PAGBILI NG P2B G280 GULFSTREAM AIRCRAFT IDINIPENSA NG DND

lorenzana55
0

(NI JESSE KABEL)

DINEPENSAHAN ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagbili ng pamahalaan ng G280 Gulfstream aircraft na nagkakahalaga ng P2 billion.

Sinabi ni Lorenzana na hindi gagawing presidential plane ang bagong biling G280 aircraft para sa Philippine Air Force (PAF).

“Let me emphasize that we do not consider the G280 as a luxury aircraft, but a necessary component of the AFP modernization program for command and control of our Armed Forces on air, land, and sea, “ paunang pahayag Lorenzana.

Ayon sa kalihim  binili ang nasabing eroplano na ni-reconfigure bilang isang command and control air craft para higit pang malinang ang technological capabilities ng hukbong panghimpapawid.

Lubha umanong mahalaga ang gamit ng nasabing eroplano para sa 24/7 real-time command and control, lalo na sa panahon ng krisis.

“The Gulfstream G280 acquisition is part of our efforts to modernize the Armed Forces of the Philippines. It will be operated in consonance with other command and control platforms that we currently have, and those we plan to acquire in the future,” paliwanag pa ng kalihim.

Magagamit din umano ito sa mga  mercy flights para maghatid ng mga sugatang sundalo at mga malubhang sibilyan na may sakit para sa agarang medical evacuation.

Ito ang binigyang-linaw ni Lorenzana matapos ang kaliwat kanang batikos mula sa mga netizen.

Giit ng kalihim, matagal nang nakalatag sa AFP Modernization Program na naglalayong palakasin ang kakayahan ng Hukbong Panghimpapawid ng bansa sa mga makabagong kagamitan.

Una na aniyang binigyang-linaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya nais bumili ng bagong eroplano para lang sa kanyang sariling gamit kundi ito’y para sa Command and Control ng AFP.

 

Read More

AFP UMAMIN: DEPENSA SA PINAG-AAGAWANG TERITORYO, MAHINA

lorenzana55
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAMIN ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na limitado ang kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga dayuhang nanghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Ginawa ni Lorenzana ang pag-amin sa pagdining sa sa  Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pondo ng DND sa susunod na taon na magkakahalaga ng P188.65 billion nitong Martes.

“Currently, very small capability to react to this intrusions, territorial seas, very vast and only few equipment,” ani Lorenzana nang tanungin ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kung may kapabilidad ang AFP laban sa mga nanghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Dahil dito, kinumusta ni Defensor ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) na siyang nagbabantay sa lahat ng karagatan ng Pilipinas at tiyaking walang  mga dayuhang nakakapasok.

“Very weak capability, in fact we lack coast guard assets in Sibutu and Bongao,” sagot ni Lorenzana.

Magugunita na ilang beses na dumaan ang mga warship ng China sa Sibutu Strait sa Mindanao na hindi nagpapaalam na naging dahilan para pumalag si Pangulong Rodrigo Duterte at hiniling sa ibang bansa na humingi muna ng permiso bago dumaan sa ating karagatan.

“Recently when President pronounced they have to ask permission, we now have basis to do that, Navy now have SOPs to do when unauthorized intrusions,” ayon pa kay Lorenzana subalit hindi na ito nagbigay ng karagdagang impormasyon.

“Hinamon naman ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro ang AFP at DND na huwag lang puro aniya dada sa pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas laban sa China na nanghihimasok sa ating teritoryo tulad sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

“Uphold sovereignty and territorial integrity. Ano mga action ginawa sa Panatag Shoal, Chinese militia vessels…tayo sa DND puro dada lang ginagawa sa seemingly invasion ng China vessels…ano ginawa DND bukod sa pagdadada?,” ani Castro.

Sumagot naman si Lorenzana na magsusumite na lamang ang mga ito ng dokumento ukol sa kanilang ginagawang aksyon ukol sa nasabing problema.

Read More

DND UMAPELA SA PUBLIKO VS PAGSABOG SA SULU

indanan sulu12
0

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAPELA ang Department of National Defense (DND) sa publiko na patuloy na maging mapagbantay kasunod ng dalawang pagsabog sa tactical command post ng 1st Brigade Combat Team (IBCT) ng Philippine Army sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong sundalo habang 22 naman ang nasugatan nitong  June 28.

“The DND calls for continued vigilance in light of the recent bombings in Sulu which led to the very unfortunate loss of lives, both civilian and military. We extend our sympathies to the victims of this heinous act, and vow to hunt down those who are responsible,”  pahayag ni Defense  spokesperson Arsenio Andolong na ipinadala sa media.

Idinagdag pa  ni Andolong na ang naganap na pambobomba ay patunay lamang na kailangang magtulungan ang publiko at mga security agency ng bansa para labanan at pigilan ang mga violent extrimism sa komunidad at mapanatili ang kapayapaan sa bansa, partikular sa rehiyon ng Mindanao.

Gayunman, ipinaalam ni Andolong sa publiko na nagsasagawa na ang gobyerno ng malalimang imbestigasyon sa pag-atake at hindi titigil hanggang hindi napapanagot ang mga responsable sa fatal bombing  sa Sulu.

Samantala, mariin namang kinondena ni Armed Forces Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr. ang pambobomba na bumiktima hindi lamang sa mga sundalo na ang tanging layunin ay mapanatili ang katahimikan pati na rin sa mga inosenteng sibilyan na nasa lugar ng pagsabog na aniya’y isang karuwagan.

Ginawa ni Madrigal ang pahayag kasunod ng pagbisita sa mga tropa ng IBCT, kasama ang bagong comamander ng AFP-Western Mindanao Command na si MGen. Cirilito Sobejana, para personal na alamin ang sitwasyon maliban sa pagsasagawa ng ocular inspection.

Binisita rin at ginawaran ng Wounded Personal Medal ni Madrigal ang mga miyembro ng IBCT sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo, na nasugatan sa marahas na insidente.

Read More

PAG-ALIS NG MARTIAL LAW SA M’DANAO PINAG-AARALAN NG DND

martial law12
0

(NI JG TUMBADO)

INIHAYAG ng Department of National Defense (DND) na mayroon silang regular na konsultasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa posibilidad ng pag-aalis ng Batas Militar sa Mindanao.

Ang reaksiyon ay kasunod na rin ng hiling ni Davao City Mayor Sara Duterte na panahon na para tanggalin ang Batas Militar sa lungsod dahil maayos naman aniya ang sitwasyon ng ‘peace and order’ sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, bago pa man ang hiling ng Presidential daughter, batid nila na mayroon ng ibang lugar sa Mindanao na payapa na at walang banta ng terorismo.

Dagdag pa nya, sa katunayan ay gusto na nga nilang alisin ang Batas Militar sa Mindanao sa lalong madaling panahon pero dahil wala pa silang kumpletong pagtataya sa seguridad dito kung kaya’t hindi pa nila ito mairekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandan na una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa Korte Suprema nitong Pebrero na irerekomenda nyang tanggalin na ang deklarasyon ng Batas Militar sa Mindanao sa Hulyo 1 kung maamyendahan ang Human Security Act ngunit hindi naman ito naamyendahan.

Read More

DND UMAMIN: ASSET NG MILITAR KAPOS SA RECTO BANK

lorenzana12
0

(NI JG TUMBADO)

KULANG ang ‘military asset’ ng Pilipinas para mapunan ang pagbabantay sa karagatang sakop ng bansa, partikular ang Recto Bank.

Ito ang pag-amin ng Department of National Defense (DND) kaugnay ng naganap na banggaan ng Chinese Militia vessel sa mga Pilipinong mangingisda na sakay ng F/B GemVir Uno nitong Hunyo 9.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi sapat ang gamit at barko ng bansa  para makapagpatrulya sa ‘fishing domain’ o karagatan na pwedeng pangisdaan.

Kasunod nito, sinabi ni Lorenzana na walang “sovereign rights” ang Pilipinas sa Recto Bank.

Paliwanag nya, sakop ng 200 Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Recto Bank ngunit walang Exclusive Economic Rights dito at kahit sino ay maaaring tumawid dahil sa tinatawag na freedom of navigation.

Nabatid na ang Recto Bank ay 85 nautical miles lang ang layo sa Palawan.

Samantala, itinuro naman ni Lorenzana ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na may malaking responsibilidad sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mangingisda.

Kanya ring sinabi na napapanahon na para sa modernization ng Philippine fishing boats.

Read More

JOINT MILITARY PATROL SA WEST PHL SEA IPAUUBAYA SA DND

west phl sea12
0

(NI BETH JULIAN)

IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa Department of National Defense (DND) ang rekomendasyon na magkaroon ng joint military patrol sa West Philippine Sea.

Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng mungkahi ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na magsama-sama ang mga awtoridad ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at iba pang claimants para hindi na maulit ang vessel collision sa Recto Bank sa WPS.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, mas alam ng Defense Department kung ano ang mabuting hakbang para rito.

Nanindigan din si Panelo na hindi isusuko ng gobyerno ang kasarinlan ng Pilipinas sa kahit na anong bansa.

Una na ring inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inaalam na nila ang kumpletong ulat para malaman kung paanong nangyari at nabangga ang fishing boat ng mga Pinoy fishermen.

Sinasabing common fishing ground ang Recto Bank sa WPS  kung saan bukod sa China ay nangingisda rin doon ang Vietnam, Taiwan at Japan.

Gayunman hindi pa rin dapat binangga ang bangka at iniwang palutang-lutang sa karagatan ang mga mangingisdang Pinoy.

 

Read More

PANGAMBA SA CHINESE WARSHIP SA BAJO DE MASINLOC PINAWI

masinloc12
0

(NI AMIHAN SABILLO)

WALANG dapat na ikabahala sa presensya  ng mga Chinese warship sa Bajo de Masinloc, hindi dapat ika-alarma ayon sa Defense department.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ulat ng PCG o Philippine Coast Guard na may umaaligid na mga barko ng Tsina sa paligid ng pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal na kilala rin bilang Bajo de Masinloc.

Ayon sa kalihim, bahagi ang nasabing karatagan ng tinatawag na International Waters at malaya ang sinumang mga bansa kahit pa ang Tsina o maging ang Amerika man na maglayag doon.

Hindi naman aniya ito ang unang pagkakataon na may mga barko ang Tsina sa nasabing bahura dahil may insidente na aniya noon na muntik pang magbanggaan ang mga Barkong pandigma ng Tsina at Amerika.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na kung siya ang tatanungin ay hindi dapat magkadikit-dikit ang mga barko ng alinmang bansa sa nasabing karagatan dahil posible itong magresulta ng isang malaking gulo na nag-ugat lamang sa simpleng miscalculation.

Kasunod nito, kinumpirma rin ni Lorenzana na nag-alisan na nga ang mga barko ng Tsina sa Pagasa Island subalit nilinaw nito na hindi naman aabot sa 100 tulad ng unang napabalita.

Kinausap din ng kalihim si Chinese Ambassador Zhao Jianhua at sinabi nito na normal lamang ang pag-alis ng mga barko nila dahil tapos na ang panahon ng pangingisda.

Gayunman, binigyang-diin ni Lorenzana na patuloy naman ang pagpapadala ng mga barko ng Pilipinas mula sa Coast Guard at Navy para bantayan ang mga inaangking teritoryo, bahura at isla sa West Philippine Sea.

Read More

PAGLISAN NG CHINESE VESSELS INAASAHAN NG PALASYO

chinese vessels12
0

(NI BETH JULIAN)

KUMPIYANSA ang Malacanang na magiging positibo ang China sa panawagan  ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ng mga Chinese vessels ang Pagasa Island at iba pang isla na sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw ang posisyon ng Pangulo nang sabihin nito handa siyang makipag kaibigan sa China pero hindi dapat galawin ng mga Chinese ang Pagasa Island at iba pang teritoryo ng bansa.

Binigyan-diin pa ng Pangulo, ayon kay Panelo, na kung magpapatuloy pa ang aktibidad ng China ay nakahanda ang mga sundalo na sumabak sa suicide mission.

Dahil dito, malaki ang paniwala na tutugon ang China sa mabibigat na binitawang salita ng Pangulo at gagamitin ito bilang hudyat para lisanin na ang lugar.

Dagdag pa ng Panelo, bilang chief Presidential counsel, ay handa siya na payuhan ang Pangulo sakaling hingin nito ang kanyang opinyon sa usapin.

Una na ring nagpahayag ng kahandaan ang pamunuan ng Department of National Defense at Armed Forces of the Pihilippines, na ipagtanggol laban sa China ang Pagasa Island at iba pang teritoryo ng bansa.

Ipinangako ng DND na gagawin nila ang lahat para maipagtanggol ang kasarinlan ng bansa.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi nito papayagan ang China na okupahin ang isla ng Pagasa na sakop ng Palawan

Read More

100 ISIS TERORIST NASA BANSA PINABULAANAN NG DND

dnd lorenzana12
0

(NI JESSE KABEL)

IBINASURA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang teorya ni Professor Rommel Banlaoi, chair ng  Philippine Institute for Peace, Violence, and Terrorism Research, na nasa 100 na ang foreign terrorist na naglulungga sa Pilipinas at patuloy na lumalaki ang bilang nito.

“I would like to debunk that theory of Mr Banlaoi, I think he was saying that there were already 100 Islamic State of Iraq and Syria o ISIS in Mindnao. We don’t see those people there. Not that much,” ani Lorenzana.

Sinabi pa ng kalihim na maaring may kaunti doon na maaaring umabot sa 10 ang bilang . “In fact namatay na nga yung isa nung isang araw.”

Naniniwala si Lorenzana na dahil nadudurog na ang mga teritoryo ISIS partikular sa Syria, ay nagtatakasan na ang mga terorista at maaring may mga nakumbinsi o niyaya ng kanilang mga kaalyadong militante mula sa Malaysia o Indonesia  at may ilan na nakarating sa Pilipinas .

“If we have Filipinos there fighting in Syria, then we might expect them to be coming back here. Yung mga Malaysian, babalik sa Malaysia yan. Yung mga Indonesian, sa Indonesia. so ung likelihood na they might transfer from one country to another is very big.”

“Kaya pinapaigting natin ang ating kooperasyon with the Malaysians and Indonesians para hindi sila makalipat-lipat. We are also intensifying our operation in the south para we can eliminate them altogether. Pero hindi ako naniniwala na lumalaki sila rito sa atin,” pahayag pa ni Lorenzana.

Sa report ay sinasabing ang mga foreign terrorist ay sumasama sa operation ng mga local bandit gaya ng Abu Sayyaf, Abu Dar Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at Ansar Khalifa Islamiyah.

Naninindigan naman ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na malabong maging terrorist hub ang Pilipinas.

 

Read More