DOH BINALAAN ANG PUBLIKO BANTA NG COVID- 19 ‘DI PA HUMUHUPA

0

PINALAGAN ni Health Sec. Francisco Duque ang ulat na unti-unti nang humuhupa ang banta ng COVID-19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo.

Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Sec Duque na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat.

Kasama sa mga tinukoy ni Duque na dapat pang tingnan ang mga kaso at sitwasyon sa lalawigan ng Hubei at iba pang bahagi ng China gayundin sa mahigit 20 pang bansa na nagkaroon ng kaso nito.

Maging ang pagpasok ng panahon ng tag-init sa Marso ay hindi rin tiyak kung ano ang magiging epekto sa transmission o pagkalat ng nasabing virus.

Dahil naman sa nagkaroon na ng local transmission ng COVID-19 sa ibang bansa, ito ang pinaghahandaan ng pamahalaan upang matugunan sakaling magkaroon ng katulad na pangyayari sa bansa.

NIYAYANG MAMASYAL
Hinikayat naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na samahan siya sa pagbiyahe sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng banta ng coronavirus o COVID-19.

Sa kanyang pahayag, tiniyak ni Pangulong Duterte na ligtas ang bansa mula sa mga banta ng sakit, law and order at kahit sa isyu ng accessibility.

Binigyan diin ng Pangulo na maraming magagandang mapupuntahan dito sa Pilipinas at walang dapat alalahanin ang mga biyahero.

Nangako na rin umano ang hotel owners at airline companies na magbibigay ng discount sa mga local tourist.

COVID-FREE
Kaugnay nito, iginiit ng Office of the President (OP) na nananatiling coronavirus-free ang Pilipinas.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag sa gitna ng nabibigyang highlight na mga ulat hinggil sa umano’y mga kumpirmadong kaso ng COVID-19  sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, bagama’t may tatlong una nang naiulat na tinamaan ng nasabing sakit, ito aniya’y hindi na maaaring maibilang pa sa existing list ng mga kinapitan ng COVID 19.

Isa aniya kasi sa tatlong naitalang kaso ay namatay na habang ang dalawa ay nagawa namang makarekober at sa katunayan ay nakalabas na ng pagamutan.

Sa harap nito’y tiniyak ni Sec. Panelo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang hindi na kumalat pa ang kinatatakutang karamdaman.

Sa huling ulat mula sa Department of Health (DOH), sa 455 na PUIs, 386 na ang nag-negatibo sa sakit. Kasama umano sa naturang bilang ang 259 na nakalabas na ng ospital.
Gayunman, ayon kay DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, kahit 82 percent na ng mga PUI ang negatibo sa virus ay kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat laban sa naturang sakit. CHRISTIAN  DALE, DAHLIA S. ANIN

Read More

APELA NG DOH SA PUBLIKO KAUGNAY NG KUMAKALAT NA VIRUS: UMIWAS SA FAKE NEWS

0

UMAPELA ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang magpakalat o maniwala sa mga maling balita kaugnay sa novel coronavirus.

Kasabay nito ay muling iginiit ng DOH na nananatiling novel coronavirus (2019-nCov) free ang Pilipinas.

Ayon sa abiso ng DOH, kahapon ay wala pang kumpirmadong kaso ng naturang virus sa bansa.

Kasabay nito, pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa lahat ng kanilang mga kinakain, partikular na ang mga tinatawag na “exotic food.”

Ang payo ni Health Secretary Francisco Duque III ay sa harap na rin ng mga naglalabasang ulat na maaaring paniki at ahas ang pinagmulan ng 2019 NCoV na namiminsala na ngayon sa iba’t ibang bansa, partikular sa Wuhan, China.

Paglilinaw naman ni Duque, wala pang kumpirmasyon sa naturang mga report ngunit mabuti na aniyang maging maingat ang lahat.

Sa kabilang dako, nanawagan din si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga gumagamit ng social media platform tulad ng Facebook at Twitter na huwag magpakalat ng hindi naberipika, nakalilito o mapanlinang na impormasyon patungkol sa coronavirus.

Partikular na pinansin ng alkalde ang ilang “post” sa Facebook na nagsasabing nakapasok na raw ang coronavirus sa Pasay at inilagay sa quarantine ang Pasay City General Hospital.

Sa ulat ni  PCGH Head Dra. Lou Ocampo kay Mayor Calixto-Rubiano, pinabulaanan nito ang kumalat na balita. (DAHLIA S. ANIN, DAVE MEDINA)

Read More

DOH IGINIIT ANG PAGGAMIT NG FACE MASK

FACE MASK-2
0

MULING pinaalalahanan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga taong may sakit sa baga at respiratory conditions na malapit sa mga lugar na apektado ng ashfall na patuloy na magsuot ng protective masks upang maiwasang lumala ang kanilang kondisyon.

Partikular ding tinukoy ni Duque na dapat maprotektahan laban sa ashfall ang matatanda na dumaranas ng bronchitis, pneumonia, asthma at iba pang lung conditions.

Habang ipinapayo ang patuloy na pagsusuot ng face mask sa Quezon at Laguna, ang mga nasa Metro Manila ay maari aniyang hindi na magsuot nito.

“In the vulnerable areas where the volume of ashfall has been really massive, these are the people we need to prioritize, let me underscore that those with pre-existing conditions really, really have to be monitored and taken care of,” ani Duque, sa isang panayam sa telebisyon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Duque na mahigpit nilang binabantayan ang mga evacuee laban sa posibleng senyales ng sakit at trauma matapos maranasan ang lupit nang pag-aalburoto ng bulkang Taal noong isang linggo.

Tiniyak ng kalihim na may mga bihasa na silang psychosocial health officers na nakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tugunan ang pangangailangan ng mga ito. (ANNIE PINEDA)

Read More

PRICE FREEZE PAIIRALIN

duque21
0

MAGPAPATUPAD ng price freeze ang Department of Health (DoH) sa mga gamot at ilang medical commodities sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Nakasaad sa Department Memorandum 2020-005 ni Health Secretary Francisco Duque III na ang hindi pagbabago ng presyo o price freeze sa mga basic essential medicines ay ipatutupad sa mga lugar na lubhang tinamaan ng kalamidad sa Batangas at Cavite.

Kasama sa mga hindi magbabago ng presyo ay mga ’emergency medicine’ tulad ng paracetamol, antihistamine, antibiotics at anti-asthma.

Kasali rin ang face mask na tumaas ang demand dahil sa mga ashfall, pati ang dextrose at nebulizer.

Ayon sa ahensya, ang presyo ng N95 mask kada piraso ay P45 at hindi tataas sa P110.00, ang mga surgical mask naman ay dapat P1.00 hanggang P8.00 lamang ang presyo.

Ang kautusang ito ay inilabas ng DoH matapos ang reklamo ng biglang pagtaas ng presyo ng face mask at nagkaubusan pa ng stock ang iba. (DAHLIA S. ANIN)

Read More

PAYO NG DOH SA PUBLIKO KAPAG NAGKAUBUSAN NG MASK: DIAPER, PANTY, BRA GAMITIN

doh
0

PINAYUHAN ng Department of Health (DoH) ang mga Filipino na maging creative o malikhain sakali at hindi nakabili ng N95 o iba pang face surgical mask na panlaban sa ash falls mula sa Bulkang Taal sa pamamagitan ng ilang gamit na nasa bahay mismo tulad ng bra at diaper.

Sa isinagawang press briefing ng Laging Handa team sa New Executive Building (NEB) Malakanyang ay sinabi ni DOH Asec. Maria Francia Laxamana na ang isa pang substitute o pamalit sa N95 mask ay magmistulang ninja.

Ang gagawin lamang aniya ay balutin  ng tela ang ulo at mukha na ang makikita lamang ay ang mga mata habang  iikot naman ang natitirang tela hanggang sa leeg. Dapat aniyang siguruhin na ang tela na matatapat sa ilong ay basa.

Ang ganito aniyang hakbang o ninja costume ay ginawa na noong pumutok ang  Mt. Pinatubo at Mt. Mayon. Gumana naman aniya ang estratehiyang ito at maraming respiratory illness na naiwasan.

Bukod dito, puwede rin aniyang gumamit ng bra, panty , diapers na babasain lamang nang kaunti para hindi ma-suffocate. Bukod aniya sa mapo-protektahan ang tenga ay mapoprotektahan din ang ilong at bibig.

‘Very creative ways, practical ways,” ayon kay Laxamana.

Maaari rin aniyang gamitin ang goggles na ginagamit sa diving at swimming para naman maprotektahan ang mata sa ash fall. CHRISTIAN DALE

Read More

DOH, DEPED, CHED KINALAMPAG LABAN SA HIV CASES 

hiv12
0

(NI NOEL ABUEL)

PINAKIKILOS ng isang senador ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Commission on Higher Education (CHEd) para palakasin ang mga programa laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kaugnay ng dumaraming bilang ng kaso nito sa bansa.

Panawagan ni Senador Win Gatchalian nababahala ito sa dumaraming bilang ng mga Filipinong nagkakasakit ng HIV kung saan sa huling bahagi ng 2019 ay nakapagtala ng 36 na kaso kada araw ang Epidemiology Bureau ng DOH.

Ito ay mas mataas aniya sa 35 kasong naitala noong Hulyo 2019 at 32 kasong naitala kada araw noong 2018.

Ayon naman sa isang ulat ng Joint United Nations Program on HIV and AIDS (UNAIDS), sa 77,000 Filipinong may HIV, 19,000 rito ay may edad na 15-anyos hanggang 24-anyos.

Idinagdag pa ng UNAIDS, pinakamabilis kumalat ang HIV sa Pilipinas kung ihahambing sa ibang bansa kung saan mula 2010 hanggang 2018, umakyat ng 203 porsiyento ang bilang ng mga bagong kaso ng HIV sa bansa.

Katumbas umano nito ang 4,400 bagong kaso na umakyat sa 13,000.

Sa mga bagong kasong naitala, mahigit 81 porsiyento ay mula sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki habang 27.9 porsiyento lamang sa mga ito ang sakop ng prevention program, samantalang mayroong 49.8 porsiyento naman ang gumagamit ng condom bilang proteksyon.

“Isa sa mga ugat ng sitwasyong kinakaharap natin ngayon ay ang kakulangan ng sapat na impormasyon na maaari sana nating ipalaganap sa ating mga paaralan. Nakakalungkot at nakakabahala na sa kabila ng mga pagsisikap natin, lalo pang dumami ang mga kababayan nating nagkakaroon ng HIV,” ayon kay Gatchalian, chair ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Isang posibleng solusyon dito ani Gatchalian ay ang sexuality education at dapat umanong bantayan ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga social media at mga ‘dating apps’.

Lumalabas umano sa isang pag-aaral ng United Nations na sa pamamagitan ng mga ‘dating apps’ ay madaling makahanap ang mga kabataan ng mga taong maaari nilang makatalik.

Dagdag pa ng senador, mahalaga ang papel ng mga paaralan sa pagbibigay ng kaalaman at proteksyon sa mga kabataan at hindi sapat na ituro lamang sa mga kabataan ang mga solusyon, dapat din itong gawing abot-kaya para sa lahat.

 

Read More

34 NA BIKTIMA NG PAPUTOK NAITALA NG DOH

0

(NI KIKO CUETO)

PUMALO na sa 34 ang bilang ng mga sugatan nang dahil sa paputok sa buong bansa, ayon na rin sa tala ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang 34 na kaso ay naitala sa National Capital Region, Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, at sa Bicol.

Wala pa namang namamatay nang dahil sa paputok.

Karamihan sa mga naiatalang mga suatan ay dahil sa boga – isang improvised cannon na gawa sa mga PVC pipes.

Kasama na rin diyan ang mga lusis at piccolo.

Ang natitira ay dahil sa kwitis, whistle bomb, at five star.

Pero, sinabi ni Duque na ang bilang ay indikasyon na pababa ang naturang bilang.

“Mula December 21 to December 27 reporting period, nagkaroon tayo ng 22 cases ng firework-related injury at ito ay 35% lower than the 34 listed number of cases noong 2018,” sinabi ni Duque.

“Ito ay mababa ng 79-80% ng five-year average na 103,” dagdag niya.

Muli namang hinikayat ni Duque ang publiko na gumamit na lang ng torotot, o mga kaldero para mag-ingay sa pagsalubong sa bagong taon.

Nitong Sabado nakakumpiska ang PNP ng mga iligal na paputok sa Bocaue, Bulacan.

Muli namang sinabi ni PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Francisco Gamboa ang mga bawal na paputok, na kibabibilangan ng piccolo; watusi; giant whistle bomb; giant bawang; large Judas belt; super lolo; lolo thunder; atomic bomb; atomic bomb triangulo; pillbox; boga; kwiton; goodbye earth; goodbye bading; hello Columbia; at goodbye Philippines.

Tanging 124 firecracker dealers at 24 manufacturers lamang ang pinayagan sa Bocaue.

 

 

Read More

DOH UMAPELA SA LIGTAS NA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

0

HINIMOK ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na gumamit ng ligtas na pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa halip na gumamit ng mga delikadong paputok kung saan nasa 22 katao na ang nabiktima.

“Maaaring gumamit ng ibang pampaingay sa pagsalubong sa Bagong Taon gaya ng torotot, kaldero,” ayon kay Duque sa interview.

Sinabi ni Duque na maaaring manood na lamang sa community fireworks sa halip na magpaputok ng mga delikadong firecrackers.

“Kung may community fireworks display, maaari na lamang po itong saksihan… O mag-street party na lang,” ayon pa kay Duque.

“Maging mapanuri din tayo sa ating pagdiriwang ng Bagong Taon,” dagdag pa nito.

Read More

BIKTIMA NG PAPUTOK NASA 19 NA — DOH

0

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 19 biktima ng paputok, ilang araw bago matapos ang 2019.

Kabilang sa mga naitalang biktima ang mula sa Region 1, 2, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 7, 11, 12, at National Capital Region.

Tinataya sa edad na 4 hanggang 60 ang mga biktima na pawang mga kalalakihan. Kabilang sa mga biktima ay gumamit ng Boga, Luces, 5-star, Baby Rocket, Bamboo Canon, Fountain, Kalburo, Kwitis, Mini Bomb, Piccolo, Whistle Bomb.

Labing-isang biktima ang nagtamo ng sunog sa katawan, pito ay may eye injury at isa ang kinakailangang putulin ang ang daliri.

Isang biktima, isang 7-anyos na batang lalaki, ang mapuputulan ng ring finger mula General Trias, Cavite. Naka-confine pa rin ang bata sa isang ospital, ayon sa DOH.

Isinusulong na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total ban sa mga paputok sa paglagda ng Executive Order 28 noong 2017 na naglilimita sa paggamit ng paputok sa bansa  ngunit sa kabila nito ay patuloy na nilalabag ang kautusan ng Pangulo at patuloy na gumagamit ng iligal na paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Read More