DOE BINATIKOS SA PATULOY NA PAGGAMIT NG CARBON

doe

(NI ABBY MENDOZA)

BINATIKOS ng grupo ng mga kinatawan ng konsyumer na tagapagtaguyod ng environment at clean energy, at ‘coal-affected communities’ ang Department of Energy (DOE) na pinamumunuan ni Sec. Alfonso Cusi dahil sa hindi pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), na paunlarin ang Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o carbon.

Dahil dito, nanawagan ang mga miyembro ng Power for People (P4P) coalition kay Energy Secretary Cusi na huwag nang magpatumpik-tumpik at ipatupad ang implementasyon ng nasabing direktiba ng Pangulo at ipahinto na ang paggamit ng carbon.

“Despite the President’s positive remarks on RE, Sec. Cusi is showing his bias for coal by continuing to support the construction of new coal-fired power plants in the pipeline. Until now, no concrete action has been put in place by the DOE to pursue this shift,” ayon kay Gerry Arances, convenor ng P4P at spokesperson ng consumer group Murang Kuryente.

Muling iginiit ng grupo na i-formalize na ang direktiba ng Pangulong Duterte ukol sa RE at carbon sa pamamagitan ng Executive Order.

Binigyang diin naman ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) National Coordinator Ian Rivera na ang DOE sa ilalim ni Cusi ay nagsilbing ‘instrumental’ para sa pagsusulong ng coal projects sa bansa na idineklara bilang ‘Energy Projects of National Significance.

Please follow and like us:
Read More

TRO VS DETALYADONG PRESYUHAN SA LANGIS HININGI

oil

(NI ROSE PULGAR)

UPANG mapigilan ang pagpapatupad ng ‘unbundling policy’ sa mga produktong-petrolyo, humirit ng magkahiwalay na temporary restraining order (TRO) ang kumpanyang Pilipinas Shell at Petron laban sa pamunuan ng Department of Energy (DOE).

Nitong Huwebes ay humingi ng TRO ang Shell sa Taguig City Regional Trial Court habang isang pang korte sa Mandaluyong City na kung saan nagpasaklolo naman ang Petron Corporation.

Nauna nang gumawa ng kahalintulad na hakbang ang mga grupo ng Petroleum Institute of the Philippines (PIP) sa isang korte sa Makati City noong nakaraang buwan.

Ito ay dahil kontra ang dalawang kompanya ng langis sa kautusan ng DoE  na magsumite ng detalyadong cost computations ng kanilang mga produktong petrolyo at Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Nabatid na ayaw ng dalawang kompanya sa polisiya ng kagawaran na iulat ang kanilang kita.

Ayon sa Shell bagama’t kinikilala nila ang mandato ng DoE na subaybayan ang paggalaw ng presyo ng langis, naniniwala ito na ang utos ng ahensya ay magiging daan para sa pagbabalik ng regulasyon sa industriya.

Sinabi pa ng kompanya ng langis na malabo ang polisiya at imposibleng masunod ang kagustuhan ng ahensya.

Please follow and like us:
Read More

PAGHIMAY SA PRESYO NG OIL PRODUCTS TINUTULAN  

doe

(NI ROSE PULGAR)

NAGHAIN ng petisyon ang grupong Philippine Institute of Petroleum Inc. (PIP) sa korte  para ipahinto ang pagpapatupad sa kautusan ng Department of Energy (DoE) na “unbundling”o paghimay sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Inihain ng PIP sa korte ang “Petition for Declaratory Relief with Application for a Temporary Restraining Order and/or Preliminary Injunction” laban sa Circular no. DC2019-05-0008 ng DoE.

Sa Hunyo 29 na epektibo ng naturang circular order.

Sa utos na ‘unbundling’, obligado ang mga kumpanya ng langis na ipaalam sa DoE ang detalyadong computation at ipaliwanag sa dahilan ng pagbabago sa presyo ng langis.

Dapat ipaalam sa DoE ang adjustments sa petrolyo ng hindi lalampas ng alas-3:00 ng hapon isang araw bago ito ipatupad.

Para naman sa LPG, dapat mapaalam ng mga kumpanya ang price adjustment ng hindi lalampas sa katapusan pa ng buwan.

Ayon sa PIP, layon ng petisyon na maprotektahan ang oil industry at ang publiko.

Ang utos ng unbundling ng DoE ay layong maipaalam sa publiko kung makatwiran ang price adjustments ng oil companies.

Please follow and like us:
Read More

POWER INTERRUPTION SA BOTOHAN AALAMIN NG DoE

doe

(NI ROSE PULGAR)

NATUPAD ng Department of Energy (DoE) ang pangako na walang magaganap na brownout sa araw ng halalan 2019.

Sa ginanap na Post Election Assessment ng DOE, sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na naging sapat ang suplay ng kuryente noong Lunes (Mayo 13) araw ng botohan.

Sinabi ni Fuentebella, nasa normal status noong araw ng eleksyon na ibig sabihin, ang capacity o ang available na megawatts ay sobra-sobra para sa demand o reserve.

Aniya, kuntento sila sa performance ng energy family, pero sisiyasatin umano nila ang rason ng ilang power interruptions noong kasagsagan ng botohan.

Samantala, pahayag naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang operation ng kanilang transmission facilities ay generally normal, maliban lamang sa nag-iisang outage ng kanilang transformer dahil sa technical equipment issues.

Ito ang 20 MVA transformer sa Daangbantayan sa Cebu, kaya nawalan ng kuryente, ilang oras matapos ang botohan ng alas-7:44 ng gabi.

Noong Mayo 14 ay inilagay ng NGCP sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa ilang planta na nagkaaberya.

Pero ipinaliwanag ni Fuentebella na ang ibig sabihin ng yellow alert ay mayroon kuryente, ngunit manipis lamang ang reserba dahil sa mataas na demand.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BIGTIME ROLLBACK SA GASOLINA

oilprice12

(NI ROSE PULGAR)

MAY nakaambang malaking ipapatupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.

Subalit, nitong Sabado ay pinangunahan na ng Phoenix Petroleum ang rollback na nasa P1.30 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina na epektibo ng alas-12:00 ng tanghali.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa Phoenix, ang maagang pagpapatupad ng rollback ay upang makapag-avail ang mga motorista ng murang petrolyo sa loob ng mas mahabang panahon.

Wala namang inanunsyong rollback sa presyo ng diesel at kerosene.

Inaasahan naman mag-aanunsyo na rin ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis sa bansa na kahalintulad na halaga.

Tuwing araw ng Martes ipinapatupad ng mga kompanya ng langis ang oil price adjustment.

Ayon sa Department of Energy (DoE) ang ipinatupad na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Please follow and like us:
Read More

DoE: MAY 14, ‘DI HOLIDAY

doe

INIURONG ng Department of Energy (DoE) ang pagsusulong na ideklarang holiday ang araw matapos ang eleksyon sa Mayo 13.

Kinumpirma ito ni Energy Undersecretary Felix Fuentebella. Nauna nang sinabi ng ahensya na pag-aaralan nilang isulong na gawing holiday ang Mayo 14 upang mapanatili ang power supply habang ginaganap pa ang pagbibilang ng mga boto dahil sa pangamba ng pagkakaroon ng brownout, dahil sa pagtaas ng demand ng supply matapos ang eleksyon.

Nang tanungin kung may nakaamba bang brownout sa panahon ng eleksyon, sinabi ni Fuentebella na walang nakambang brownout dahil  bumaba na ang demand nito at nag-uulan na rin.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Huwebes ang Proclamation 719 na nagdedeklarang special non- working holiday ang Mayo 13 upang bigyang daan ang 61 milyong botante na makaboto para sa midterm elections.

Please follow and like us:
Read More

SUPPLY NG KURYENTE SAPAT SA ELEKSIYON

doe

(NI BETH JULIAN)

TINIYAK ng Department of Energy (DoE) na may sapat na suplay ng kuryente sa mismong araw ng eleksyon sa Lunes, May 13.

Ito ang ginarantyahan ng DoE kay Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng gabi sa Cabinet meeting sa Malacanang.

Sa panig ng Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of National Defense (DND), sinabi  ng mga ito sa Pangulo na nakaposisyon na ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na tinaguriang election hotspot upang mapigilan ang anumang posibleng kaguluhan sa buong panahon ng eleksyon.

Tiniyak naman ng Department of Education (DepEd) na matatanggap ng mga guro ang kanilang honorarium at travel allowance sa panahon ng kanilang election duties bilang board of election  inspectors (BEI).

Samantala, umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mas magiging mataas ang voters turnout ng overseas absentee voting ngayong election 2019.

 

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE, ‘DI DAPAT IPASA SA CONSUMERS

planta12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI sa mga consumers dapat ipasa ang dagdag na singil sa kuryente kundi sa mga may-ari ng planta na nag-shutdown na naging dahilan ng pagmahal ng presyo nito sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ito ang iginiit ni House committee on energy vice chair Rep. Carlos Roman Uybarreta kaya hiniling nito sa Energy Regulatory Commission (ERC) na i-hold ang desisyon sakaling ipasa sa mga consumers ang dagdag na singil sa kuryente

“The cost of that failure should be borne, not by consumers, but the companies that own the power facilities that went offline. The contractual obligation to provide the replacement electricity should now be between the power producers,” ani Uybarreta.

Magugunita na nagmahal ang bentahan ng kuryente sa WESM matapos lumiit ang supply ng kuryente nang mag-shutdown ang ilang planta ng kuryente noong nakaraang buwan o habang nasa kasagsagan ng init ng panahon.

“Nasa power plant na nag-shutdown ang responsibilidad na magbigay ng kuryente at kapag hindi nila magawa iyon, sila dapat ang aako ng dagdag na singil ng pamalit na kuryente. Hindi iyan pasanin ng konsyumer at hindi dapat konsyumer ang pagbayarin,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, sinabi ni Uybarreta na kailangang maglatag ng polisiya at regulasyon ang ERC ukol sa mga plantang nagsa-shutdown tuwing panahon ng tag-init upang maprotektahan ang mga consumers.

 

Please follow and like us:
Read More

CONTINGENCY PLAN NG DoE SA ELEKSIYON PINAHAHANDA

doe

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMA’T nagbigay na ng kasiguruhan ang Department of Energy (DoE) na walang magaganap na power interruption sa araw ng halalan, Mayo 13, nais ng isang mambabatas na maging handa pa rin ang ahensya at maglatag ng contingency plan.

Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ilang linggo nang itinataas ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow at red alert status ang Luzon grid dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente dulot ng pag-shutdown ng ilang power plants bunsod na rin  ng mataas na demand.

Dahil dito, nais malaman kung ano ang contingency plan ng DoE kung may biglaang ganitong aberya umano pagsapit ng halalan.

Aniya, dapat habang mas maaga ay mayroon na ring nakalatag na  contingency plans upang hindi nagkakabiglaan sa mismong araw ng eleksiyon at biglang mawalan ng kuryente.

Dagdag pa ni Velasco, hindi lamang sa botohan kundi hanggamg sa bilangan ay may sapat na supply ng kuryente at walang mararanasan browout.

“Hindi lamang sa May 13 dapat may kuryente kundi pati sa proseso ng bilangan hanggang sa transmission ng boto,”pahayag ni Velasco.

Aminado si Velasco na nangangamba sya na kung magkakaroon mg power interruption ay magkaroon ng epekto sa kredibilidad ng resulta mg eleksyon.

Maaari umanong makompromiso ang kagustuhan ng publiko na magkaroon ng patas, malinis at tapat na eleksyon kaya dapat kumilos na ang energy officials at industry players.

 

Please follow and like us:
Read More