULIAN)

GOOD news!

Inaasahang matatanggap na ng mga sundalo at mga uniformed personnel ang kanilang inaasam na dagdag sweldo.

Ayon kay Budget and Management Officer in charge Janet Abuel, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget no. 576 na nagsisilbing panuntunan  para sa second tranche ng naturang dagdag sahod.

Paliwanag ni Abuel, dapat ay noong Enero pa ito naipatupad pero naantala ito dahil sa pagkabinbin ng pagpasa sa 2019 national budget.

Gayunpaman, naka-retroactive naman ang naturang dagdag sahod simula Enero 1, 2019, kaya walang dapat na ipag alala.

Sakop ng dagdag sahod ang lahat ng law enforcement agencies maging ng law enforcement personnel ng Philippine National Police (PNP).

 

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 200-K BAKANTENG TRABAHO SA GOBYERNO

workers

(Ni FRANCIS SORIANO)

LALO pang lumobo sa 205,275 ang mga bakanteng pwesto sa pamahalaan na kinabibilangan ng mga Department of Education, Department of Finance at Department of Health, ayon sa Department of Budget and Management (DBM)

Dahil dito ay isinisi ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na standard na ipinapatupad ng ilang ahensiya ng gobyerno kaya nagkakaroon ng maraming bakanteng trabaho.

Ayon kay CSC chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, panahon na para magbalik- tanaw o kailangan ng rebisahin ang minimum standard qualifications sa mga aplikante para mapunan ang mga bakanteng posisyon.

Dagdag pa nito na may inilagay na standard ang komisyon para sa mga aplikante pero binabago ito ng mga ahensiya kaya nahihirapan silang makakuha ng mga bagong empleyado.

 

Please follow and like us:
Read More

GUIDELINE SA UMENTO NG GOV’T WORKERS INILABAS NG DBM

dbm

(NI BETH JULIAN)

NAGLABAS ng guidelines ang Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapatupad ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng taas-sweldo sa mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng ikaapat at panghuling yugto ng salary standardization law.

Sa ilalim ng national budget circular number 575 ng DBM na may petsang Marso 25, nakasaad dito ang mga rules and regulations para sa pagpapatupad ng Exective Order 76 ni Duterte.

Saklaw ng circular ang lahat ng posisyon para sa civilian personnel, regular man, casual o contractual, appointees o elective, fulltime o part time sa sangay ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura, constitutional commission at iba pang constitutional offices at state universities and colleges.

Hindi naman saklaw ng circular na ito ang mga consultants at experts dahil limitado lamang ang serbisyo sa mga specific activity.

Hindi rin kasali sa coverage ng circular ang mga mangagagawa sa ilalim ng job contracts o pakyaw na tinatawag at ang mga binabayaran depende lamang sa serbisyo o trabaho.

Hindi rin saklaw ng circular ang student workers o apprentees at mga indibidwal o grupo na ang serbisyo ay nasa ilalim ng job orders, contract of service at iba pang katulad na paraan ng serbisyo.

Matatanggap din ng mga kawani ang kanilang  mga midyear bonus, productivity enhancement incentive at performance basis bonus alinsunod sa itinakdang rules and regulations.

Ang taas-sweldo sa mga kawani ng gobyerno ay epektibo ng Enero 1, 2019 na nilagdaan ni DBM officer- in- charge Janet Abuel.

 

Please follow and like us:
Read More

SALARY INCREASE NG MGA GOV’T WORKERS ILALABAS NA — DBM

dbm

(NI BERNARD TAGUINOD)

LUMILINAW na ang matagal nang hinala ng mga militanteng mambabatas sa Kamara na sinadyang ipitin ni dating Department of Budget and Management (DBM) secretary Benjamin Diokno ang salary increase ng mga government employees ngayong taon at ginamit na propaganda laban sa bangayan ng Kongreso sa 2019 national budget.

Ito ang pahayag ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio matapos aminin ni DBM acting Secretray Janet Abuel na puwedeng matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang 4th tranche ng Salary Standardization Law (SSL) 4 kahit reenacted ang national budget.

“Patunay ito na sadyang inipit lang ng Malacaňang ang release ng increase upang magamit sa propaganda kontra sa Kongreso habang pinag-aawayan ang hatian ng pork sa 2019 budget. Sa madaling sabi, sa ngalan ng pamumulitika at katiwalian, pinagkakait ng administrasyong,” ani Tinio.

Ang ang ikaapat at huling tranche ng SSL 4 ay hindi naipatupad noong Enero 1, 2019 matapos mabigo ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na maipasa ang 2019 national budget.

Sinabi ni Tinio na itinanggi noon ni Diokno na hindi maaaring ibigay ang huling tranche ng salary increase ng mga empleyado ng gobyerno hangga’t walang bagong budget subalit kontra ito sa pahayag ni Abuel.

“Kakarampot na ngang dagdag-suweldo sa mga guro at kawani na ginigipit ng mataas na presyo (iniipit pa).  Ito ba ang gobyernong “may malasakit”?,” pahayag ni Tinio.

Dahil dito, nanawagan ang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas na ng executive order upang mabayaran na ang salary increase ng mga government employees sa lalong madaling panahon.

Please follow and like us:
Read More

BUDGET SA PABAHAY SA 2020 IPINASUSUMITE NA SA DBM

housing1

(NI ABBY MENDOZA)

INATASAN na ng House of Representatives ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na magsumite na sa Department of Budget and Management ng panukalang budget para sa susunod na taon.

Sa naging pagpupulong ng  House committee on housing and urban development kaugnay ng status ng preparasyon ng implementing rules and regulation para sa bagong housing department,  iginiit ng mga mambabatas ang kahalagahan na ngayon pa lamang ay maihanda na ang budget ng departamento na mangangasiwa sa housing program ng gobyerno.

Sa meeting na pinangunahan ni Committee chair Albee Benitez, lumabas na nagkakanya-kanya pang nagsusumite  ng budget ang Housing and Urban Development Coordinating Council at ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Paliwanag ni Dir. Angelito Aguila ng HUDCC, aabutin ng anim na buwan ang transition kaya male-late na sila para sa submission sa DBM.

Dahil dito’y inihirit ng mga kongresista sa DBM na bigyan ng konsiderasyon ang DHSUD bilang bago lamang na ahensya.

Giit  naman ni Benitez na kahit wala pang IRR ay batas na at nalikha na ang DHSUD kaya kailangan nitong magsumite ng panukalang budget para sa susunod na taon upang mayroon silang mai-prisinta sa Kongreso pagsapit ng budget deliberation.

Please follow and like us:
Read More

BANTA NG SOLONS: DIOKNO ‘DI PWEDENG ‘DI DADAAN SA CA

diokno15

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ)

KUNG nakaiwas man si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa imbestigasyon ng Kamara sa mga kuwestiyonableng transaksyon nito sa kanyang dating tanggapan, wala itong ligtas sa nasabing isyu pagdating sa Commission on Appointment (CA).

Ito ang tila banta ng Kamara kay Diokno na itinalaga bilang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso laban sa kanya.

Tinaliwas din sa Kamara ang unang sinabi ng Palasyo na hindi na kailangang dumaan pa sa CA SI Diokno.

Ayon kay House minority leader Danilo Suarez, may dalawang miyembro ng minority bloc sa makapangyarihang komisyon na inaasahang gigisa sa dating Kalihim kapag naisalang na ito sa CA.

“Questions will be asked. That’s also good for him. It will enlighten and maybe answer some issues that haven’t been answered during the question hour,” pahayag ni Suarez.

Maliban sa Question Hour, hindi nagisa si Diokno hinggil sa P75 Billion na isiningit nito sa 2019 national budget, pagpapabidding sa mga proyekto ng ibang ahensya, pagpapabidding sa mga proyekto kahit wala pang aprubadong pondo, pagbibigay ng proyekto sa kaniyang mga in-laws sa Casiguran, Sorsogon, cash budgetting at iba pa, dahil wala itong dinaluhan kahit isang pagdinig.

Kinontra din ni House appropriation chairman Rolando Andaya Jr., ang Malacanang na hindi umano dadaan sa kumpirmasyon ng CA ang appointment ni Diokno sa BSP na chairman din ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

“The last time I checked, nakalagay may confirmation eh. Pati members ng Monetary Board ganun din eh,” ani Andaya.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PALASYO NANINIWALANG LULUSOT SA CA SI DIOKNO

Diokno

SA kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos sa pagkakaupo bilang bagong Bangko Sentral ng Pilipinas governor, naniniwala pa rin ang Palasyo na makalulusot sa Commission on Appointments (CA) si dating Budget secretary Benjamin Diokno.

Tiwala si Presidential spokesperson Salvador Panelo na makukumbinsi ni Diokno ang mga miyembro ng CA dahil na rin sa galing, at integridad nito.

Ang pagkakaupo umano ni Diokno ay patunay na hindi nawala ang tiwala sa kanya ng Pangulo kasabay ng paggiit ni Panelo na hindi naniniwala ang Pangulo sa mga akusasyon laban sa dating Budget secretary.

Please follow and like us:
Read More

BAR TOPNOTCHER ‘KAPALIT’ NI DIOKNO SA DBM

janet1

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bar topnotcher na si Budget Undersecretary Janet Abuel bilang acting secretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Si Abuel ay pansamantalang uupo sa pwesto na binakante ni Secretary Benjamin Diokno matapos itong italagang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapalit ng namayapang si BSP Governor Nestor Espenilla.

Sinabi ni Diokno na si Abuel ay nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Sydney sa Australia.

Please follow and like us:
Read More

HULING BAGSAK NG UMENTO SA GOV’T WORKERS SA MARSO NA

DBM SEC DIOKNO

(NI BETH JULIAN)

ASAHANG maibibigay ang huling bagsak ng umento o dagdag sahod ng lahat ng kawani ng gobyerno kabilang na ang mga guro ngayong taon sa ilalim ng salary standardization law.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, kumpiyansa ito na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2019 national budget sa kalagitnaan ngayong buwan ng Marso.

Sinasabing sa 2019 national budget huhugutin ang pondo para sa pagkakaloob na dagdag sweldo.

Gayunman, sinabi ni Diokno na posibleng sa susunod na taon na matatalakay ang pangakong doble sahod para sa mga guro at ilan pang kawani ng pamahalaan.

Sa ngayon ay pag aaralan pa ng DBM kung magkano ang ipatutupad na dagdag sweldo sa lahat ng empleado ng gobyerno para sa 2020 hanggang sa 2022.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakararating sa Malacanang ang mga dokumento para sa panukalang budget na P3.767 trillion na 2019 national budget.

Ito ay sa kadahilanang binubusisi pa nang todo ng technical staff ng Senado at Kamara.

Base sa impormasyon mula sa Legislative Budget, Research and Management Office, technical arm ng Senate Committee on Finance, sinisiguro nila na naipasok sa 2019 budget ang mga amyendang inaprubahan ng mga senador at kongresista at inaasahang sa susunod na linggo pa matatapos ang pagbusisi sa panukala kaya asahang sa suaunod na linggo pa ito maipadadala sa Malacanang para sa lagda ng Pangulo.

Please follow and like us:
Read More