MAY CHEMISTRY ANG DONGJEN

Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network
0
Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network

Pinagkagastusan ng GMA 7 ang Philippine adaptation ng 2016 South Korean drama series na Descendants of the Sun. First episode pa lang na napanood sa mediacon, chopper kung chopper na!

Bonggacious ang foods sa mediacon. Fabulous ang set-up sa studio ng GMA Annex. At andiyan pa ang mga panauhin mula sa AFP (Armed Forces of the Philippines).

Andaming cast members, pero syempre, ang pinagkaguluhan lang ng media people ay ang apat na bida ng palabas — sina Dingdong Dantes (bilang Captain Lucas Manalo aka Big Boss), Jennylyn Mercado (bilang Dr. Maxine de la Cruz aka Doc Beauty), Rocco Nacino (bilang Technical Sergeant Diego Ramos aka Wolf), at Jasmine Curtis-Smith (bilang Capt. Moira Defensor).

Oh, yes! May chemistry ang DongJen! Kilig-kiligan agad ang kanilang mga eksena sa first episode, kahit alam nating malabo silang matulad sa mga orig na bida na Song-Song (Song Joong-ki at Song Hye-kyo) na nagkagustuhan, nagpakasal, and eventually nagdiborsyo.

Pamilyado na si Dingdong, at si Jennylyn ay may ka-CoLove na. May Valentine concert sina Jennylyn at Dennis Trillo, at abang-abang tayo kung magpo-propose doon si Dennis kay Jennylyn.

Bago pa nag-taping sina Dingdong at Rocco ay nag-bonding na sila. Inimbitahan ni Dingdong si Rocco sa bahay niya, at nagkakuwentuhan sila ng mga bagay-bagay sa buhay.

Kahawig ni Rocco si Jin Goo, na gumanap bilang Sergeant Major Seo Dae-young aka Wolf sa Korean drama. Kaya pasok na agad siya sa casting ng Pinoy version ng DOTS.

Apat o limang Kapuso actress ang nag-audition para maka-love interest ni Wolf.

Kuwento ni Rocco, “The whole day, paulit-ulit ako sa eksena ko. Noong nakita namin si Jasmine at may mga ginawa kami…. lahat kami…. hmmmnnn… hmmn… she deserves it.”

Kasali rin sa DOTS sina Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Neil Ryan Sese, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Carlo Gonzalez, Roi Vinzon, Hailey Mendes, Marina Benipayo, Pancho Magno, Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles at Bobby Andrews.

May cameo role dito sina Tonton Gutierrez, Sophie Albert Kim Rodriguez, Addy Raj, Ronnie Henares, Mark Herras at Gabby Eigenmann. Ang direktor ay si Dominic Zapata.

Syanga pala, ang bagong Music Ambassador ng NCCA na si Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song ng serye na You Are My Song.

Magsisimulang umere ang Descendants of the Sun sa Pebrero 10, after Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

NCR OPENING NG NATIONAL ARTS MONTH

NCR Opening ng National Arts Month 2020 ngayong Pebrero 1, Sabado sa Luneta Grounds and Rizal Park Open Air Auditorium.

3:00 PM ang workshops on the seven Arts — Architecture, Cinema, Dance, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, at Visual Arts.

6:00 PM ang Opening Program.

Punong-abala sa National Arts Month ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts), na pinangungunahan ni Chairman Arsenio “Nick” Lizaso.

TULONG TAAL NGAYON SA ASTRODOME

Ngayong Sabado, 6:00 PM na po ang concert na Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Kabilang sa magtatanghal dito sina Alakim, Angeline Quinto, Bayang Barrios, Beverly Salviejo, Carla Guevarra-Laforteza, El Gamma Penumbra, Frenchie Dy, Gerphil Flores, Isay Alvarez-Seña, Janice Javier, Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Jose Rizal Institute Singers, Kiel Alo, Lawrence Mossman, Mandaluyong Children’s Choir, Poppert Bernadas, Richard Reynoso, Robert Seña, The Company, The Fortenors, Tricia Canilao, Vehnee Saturno at Zephanie.

Ang prime movers sa fund-raising show na ito ay sina Vehnee Saturno, Dr. Carl Balita at Isay Alvarez.

Ang halaga ng tiket sa Tulong Taal concert ay P1000, P500 at P300.

Para sa tiket, makipag-alam sa mobile number 0938-830-0350.

 

Read More

KATHRYN GETS 2nd BEST ACTRESS AWARD

0

(NI JONATHAN ANG)

GINANAP ang 3rd EDDYS Awards sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao nitong Sunday, July 14. Ang nominees at winners ng EDDYS ay taunang pinagdedesisyunan ng mga miyembro ng SPEEd or Society of Philippine Entertainment Editors.

Narito ang ilan sa aking nasaksihan o naobserbahan sa apat na oras na itinakbo ng EDDYS awards 2019:

Bago nagsimula ang prog­rama at 8pm (at nagwakas ng 12mn), meron munang red carpet moments hosted by Kapuso artists Juancho Trivino and Arra San Agustin.  The opening production number featured different music genres. Kilig much at nostalgia galore ang fans sa sayaw nina Rayver Cruz at Rayt Carreon.

Si Korina Sanchez Roxas ang nag-iisang host.

Amongst the night’s special awardees and honorees, dalawa sa aking highest-level favorite actress na hindi nakadalo para tanggapin ang kani-kanilang award ay sina Celia Rodriguez at Odette Khan. Nakapanghihinayang na hindi natin narinig ang siguradong lively acceptance speeches nilang dalawa.

Hinarut-harot ni Nova Padilla si Eric Quizon matapos iabot ang Posthumous Award kay King of Comedy Dolphy. Sinabi ni award presenter Nova na habang nagkakaedad ay mas lalong nagiging kahawig ni Eric ang ‘partner’ niyang si Kevin (character ng kanyang nasirang ama sa 90s TV sitcom na “Home Along Da Riles”).

Parang napadaan lang si Piolo Pascual sa kanyang napaka-casual na suot nung bigla siyang sumulpot mula sa backstage at better late than never na tanggapin ang Rising Producer of the Year Award for Spring Films na moviemaking venture niya with Director Joyce Bernal and Erikson Raymundo.

Hindi tinanggap personally ni Kathryn ang kanyang Best Actress award for The Hows of Us (pangalawa na niya ito) at nandoon naman si Dingdong Dantes to personally accept his Best Actor trophy for Sid & Aya. Tinalo niya si Manoy Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset), among others. Liway ang Best Picture awardee.

Wala raw maniobrahan ng chosen winners ang EDDYS dahil mismong SPEEd members ay hindi alam kung sino ang nagwagi hangga’t hindi nahahayag sa mismong awards night ang winners’ names na nakasulat o nakaimprenta sa mga envelope na walang leakage kaninuman at pinakaingat-ingatan ng Chan Robles & Company, the official vote tabulators for the EDDYS.

For the complete list of EDDYS 2019 winners and honorees, please check out Showbitz News na nasa kaliwa ng column na ito.

 

Read More

ALDEN PINALITAN NA NGA BA SI DINGDONG?

alden43
0

(NI PETER LEDESMA)

AMONG  the Kapuso actors na kinuha ng Star Cinema para sa kanilang projects ay most pampered itong si Alden Richards.

Yes, ginagastusan talaga nang todo ng nasabing movie outfit ang promo ng first movie sa kanila ni Alden na “Hello, Love, Goodbye,” katambal si Kathryn Bernardo.

Never pa yatang ginawa ng Star Cinema top executives sa kanilang mga past projects na ultimo official poster ng pelikula nina Alden at Kathryn ay kailangan pang i-promote sa ABS-CBN Studio ng Star Cinema.

Siguro kung walang existing na contract si Alden sa GMA-7 ay agad-agad itong bibigyan ng Kapamilya Network ng TV show.

Puro papuri ang maririnig mo sa mga taga-ABS-CBN sa Kapuso actor na sobrang bait raw at very professional.

Naku, mukhang goodbye Dingdong Dantes na ba sa Star Cinema dahil ang favorite actor nila ngayon ay si Alden?

Ni hindi pa nga naipalalabas ang Hello, Love, Goodbye ay may follow-up project na agad si Alden sa Star Cinema at isang sikat na Kapamilya aktres ulit ang makakatambal nito!

Di ba, bongga?

Read More

DINGDONG DANTES, UMALMA SA ISYU NG NYC

dingdong12
0

WHATTA MEL(NI MELL NAVARRO)

MALACANANG orders National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema to vacate his post after he asked the Comelec to allow him to replace his wife, Ducielle Suarez, as first nominee of Duterte Youth party-list.” Ito ang balita kamakailan.

Umalma sa isyung ito si Dingdong Dantes, dati ring head ng NYC. Sa kanyang Facebook account, pakiwari ng aktor na ang ginagawa ni Cardema ay “railroading” upang makakuha ng seat sa Kongreso, kahit wala ito sa listahan ng nominees ng nabanggit na party-list. Part ng post ni Dingdong:

“If the petition will be granted, parang na-railroad ang democratic process. I think we all agree that the young people should never— ever — be disenfranchised, especially in governance. But with the country’s Youth Chief getting into this? Teka lang.

“Ipinaglaban at patuloy na itinataguyod ng mga opisyal at empleyado ng National Youth Commission (NYC) ang karapatan at kakayahan ng kabataang makibahagi sa pamamahala, regardless of regime.

“Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag-resign siya bilang NYC Chairman. Maaari kasing na­gamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya.
“Marami siyang dapat ipaliwanag kung paanong nag-withdraw lahat ng nominado ng kanilang Party List at sa biglaan niyang pagpasok bilang substitute ng kanyang asawa.

“Sa ating mga bagong mambabatas, please look into the Party-List system. Ipagtanggol at palakasin po sana n’yo ang mekanismong nagbibigay espasyo sa mga sektor na marinig ang kanilang mga boses.

“At sa’yo Mr. Cardema, if you really want to serve the young people, you are already in the best position to do so. Tanungin mo si Chairman CY Diño Seguerra, whom I respect so much.”

CONSISTENTLY nominated ang mahuhusay na PPL Entertainment artists at Kapuso stars na sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, at Max Collins sa award giving bodies ngayong 2019.

Na-nominate bilang best supporting actor si Gabby sa kanyang performance sa Citizen Jake ng batikang si Mike De Leon sa FAMAS (ginanap noong April 28), and nominated siyang muli sa parehong kategorya at pelikula sa PMPC Star Awards for Movies (gaganapin sa June 2).

Both Sunshine and Max have two nominations — as best supporting actress in both PMPC Star Awards for Movies at sa Eddy’s Awards (also to be held this June) – si Sunshine for Rainbow’s Sunset, while si Max ay for Citizen Jake din.

Aabangan together sina Gabby at Sunshine sa Versus ni Direk Ralston Jover, produced by Art Cruz (naka-based sa Australia). Isa itong pasabog na LGBT court drama film tungkol sa isang “tranny” na biological father at isang ina na kapwa ipinaglalaban ang custody ng kanilang anak.

 

Read More

MARIAN WALA NANG DAPAT ITAGO

marian
0

SCENESSA tanong kay Marian Rivera kung ano ang sekreto o rule niya sa buhay kaya maganda ang takbo ng kanyang personal and professional life, ang isinagot niya ay ang pagpapakatotooo sa sarili.

“Yun ang number one rule talaga sa buhay ko.

“Hindi ko nilalahat, pero sa showbiz kasi minsan takot talaga ang iba na ipakita ang totoong sila, pero ako hindi, e. My number one rule is ipapakita ko kung sino ako at wala akong itatago.”

Ito nga ang “formula” kaya happy si Marian.

“Well siguro kanya-kanyang formula yan, depende talaga sa personalidad.

Sa dami na ng narating ni Marian, may gusto pa ba siyang makamit?

“Alam mo ‘yung mga… ang tao, naniniwala akong hindi nauubusan ng pangarap ‘yan, kahit simpleng bagay papangarapin niyan.

“Kahit simpleng pagkakataon gugustuhin nila. Pero sabi ko nga, minsan sa punto ng buhay ng tao hindi naman kailangan palagi kang mangarap, eh.

“Minsan kapag binibigay na sa iyo lahat, or feeling mo na-experience mo na, minsan matuto tayong maging steady lang, magpasalamat kung anong meron ka. “Minsan nga kung ano pa ‘yung mga bagay na hindi mo ine-expect, mas dadating pa sa buhay mo, e.

“Siguro ano lang, para sa akin na ina-apply ko, kung  anong meron ako tsine-cherish ko ‘yun e, mina-maximize ko, e.

“Kasi sobrang blessed ako with my family, at dun pa lang sa pamilyang meron ako masaya na ako dun, at kuntento na ako. Kung ano ‘yung extended na nae-experience ko, at nabibigay sa akin, mga endorso na nagtitiwala sa akin, mga kaibigan na nandiyan para sa akin, ‘yun talaga sobrang bonus ‘yun para sa akin. “Pero kung meron mang mas mahalaga sa buhay ko ngayon, e ‘yung pamilyang meron ako.”

Bukod sa paghahanda para sa pagdating ng araw ng kanyang panganganak this year ay abala rin si Marian sa kanyang showbiz career; regular host siya ng Sunday PinaSaya at Tadhana sa GMA at celebrity endorser ng, among others, Kultura Pearls, Canesten, Reverie ng Beautéderm Home. at Mega Prime food products.

Handang-handa na raw si Zia na maging ate.

“Super-ready na siya,” ayon kay Marian.

“Actually nung nalaman ko pa lang na buntis ako sinabi na namin sa kanya. “Everytime na magbi-visit kami sa OB [Gyn] kasama namin siya para nakikita niya sa monitor talaga at gusto namin na involved siya sa lahat ng nangyayari sa bawat pagpunta namin sa OB.

“Para at least hindi siya makaramdam ng alam mo yun, ‘Ah magkakaroon na ako ng kapatid , bakit ganito?’

“So gusto naming i-involve siya na walang  dahilan para magselos siya, na pantay-pantay sila.”

Consistent si Marian sa sagot niya kapag tinatanong kung handa ba siya kung sakaling gugustuhin ni Zia na mag-artista rin tulad ng kanyang mga magulang.

“Mag-aral muna siya. Mag-aral muna siya.”

Kailangang tapos muna ng kolehiyo si Zia bago pasukin ang showbiz.

“Sana, oo naman. Iba pa rin ang may pinag-aralan.”

Commercials ay puwede naman raw for Zia.

“Pero may certain age kami na up to ganun lang.”

Sa interview sa Asawa Ko, Karibal Ko male lead star na si Rayver Cruz ay sinabi ng bagong Kapuso star na isa si Marian sa mga gusto niyang makatrabaho sa GMA.

“Why not, ‘di ba? Lahat ng gusto akong makatrabaho, why not? Sana makatrabaho ko sila. And welcome back to GMA! Mas masaya, mas madami, mas masaya ‘yun, ‘di ba?”

“Ano kami…showdown kami sa Sunday Pinasaya.”

Parehong mahusay na dancer sina Marian at Rayver.

 

Read More