PALASYO ‘WAIT AND SEE’ SA AKSIYON NG DFA VS CHINA

dfalocsin12

(NINA KIKO CUETO, CHRISTIAN DALE)

HIHINTAYIN muna ng Malakanyang ang magiging sagot ng China sa diplomatic protest na isinampa ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin kaugnay sa paglubog ng isang Philippine fishing boat sa Recto Bank.

Para sa gobyerno, “outrageous, barbaric, uncivilized” ang ginawang pagbangga ng  Chinese fishing vessel  sa Filipino fishing vessel F/B Glimver 1 dahilan upang lumubog ito.

Batid ng Malakanyang na sirang-plaka na ang pamahalaan sa paghahain ng diplomatic protests sa China at tila wala namang nangyayari rito kaya’t kung iaakyat man ito sa United Nations (UN) ay mangyaring hintayin na lamang ang desisyon ni  Locsin.

Nauna rito, kinumpirma ni Locsin na nagsampa na ito ng diplomatic protest kaugnay sa paglubog ng isang Philippine fishing boat sa Recto Bank.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Locsin na nitong Huwebes niya inihain ang diplomatic protest.
Sinabi pa nito na iimbestigahan din ng Maritime Safety Committee ng International Maritime Organizarion ang insidente na nangyari noong Hunyo 9.

Sa nasabi rin na tweet, tinukoy pa niya si Sen Antonio Trillanes IV na unang inirekomenda sa DFA na makapagsagawa ang IMO ng independent and objective investigation sa pangyayari.

Hindi naman nagbigay pa ng iba pang detalye ng kanyang diplomatic protest si Locsin.

 

Please follow and like us:
Read More

PHL NAGHAIN NG DIPLOMATIC PROTEST VS CHINA

china21

(NI CHRISTIAN DALE)

NAGHAIN ng diplomatic protest ang Pilipinas, kaugnay pa rin sa pagbangga ng isang Chinese fishing vessel sa barko ng mga Pinoy fishermen na nagresulta sa pagkalubog ng barko nito sa West Philippine Sea.
Mismong si Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy” Locsin ang nagbigay ng anunsyo.

Sinabi ni Locsin na hindi tama ang ginawa ng mga Tsino. Naunang ibinunyag ni Defense chief Delfin Lorenzana na binangga ng Chinese vessel ang Filipino fishing boat saka iniwan at inabandona ang 22 fishermen sa karagatan.

“I fired off a diplomatic protest yesterday,” sinabi ni Locsin.
Ito’y tugon ni Loscin sa sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na dapat ay trabahuhin na ito ng isang international agency.

“I will proceed on the merits of the case and what it calls for while the matter is studied by the International Maritime Organization (IMO),” sinabi ni Locsin.

Naunang tinawag ni Locsin ang insidente na isang “hit and run” case at sinabi niya na ito’y “contemptible and condemnable.”

Naka-angkla ang Philippine ship nang banggain ito ng Chinese vessel, ayon kay Lorenzana.
Isang Vietnamese fishing vessel ang nagligtas sa mga Pinoy.

 

Please follow and like us:
Read More

PINAS PINAGPOPROTESTA NG MGA SOLONS VS CHINA

china21

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT na magprotesta ang Pilipinas laban sa Chinese government kaugnay ng masamang sinapit ni dating Supreme Court Justice at ombudsman Conchita Carpio-Morales sa paliparan ng Hong Kong noong Martes.

Ito ang hamon ng ilang senador kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi umano katanggap-tanggap ang nangyari sa pamilya ni Morales at sa lahat ng Filipino sa buong mundo.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros malinaw na isang uri ng ganti kay Morales ang ginawa nitong pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyales ng Chinese government sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng “crimes against humanity” at sa usapin sa West Philippine Sea.

“I challenge President Rodrigo Duterte’s administration to defend one of the country’s most accomplished public servants and bring this directly to the Chinese government, lest it be accused of siding with China against one of our country’s own citizens,” ani Hontiveros.

“Bullying a 78-year-old former public servant who is known for her sterling public service record is ludicrous. I call on the Chinese government to explain why it held for four hours without any explanation a former high-ranking Philippine government official and a senior citizen who simply went to Hong Kong with her grandchildren to have a vacation,” dagdag pa nito.

At sa nangyari umano kay Morales na kilalang dating opisyal ng pamahalaan ay hindi malayong mangyari kahit sinong Filipino na nais magtungo sa China dahil lamang sa paggigiit ng Pilipinas na sakop nito ang West Philippine Sea na inaangkin ng China.

Sinabi naman ni Senador Leila de Lima na ang nangyaring insidente ay dapat na iprotesta ng Pilipinas dahil hindi dapat ituring na personal ng China ang ginawang paghahain ng kaso ni Morales laban kay Chinese President Xi Jinping.

“This incident must not be reduced into a personal affront to which the government should have no say. It should instead be considered by our government as a signal that the Del Rosario-Morales complaint vs. Chinese President Xi Jinping over “crimes against humanity” is being treated as a serious matter, and it should thus do the same. It should treat this controversial incident as nothing less than a national issue,” sabi nito.

“Mahiya naman kayo! Ombudsman Morales has served this country with the honor and dignity befitting a public servant of the highest order. I suggest you do the same,” giit ni De Lima sa China.

 

 

Please follow and like us:
Read More

CHINA PINASASAGOT SA DIPLOMATIC PROTEST NG DFA

pagasa island12

(NI BETH JULIAN)

BINIBIGYAN ng pagkakataon ng Malacanang ang China para sagutin ang diplomatic protest sa inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa presensya ng Chinese Maritime Militia vessels sa Pagasa Island.

Sa press briefing sa Malacanang, ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na alinsunod sa proseso ay binibigyan ng sapat na panahon ang respondent na pag-aralan ang reklamo o note verbal o protesta na inihain laban sa kanila ng isang  bansa.

Sinabi ni Panelo na sa ngayon ay wala pang tugon si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa diplomatic protest laban sa China.

Ayon kay Panelo, may nakita siyang missed call sa kanyang cellphone nitong Miyerkoles mula kay Zhao ngunit hindi niya ito nasagot dahil sa dami ng kanyang meeting.

Hindi rin isinasantabi ni Panelo ang posibilidad na matalakay nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping ang mga inihaing diplomatic protest laban sa China sa kanilang pagkikita sa katapusan ng Abril.

Partikular na asahang tatalakayin ang presensya ng Chinese vessels sa mga isla sa West Philippine Sea na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte sa Belt and Road Forum sa Beijing.

Una nang kinumpirma ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin Jr., na naghain na sila ng protesta bago pa man ito tumulak patungong China noong Marso 17.

Please follow and like us:
Read More