GCTA MESS IPINALILINIS NG DOJ KAY BANTAG

(NI HARVEY PEREZ)

INATASAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ang bagong  Bureau of Corrections (BuCor) chief na iprayoridad ang paglilinis sa katiwaliang nilikha ng implementasyon ng  good conduct time allowances (GCTA).
Ang kautusan ay ginawa ni Guevarra matapos mag-courtesy visit si bagong talagang BuCor Director General Gerald Bantag sa kanyang tanggapan, Miyerkoles ng umaga.

“I told him to focus on three major objectives, in the order of urgency: clean up the GCTA mess; full computerization; and stop illegal drug trade inside,” ayon kay Guevarra.

Sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na inisyal pa lamang ang pag-uusap  ni Guevarra at Bantag, habang nakabimbin pa ang lahat ng  documentary requirements para maging epektibo ang appointment ni Bantag.

Bago ang pagkakatalaga kay Bantag, pansamantalang pinangasiwaan ng DOJ ang operasyon ng BuCor.

Nabatid na si Bantag ay naging kontrobersiyal matapos nitong masangkot sa ilang kaguluhan at ng maging jail warden ito ng Paranaque kung saan 10 inmate ang nasawi matapos  magkaroon ng noise barrage sa jail dahil gusto nitong ihiwalay ang mga drug offenders na inmate.

Itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Director ng BuCor, kamakalawa.

Please follow and like us:
Read More

TULONG NG MEDIA HININGI VS TIWALA SA BAKUNA

(NI ABBY MENDOZA)

DALA sa idinulot na vaccine scare ng Dengvaxia, umaapela ang isang mambabatas sa media na tumulong para mawala ang takot ng publiko sa vaccination program ng Department of Health (DoH) sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue gayundin ng posibilidad ng pagbalik ng mga sakit gaya ng polio.

Ayon kay House Committee on Health Vice Chairman Alexie Tutor mula noong taong 2000 ay naideklara nang polio-free ang bansa subalit sa ngayon ay nanganganib na magkaroon ng high risk polovirus transmission kung marami ang hindi magpapabakun laban sa polio dahil  sa takot.

Sa datos ng Department of Health (DoH) ang vaccination coverage para sa third dose ng Oral Polio Vaccine(OVP) ay bumaba ng 95%, ang 95% umano ay target para masiguro ang population protection laban sa polio.

Ani Tutor dapat mapanatili ng bansa ang polio free kaya umaapela ito sa media networks na tumulong para mapalaganap ang vaccination program ng DoH.

“Sana magkaroon ng trending na anti-polio at pro-vaccination ads sa radio, tv at print media upang makalikha ng awareness sa publiko sa kahalagahan ng pagpapabakuna,”pahayag ni Tutor kung saan maging sa mga producers ng teleserye at noontime shows ay nakiusap ang mambabatas na isama sa kanilang mga programa ang ilang minutong pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa pagiging ligtas ng bakuna.

Inirekomenda rin nito sa Radio TV Malacanang ang paggawa ng radio at TV ad na paulit-ulit na i-bo-broadcast at may apela mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga magulang na hikayatin na pabakunahan ang mga anak.

Ang polio ay nakamamatay at isang  disabling disease na sanhi ng poliovirus, nakukuha ito kung may maruming environmental sanitation at hygiene, makakaiwas lamang sa virus sa pamamagitan ng bakuna na dapat makumpleto bago dumating ang edad na 1 taon.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SANGKOT SA GCTA SA BUCOR SIBAKIN LAHAT! –DU30

(NI HARVEY PEREZ)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na gugulong ang ulo ng lahat ng opisyal at personnel ng Bureau of Correction (BuCor) na mapatutunayang sangkot sa korupsiyon.

Kasunod nito, iniutos ni Duterte na pansamantalang mamuno sa BuCor, ang ‘next in rank’ ng mga  employees ng mga sinuspindeng prison official sa naganap na pagpapalaya ng mga convicts  ng heinous crime sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa mga lumutang na korupsiyon.

“Like the President said, our investigation is ongoing so that we will find out all types of corruption there, so that heads will be rolling other than the suspension made by the Ombudsman,” ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

Una nang sinabi ni Duterte na aalisin niya ang lahat ng BuCor officials na masasangkot sa korupsiyon lalo na ang mga sangkot sa maagang pagpapalaya  ng mga bilanggo.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra,  na gusto niyang makuha muli ang kontrol sa BuCor matapos sumingaw ang korupsiyon.

Sinabi ni Guevarra na panahon na para rebisahin ang batas na ipinatupad kung bakit nawalan ng kontrol ang DOJ sa BuCor.

Nalaman na ang  Republic Act No. 10575, ang pinagbasehang batas kung kaya nawalan ng kontrol ang DOJ sa BuCor.

 

Please follow and like us:
Read More

BROKERS IPINAAALIS NA NI DU30 SA CUSTOMS

(NI HARVEY PEREZ)

BILANG na ang araw ng pamamayagpag ng mga brokers sa Bureau of Customs (BOC).

Ito ay matapos sabihin  ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang tanggalin ang mga ‘brokers’ sa BOC na pinaniniwalaang ugat ng korupsiyon sa ahensiya.

Sinabi ng Pangulo na hindi na niya kayang sikmurain ang korupsiyon sa ahensiya minsan naiku konsidera niya ang pagreresign dahil sa korupsiyon.

“I don’t want brokers dealing with the Customs. If there are brokers, there  corruption there … If they really want to end corruption, let’s remove the brokers,” ayon kay Duterte.

“Take away the brokers and you would have cut corruption overnight. On a scale of 1 to 10, maybe you have reduced corruption to about eight, eight and one half,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon naman kay Assistant Customs Commissioner Vincent Philip Maronilla, may legal na basehan naman sa ilalim ng  Republic Act No. 10863, o ang  Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sa ilalim ng Section 1200 ng CMTA inoobliga ang  finance secretary, matapos ang rekomendasyon ng  Customs commissioner,  na mag-isyu ng kaukulang rules and regulations para sa  registration ng customs brokers at ang  accreditation ng ibang customs service providers.

Nakikipagkordinasyon na umano si Maronilla sa  BOC para sa legal na basehan ng kautusan ni Duterte.

Mas gusto umano ni Duterte na balewalain na lamang ang mga Customs brokers kahit pa lisensiyado at professionals .

“You ignore the brokers. You, you go to a broker, I will not deal with you,” ayon pa kay Duterte.

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA SA TRAFFIC AYUSIN NG GOBYERNO, WAG AKO SISIHIN! — POE

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NANINDIGAN si Senador Grace Poe na hindi dapat siya ang sisihin kung hindi pa rin naaaprubahan ang hinihiling na emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang problema sa trapiko.

“I am not the one in the driver’s seat, when it comes to traffic. It’s an administration issue, not a legislative one,” saad ni Poe.

Iginiit ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na bigo ang mga opisyal ng gobyerno na dipensahan ang hinihinging dagdag kapangyarihan para sa Punong Ehekutibo.

Binigyang-diin pa nito na may kapangyarihan na ang Pangulo na pagsama-samahin ang mga Cabinet members na may kinalaman sa trapiko partikular ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) upang bumalangkas ng traffic masterplan.

“They could have huddled over a traffic plan. That’s all I have been asking for — a traffic plan and a transportation plan — which they did not submit,” diin ni Poe.

“If they say we did submit a list of projects for emergency powers, yes they did, it included facial recognition software for their employees. What does that have to do with decongestion?” dagdag pa nito.

Nanindigan si Poe na hindi na kailangan pa ng emergency power dahil may mga batas na sa mga gustong paggamitan nito tulad ng procurement laws.

“I don’t know if it’s ignorance of the law or playing ignorant but I am sure they could have done their research. There are already several laws in place,” diin pa ng senador.

 

Please follow and like us:
Read More

P8.2-B BUDGET NG OP APRUB NA SA SENADO

(NI NOEL ABUELA)

AGAD tinapos ng Senate finance subcommittee ang pagtalakay sa hinihinging pondo ng Office of the President na aabot sa P8.2 bilyon para sa susunod na taon.

Hindi na pinatagal pa ni Senador Christopher Lawrence Go ang pagdinig sa komite nito at kinailangan lang ng 10 minuto at agad na pinagtibay ang pondo ng OP.

Kasama rin sa komite ang mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senador Francis Tolentino at Senador Ronald dela Rosa na hindi na nagtanong pa kung saan gagamitin ang pondo ng OP.

“Familiar faces but magka-opposite side na tayo ngayon.  It doesn’t mean na I will not scrutinize you all, maraming media ngayon baka sabihin nila na walang check and balance dito sa pagdinig na ito,” litanya pa ni Go.

Pinangunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang paghahain sa P8.2-B budget ng OP na mas mataas ng 21 porsiyento kung ikukumpara sa nakalipas na taon na P6.8B.

 

Please follow and like us:
Read More

CRUSADER? IGNORANTE SIYA! –DU30 KAY PING

(NI HARVEY PEREZ)

PINUNA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Panfilo Lacson dahil sa pagsawsaw nito sa bawat isyu na mistula umanong nagtatangkang maging isang  ‘crusader’ pero isa namang ignorante.

Ang pahayag ay ginawa ni Duterte matapos nitong alalahanin  ang pahayag ni Lacson at Vice President Leni Robredo na kapwa binatikos ang kanyang sinabi na walang masama  na tumanggap ng regalo ang mga police officers kung ito ay kusang ibinibigay bilang pagtanaw ng utang na loob.

“His penchant to just right away [make comments] in every issue… I think he’s running for President. But I would  caution him to be more circumspect because there will come a time when those [comments] will be used by his enemies against him,” ayon kay Duterte sa ginanap na oath-taking of League of Vice Governors of the Philippines sa Malacanang.

“Sheer ignorance. Trying to be a crusader but ignorant,” dagdag pa ni Duterte.

Si Lacson, dating  chief ng Philippine National Police, ay malimit na gumamit ng social media para ihayag ang kanyang opinyon sa  mga polisiya ng administrasyong Duterte.

Nabatid na sa Twitter sinalungat ni Lacson ang pahayag ni Duterte kung saan sinabi nito na tanggapin ang regalo ng mga police officers at balewalain ang  anti-graft laws.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Duterte na walang masama kung tatanggap ang mga police officers ng regalo kung ito ay ibinigay sa kanila bilang pagtanaw ng utang na loob sa maganda nilang trabaho.

Sa isang talumpati, kinastigo rin nito si Robredo  sa kanyang naging pahayag.
“I can forgive Lacson for coming out with an erroneous tongue,” ani Duterte “But I can’t accept Robredo, who’s a lawyer.”

Please follow and like us:
Read More

EMERGENCY POWERS SA TRAPIK IDINEPENSA SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

IDINEPENSA ng ilang mambabatas sa Kamara ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila upang matapos na umano ang paghihirap ng taumbayan.

Ayon kina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, kailangan na ang ang direktang aksyon ng Pangulo sa nasabing problema dahil palala na  nang palala ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ang pahayag ni Defensor ay  matapos tutulan ng ilang senador na bigyan si Duterte ng emergency powers  para resolbahin ang problema sa lalong madaling panahon.

“Hindi kailangan ng perpektong solusyon sa traffic kung ito ang gusto ng Senado. Ang kailangan ng Ehekutibo ay poder para maisagawa ang ano mang kailangang pagbabago para maisayos ito,” ani Defensor.

Sinabi ng mambabatas na dahil sa trapik ay nawawalan aniya ang gobyerno at mamamayan ng P3.5 Billion araw-araw base aniya sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) kaya kailangan aniyang ibigay na ang dagdag na kapangyarihan sa Pangulo.

 

Please follow and like us:
Read More

EMERGENCY POWERS NI DU30 SA TRAFFIC MALABO SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

MALABO pa ring pagbigyan ng Senate Committee on Public Services ang iginigiit na emergency powers para sa Pangulo upang resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Committee Chairperson Senador Grace Poe, maaaring maresolba ng administrasyon ang problema kahit walang emergency powers mula sa Kongreso.

Sa pagdinig sa Senado, iginiit ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kung naibigay ang emergency powers, tatlong taon na ang nakalilipas, posibleng sa ngayon ay nagrerepaso na lamang ngayon ang mga nagawa ng pamahalaan.

“Ang hinihingi nating emergency power ay may unique features. Ito ay hindi pang-forever. May sukat ito sa 2 hanggang 3 taon kaya kung ating pag-iisipan at bigyang tanaw ang nakaraan kung nabigyan ng emergency powers noon ay nirerepaso na natin ang nagawa kung napagbigyan noon. Kami ay umaasa na mabigyan ngayon ng pansin. Kung hindi forever, hindi rin absolute dahil maiiwan pa rin ang oversight power sa Kongreso,” diin ni Tugade.

Sumagot naman si Poe na maaari pa rin namang gawin ang mga nais gawin ng gobyerno para solusyunan ang trapiko kahit walang emergency powers.

“Nais ko lamang sagutin ang sinasabi nyo na kung naibigay ang emergency powers ay nasolusyunan na ang trapiko. Marahil oo, marahil din hindi,” saad ni Poe.

“Unang-una, nung kayo ay pumunta dito at hiningan namin kayo ng listahan, nagbigay kayo subalit hindi akma o tugma sa traffic lamang kaya hiningan namin kayo ng specific para traffic,” diin pa ng senador.

Hindi rin anIya kailangan ang emergency powers para mapabilis ang procurement dahil marami pang modes of procurement na pwedeng gamitin ng gobyerno upang mapabilis ito.

“Nakita ko sa inyong website ang dami na ninyong naprocure.  Huwag natin sisihin na dahil walang emergency powers ay hindi nagawa ang dapat gawin,” diin ni Poe.

“Wala akong sinabing wala kami nagawa kasi walang emergency powers. Mas marami sana kaming nagawa kung may emergency powers,” sagot naman ni Tugade.

Iginiit din ni Poe na isa pa sa dahilan kung bakit hindi naaprubahan ang emergency power bill ay dahil hindi naman ito certified urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte bukod pa sa hindi rin naman nakikipag-usap si Tugade sa komite.

“Pag ito po ay nakita nyo na kailangan, na-certify sana ito na bill na urgent,” giit ni Poe.

“Kayo (Tugade) bihira kayo magpakita dito para kausapin kami. Minsan ito na lang ang ginagawang kadahilanan dahil walang masolosyunan,” diin pa ng senador.

 

Please follow and like us:
Read More