DEATH PENALTY ‘DI PA NAPAPANAHON — PNP

pnp1

(NI JG TUMBADO)

NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa napapanahon para ipatupad ang death penalty.

Ito ang inihayag ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, kasabay ng paliwanag na ang posisyon ng PNP ay dapat munang masiguro na may mga malinaw na patakaran para hindi ma-abuso ang death penalty.

Dapat aniyang mapag-aralan munang mabuti kung magiging epektibo ang naturang kaparusahan sa kampanya kontra kriminalidad.

Gayunman, sinabi ni Banac na handa rin ang PNP na suportahan ito, lalo na para sa mga kasong may kinalaman sa droga at karumal-dumal na krimen.

Magugunitang sinabi ni dating PNP Chief at bagong halal na Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na isusulong nito ang death penalty para sa mga drug offenders kung siya’y maluklok sa Senado.

Please follow and like us:
Read More

KALIWA’T KANANG DROGA; PDEA HUMIHILING NG DEATH PENALTY

pdea12

(NI FRED SALCEDO/PHOTO BY JACOB REYES)

MATAPOS makasakote ng umaabot sa P3 bilyong halaga ng droga at sa sunud-sunod na pagsamsam sa mga ito, hinihingi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  ang death penalty sa mga nasa likod ng drug smuggling sa bansa.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na sa kawalan ng parusang kamatayan kaya malakas pa rin ang loob ng mga dayuhan na magpasok ng ilegal na droga sa bansa.

“That is the stand of PDEA, the restoration of death penalty for drugs, particularly on drug trafficking, drug smuggling, and drug manufacturing,” aniya.

Kasunod nga panibagong pagkakasabat ng droga sa Manila International Container Port (MICP) na nagkakahalaga ng P1.8 bilyon, sinabi ni Aquino na sa loob lang ng isang linggo, halos P3 bilyong halaga ng shabu ang nasasamsam ng PDEA.

Hindi pa umano naisasabatas ang death penalty at dahil ditto kung kaya’t namumutitik pa rin ang mabibigat na kaso na may kinalaman sa ilegal na droga. Bagama’t pinalalakas ng PDEA ang ugnayan sa ibang bansa para sa epektibong operasyon sa iligal na droga ay aminado silang wala pa rin takot ang mga dayuhan na magpasok ng droga sa bansa.

Ang nasamsam sa MICP ay bunga ng koordinasyon ng Vietnamese authorities sa bansa.

Biyernes ng umaga dumating ang kontrabando sakay ng barko mula Ho Chi Minh. Inilagay ito sa mga sako na idineklarang mga plastic resin.

Bawat sako ay may mga nakalagay na malalaking pakete ng tsaa,  sa loob nito ay nasa isang kilo ng shabu.

Ayon sa mga chemist ng PDEA na nagsuri sa kontrabando, mga high-grade shabu ang mga laman nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG OFW SA SAUDI NAHAHARAP SA BITAY

saudi12

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang isang mambabatas sa Kamara sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na agad na magreport kapag nabiktima ang mga ito ng krimen upang maiwasang mapahamak sa huli.

Ito ang payo ni ACT-OFW party-list Rep. John Bertiz III kasunod ng kaso ng isang household service worker na Pinay sa Jeddah, Saudi Arabia na posibleng maharap sa parusang kamatayan matapos mamatay ang kanyang anak.

Nabatid na ang Pinay ay ginahasa at nabuntis umano ng isang dayuhan na driver ng kanyang employer at dahil sa takot ay itinago nito ang kanyang pagbubuntis hanggang sa manganak noong Pebrero subalit namatay umano ang anak nito.

“We send our deepest condolences to our fellow OFW in Saudi Arabia after the unfortunate incident that happened to her and her new-born child,” ani Bertiz subalit nangangamba ito sa kalagayan ng Pinay na ngayon ay nakakulong na sa nasabing bansa.

Sinabi ng mambabatas sa nahaharap ngayon sa kasong immorality at infanticide ang Pinay dahil sa pagbubuntis na walang asawa at pagkamatay ng kanyang bagong silang na anak.

May parusang kamatayan sa pamamagitan ng bitay ang ganitong mga kaso sa Saudi Arabia kapag napatunayan ang kanilang pagkakasala, ayon kay Bertiz.

Dahil dito, umapela si Bertiz sa gobyerno na ibigay ang lahat ng legal assistance sa hindi pinangalanang Pinay dahil maaari umanong maibasura ang kasong infanticide kung mapatunayang ginahasa ito ng driver ng kanyang employer kaya nabuntis.

Please follow and like us:
Read More

DEATH PENALTY SA MAGDADALA NG DROGA SA PARTY

PARTY DRUGS.jpg

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Bagama’t walang parusang kamatayan o death penalty sa Filipinas, ito pa rin ang ipapataw na parusa sa mga sangkot sa ilegal na droga kasama na ang mga taong nagdadala ng illegal drugs sa mga party.

Ito ang isa sa mga nilalaman ng Committee Report No. 111 ukol sa House Bill (HB) 8909 na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerour Drug Act of 2002 at inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang mga taong sangkot sa ilegal na droga tulad ng drug lord lalo na ang mga dayuhan, nagmementina ng mga drug den at labortoryo, nagpapasok ng mga chemical na ginagamit sa ilegal na droga ay mahaharap sa parusang life imprisonment hanggang parusang kamatayan.

Kasama na rito ang mga taong magdadala ng mga ilegal na droga sa mga social gathering tulad ng concert, party at iba pang uri ng pagtitipon ng higit sa dalawang tao.

Bukod sa parusang kamatayan ay mayroon ding multang P500,000 hanggang P10 million.

Ayon kay Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs, naniguro lamang umano ang mga ito na death penalty ang ipapataw na parusa sa mga sangkot sa ilegal na droga dahil umaasa ang mga ito na magiging batas ang Death Penalty Law na naipasa ng Kamara at inaantay na lamang ang aksyon ng Senado.

Gayunpaman, hanggang ngayon ay nakatengga sa Senado ang nasabing panukala dahil maraming senador ang tutol na maibalik ang parusang kamatayan sa bansa na inalis ni dating Pangulo at ngayon’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo noong 2006.

Please follow and like us:
Read More