DOH BINALAAN ANG PUBLIKO BANTA NG COVID- 19 ‘DI PA HUMUHUPA

0

PINALAGAN ni Health Sec. Francisco Duque ang ulat na unti-unti nang humuhupa ang banta ng COVID-19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo.

Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Sec Duque na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat.

Kasama sa mga tinukoy ni Duque na dapat pang tingnan ang mga kaso at sitwasyon sa lalawigan ng Hubei at iba pang bahagi ng China gayundin sa mahigit 20 pang bansa na nagkaroon ng kaso nito.

Maging ang pagpasok ng panahon ng tag-init sa Marso ay hindi rin tiyak kung ano ang magiging epekto sa transmission o pagkalat ng nasabing virus.

Dahil naman sa nagkaroon na ng local transmission ng COVID-19 sa ibang bansa, ito ang pinaghahandaan ng pamahalaan upang matugunan sakaling magkaroon ng katulad na pangyayari sa bansa.

NIYAYANG MAMASYAL
Hinikayat naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na samahan siya sa pagbiyahe sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng banta ng coronavirus o COVID-19.

Sa kanyang pahayag, tiniyak ni Pangulong Duterte na ligtas ang bansa mula sa mga banta ng sakit, law and order at kahit sa isyu ng accessibility.

Binigyan diin ng Pangulo na maraming magagandang mapupuntahan dito sa Pilipinas at walang dapat alalahanin ang mga biyahero.

Nangako na rin umano ang hotel owners at airline companies na magbibigay ng discount sa mga local tourist.

COVID-FREE
Kaugnay nito, iginiit ng Office of the President (OP) na nananatiling coronavirus-free ang Pilipinas.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag sa gitna ng nabibigyang highlight na mga ulat hinggil sa umano’y mga kumpirmadong kaso ng COVID-19  sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, bagama’t may tatlong una nang naiulat na tinamaan ng nasabing sakit, ito aniya’y hindi na maaaring maibilang pa sa existing list ng mga kinapitan ng COVID 19.

Isa aniya kasi sa tatlong naitalang kaso ay namatay na habang ang dalawa ay nagawa namang makarekober at sa katunayan ay nakalabas na ng pagamutan.

Sa harap nito’y tiniyak ni Sec. Panelo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang hindi na kumalat pa ang kinatatakutang karamdaman.

Sa huling ulat mula sa Department of Health (DOH), sa 455 na PUIs, 386 na ang nag-negatibo sa sakit. Kasama umano sa naturang bilang ang 259 na nakalabas na ng ospital.
Gayunman, ayon kay DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, kahit 82 percent na ng mga PUI ang negatibo sa virus ay kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat laban sa naturang sakit. CHRISTIAN  DALE, DAHLIA S. ANIN

Read More

MISTERYOSONG VIRUS BINABANTAYAN

duque21
0

IPINAG-UTOS ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III sa Bureau of Quarantine na higpitan ang kanilang ginagawang monitoring sa international airports sa  mga pumapasok sa bansa upang hindi makapasok ang misteryong sakit na kumakalat sa bansang China.

Gayunman, sinabi ni Duque na nananatiling ligtas ang Pilipinas mula sa misteryosong virus na namiminsala sa isang lungsod sa China sapagkat wala pang natukoy ang BoQ na hinihinalang kaso na may kinalaman sa naturang mysterious virus.

Ayon kay Duque,  may nakahanda silang sistema upang agarang matugunan ang sakit sakaling may matukoy silang kaso kaya’t walang dapat na ikaalarma ang mga Filipino kaugnay sa nasabing karamdaman.

Ipinahayag pa ng DoH, may kakayahan ang BoQ na ma-detect, ma-identify, ma-diagnose at mabigyan ng kaukulang lunas ang karamdamang posibleng makalusot sa bansa dala ng mga nanggaling sa China.

Sa ngayon, sinusunod ng DoH ang protocol na ipinatupad noong panahong nagkaroon ng outbreak sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Aniya, ang mga suspected cases na maaaring matukoy sa Metro Manila ay kaagad na dadalhin sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) o San Lazaro Hospital upang doon gamutin.

Tiniyak ng DoH na mahigpit ang monitoring na isinasagawa ng BoQ upang matiyak na matutukoy at malulunasan ang lahat ng mga pasaherong mula sa China na dumarating sa bansa na makikitaan ng sintomas ng lagnat o pneumonia, at iba pang sintomas ng bagong virus.

Dahil wala pang inilalabas na anumang travel advisory ang pamahalaan kaugnay sa virus pinapayuhan  ang mga taong nais na bumisita sa China na ipagpaliban  muna ang kanilang biyahe o di kaya’y sa ibang bansa na lang magtungo.

Ang mga Pinoy naman na bumibiyahe sa China ay pinapayuhang magkaroon ng regular personal hygiene, ugaliing maghugas ng kamay, gumamit ng sanitizer, at magsuot ng face mask kung lalapit sa mga taong may sakit upang hindi mahawa ng karamdaman. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

DISMAYADO SA DOH; P2-M PONDO SA SANITARY TOILETS ‘DI SAPAT — VILLAR

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

DISMAYADO si Senador Cynthia Villar sa maliit na budget na inilaan ng Department of Health (DOH) para sa ‘open defecation.’

Sa Senate subcommittee hearing sa panukalang P160.15 billion budget ng DOH sa 2020, iginiit ni Villar na hindi sapat ang P2 million allocation sa pagpapagawa ng sanitary toilets sa ilalim ng Environmental and Occupational Health  para matugunan ang suliranin sa open defecation.

Sinabi pa ni Villar na base sa pagtaya, dahil sa may 3.5 milyong  Pilipino ang gumagawa ng ‘open defecation’ sa  Metro Manila, may 700,000 households ang nangangailangan ng sapat na sanitary toilet facilities.

“Assuming we put the cost at a minimum of P1,000 per person, we will need a total of P3.5 billion for a period of 10 years if we are to achieve the target to end open defecation by 2030 in Metro Manila alone,” ayon kay Villar.

Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje na humingi ang departmento ng P196 milyon  para rito subalit P2 milyon lamang ang ibinigay sa kanila.

Sa budget hearing, dismayado rin si Villar sa pagkakabimbin ng pagpapagawa ng mga kubeta sa Bgy. 649, Baseco Compound sa Tondo.

May 500 kubeta ang itatayo rito sa loob ng tatlong taon.

Bilang isa sa mga barangay na may pinakamaraming populasyon sa Maynila, 43,000 ang populasyon ng Barangay 649.

Sa 8,000 households, 80% ang walang access sa sanitary toilet facility.

Upang direktang matugunan ang mga suliraning ito, sinabihan ni Villar ang DOH at Department of Social Welfare and Development na kumilos.

Ito ang dahilan sa paghirang sa naturang lugar bilang recipient ng Environmental and Sanitation Project of Provision of Communal Public Toilets noong 2016.

“President Duterte created a task force to clean and rehabilitate Manila Bay. If we cannot solve the problem of open defecation in Metro Manila, we all know that the waste of 3.5 million residents will end up in Manila Bay. That is why I am asking you, are you really serious in your promise to end open defecation by 2030?,” tanong ni Villar sa DOH officials.

Suportado ni DOH Sec. Francisco Duque ang pahayag ni Villar na pabilisin ang pagpapagawa ng mga kubeta sa Baseco.

Ipinanukala rin ni Villar na ibigay ang pera sa ibang government agency para matapos ang toilet project sa Baseco.

Read More

DUQUE DINIKDIK SA KAMARA SA UHC LAW

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI papayag ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na sa piling lugar lang ipatutupad ang Universal Health Care (UHC) Law dahil kailangan ito ng mga mahihirap na pasyente sa buong bansa.

Ginawa ni Albay Rep. Joey Salceda matapos aminin ni Health Secretary Francisco Duque na hindi ipatututupad ang UHC law sa buong bansa dahil sa kakulangan umano ng pondo.

“That cop out is morally unacceptable,” ani Salceda na chairman ng House committee on ways and means dahil mahalaga ang nasabing batas sa mga mahihirap na pasyente.

“It should be called the ‘Partial Healthcare law’ instead of Universal Healthcare law,” ayon pa kay Salceda dahil wala aniya sa batas na sa piling lugar lang ito ipapatupad at hindi sa buong bansa.

Unang sinabi ni Duque na kailangan ang P257 Billion para mapondohan ang nasabing batas subalit binigyan lamang umano sila ng Department of Budget and Management (DBM) ng 166.5 Billion sa susunod na taon para iimplementa ang nasabing batas.

Hindi ito matanggap ni Salceda dahil hindi umano sinabi ng batas na ilan lang ang puwedeng makinabang dito at sa halip ay ginawa umano ito para mapagsilbihan lahat.

“It should be rolled out nationally since there are many things beyond budget DOH can do,” ayon pa sa kongresista.

Sa ilalim ng UHC law, kahit ang indirect members ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ay makakakuha ng health benefits habang ang mga regular members ay mayroon mga dagdag na insentibo.

 

Read More

DUQUE: UNIVERSAL HEALTH CARE ‘DI MAIPATUTUPAD

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

DISMAYADO ang oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Department of Health (DOH) Secretary matapos sabihin sa mga mambabatas na hindi kayang ipatupad sa buong bansa ang Universal Health Care (UHC) sa susunod na taon.

“For me that is irresponsible statement,” pahayag ni House minority leader Benny Abante sa press conference ng kanilang grupo nitong Miyerkoles, habang ginigisa naman sa House committee on appropriation kaugnay ng kanilang pondo sa 2020 na nagkakahalaga ng P88.72 Bullion.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos aminin ni Duque sa nasabing pagdinig na hindi maipapatupad sa buong bansa ang UHC sa susunod na taon dahil sa kakulangan umano ng pondo.

“The (UHC)…is a progressive realization. We cannot do a national roll-out because of budgetery constrain and also because of the readiness that we need to capacity building in the different provinces (which) will be the convergence points of intergration,” ani Duque.

Ang UHC ay mayroong P167 Billion pondo sa 2020 subalit nais umano ng DOH na itaas ito sa P200 Billion.

PHILHEALTH ALISIN SA DOH

Sinabi naman ni Iloilo Rep. Janette Garin na kaya umano ng DOH na ipatupad UHC law kung gugustuhin nila subalit tila takot lang umano si Duque dahil ang pondo para dito ay idadaan sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

“Baka (takot) dahil mainit ngayon ang Philhealth  kasi yung pondo ng Universal Health Care ay idadaan sa Philhealth,” ani Garin.

Dahil dito, ipinanukala ni Garin sa alisin na sa DOH ang kontrol ng Philhealth at ilagay na ito sa ilalim ng Department of Finance (DOF) upang hindi magamit ang pondo sa ibang bagay maliban sa pagtulong sa mga nagkakasakit na miyembro.

Ito rin ang nakikitang paraan ni Garin upang masimulang malinis ang Philhealth dahil masyado na aniyang malalim ang nangyayaring katiwalian sa nasabing health fund institution.

Read More

WALANG CONFLICT OF INTEREST — DUQUE 

PHILHEALTH-SEC DUQUE
0

(NI NOEL ABUEL)

PINANININDIGAN ni Department of Health (DOH) na walang conflict of interest sa negosyo ng pamilya nito ang pagiging kalihim nito ng ahensya.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe, na pinamunuan ni Senador Richard Gordon, layon nito na hubaran ng maskara ang mafia sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), hinarap ni Duque ang mga senador para sagutin ang ibinabatong akusasyon laban dito.

“My personal interest in EMDC did not in any way conflict with the interest of the government,” sabi ni Duque.

Magugunitang noong Hulyo 29, nagsagawa ng privilege speech si Senador Panfilo Lacson na nagsabing pag-aari ng pamilya ni Duque ang Educational and Medical Development Corporation (EDMC) at ang Doctors Pharmaceuticals Incorporated (DPI).

Ayon kay Lacson, nangupahan ng anim na taon ang Ilocos regional office ng Philhealth sa EMDC building sa Dagupan City mula Hunyo 2012 hanggang Disyembre 2018 kung saan sa mga panahong ito ay naitalaga ang kalihim sa DOH noong Nobyembre 2017.

Ngunit sinabi ni Duque na ang kontrata ay hindi awtomatikong nilalabag ang confict of interest at hindi naagrabyado ang pamahalaan.

Kasama rin sa tinukoy ni Lacson ang patuloy na pagbabayad ng Philhealth sa WellMed Dialysis Center sa kabila ng pagsuspinde sa akreditasyon nito dahil sa nasabing anomalya.

 

Read More

DUQUE SA DENGVAXIA PAKIKINGGAN NI DU30

dengue55
0

(NI BETH JULIAN)

HANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan anuman ang rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III, sa panukalang gamitin muli ang bakunang Dengvaxia.

Ito ang inihayag ng Malacanang matapos iulat ng Department of Health (DOH)    na pumalo na sa mahigit 100,000 ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Hulyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaring matalakay sa pulong ng mga Gabinete ang usapin sa Dengvaxia.

Kasabay nito, pinawi ng Palasyo ang pangamba ng publiko dahi gnagawa naman ng pamahalaan ang lahat para maagapan ang nasabing sakit.

 

 

Read More

KAMARA DISMAYADO SA DOH SA P18-B EXPIRED NA GAMOT

duque33
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI malayong tanggalin na sa Department of Health (DoH) ang pagbili ng gamot matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) na umaabot sa P18.5 billion halaga ng mga medisina na hindi naiideliber ng ahensya sa mga public hospital at mae-expire na.

Ito ang nabatid kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor matapos ihain ang House Resolution (HR) 145 para imbestigahan ang bagay na ito at gumawa ng batas upang hindi na ito maulit at isa sa mga ikonokonsidera ng mambabatas ay tanggalin na sa DoH ang pagbili ng mga gamot at ibigay na lamang ang responsibilidad na ito direkta sa mga public hospitals.

“The DOH has admitted that it lacks the logistics – warehouses and transport facilities – to efficiently store and distribute the medicines,” ani Defensor kaya nakatakdang masayang aniya ang P18.5 Billion halaga ng gamot na kanilang nabili mula 2015 hanggang 2018.

“If that is the case, then Congress might as well give portions of the annual multibillion-peso Health Facilities Enhancement Fund directly to public hospitals, so that they can build their own warehouses in their compounds. This way, the medicines are always within the reach of consumers,” anang mambabatas.

Base COA report,  sa P18.5 Billion na halaga ng gamot na nabili ng ahensya, P294.767 million ang nasa warehouse lang ng DOH at -expire sa Jan. 31, 2019 habng P19.165 Million naman ang nakatakdang masira sa susunod na isang taon.

Umaabot din umano sa P30.353 million ang naideliber sa mga hospitals and health centers ay nag-expire na noong 2018 kaya dismayado ang mambabatas dahil hirap na hirap ang mga tao na bumili ng gamot na kanilang kailangan pero nabubulok at nasasayang lang ito dahil sa kapabayaan ng DoH.

“Negligence in the management of perishable inventories, especially life-savings drugs, is unacceptable, considering that many poor Filipinos desperately need these medicines,” ayon pa kay Defensor.

 

Read More

EBIDENSIYA VS DUQUE DUMARAMI

ping44
0

(NI NOEL ABUEL)

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Lacson na patuloy na dumarating ang ilang ebidensya at impormasyon na magdidiin lalo kay Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng kontrobersya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Lacson, hanggang sa kasalukuyan ay may mga dumarating pa sa tanggapan nito ng mga impormasyon na naglalaman ng malalaking halaga na sangkot sa korapsyon.

“Hanggang ngayon may dumarating pa rin na information. Laging malaking amount ang involved sa corruption, lalo na sa high places,” sabi ni Lacson.

Sinabi nito na sa nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Senador Richard Gordon ilalabas ang nasabing mga karagdagang impormasyon na naggaling umano sa ilang tauhan ng Philhealth.

Tumanggi umanong magpakilala ang mga ito sa pangambang pag-initan at maapektuhan ang kanilang trabaho.

“Marami. Takot sila, they are thrown under the bus ‘pag nalamang nagkukuwestiyon sila. Agad-agad dine-demote, transferred or minsan tinatanggal. Nag-iyakan ang iba. May iba na may civil service eligibility hindi talaga mai-promote dahil nagkukuwestyon internally,” giit pa ni Lacson.

May ilan din umano na nagpahayag ng kahandaang tumestigo sa pagdinig subalit nagdadalawang-isip.

“As of now walang nagsi-signify pero mukhang may nag-iisip mag-testify. And we’ll get there when we get there,” aniya.

Ipinagkibit-balikat lamang ni Lacson na nananatili pa rin ang tiwala ni Duque ng Malacanang at walang planong imbestigahan ang nasabing usapin.

“That’s actually their call. If they still trust him what can we say about it? Wala. Ako naman kaya pinursue ko ang privilege speech, I was motivated by the speech of PRRD sa SONA. Maliwanag sinabi niya you are free to investigate, I take no offense. In-encourage niya ang Congress to expose para matulungan siya. I need your help sabi niya and maliwanag sinabi niya, the enemy is us. At kaya dapat magtulung-tulong sa pagtuligsa at pakikibaka sa graft and corruption,” paliwanag pa ni Lacson.

Read More